“Okay class, your Js Prom will be at March 7. Dapat ay may partner na kayo. Boys, ask the girls to be their date okay and dapat sa klase lang. Understand?” annunsyo ng adviser naming.
“Yes Maam” sagot ng lahat. Nagkanya kanyang daldalan ang mga classmates ko after nung announcement ni Maam. Lahat ay excited sa gaganapin na Js Prom. First time eh lalo na sa aming mga juniors pa lang. Bigla kong naalala si Jared. For sure aayain niya si Fritzie for his partner.
Eh si Enzo kaya? Aayain niya din ba ako?
Nang sumapit ang lunch break ay sumabay na ako kay Enzo. Si Liezel naman ay hindi sasabay sa akin dahil gagawa pa siya ng assignment na di niya natapos. Magkatabi kami sa isang table “May partner ka na ba?” tanong niya sa akin.
Umiling ako “Wala pa. Ikaw?”
“Wala din.” Lumapit siya sa akin at bumulong “Tayo na lang. Gusto mo?”
Automatikong napatango ako. No choice, kung bakit ba naman kasi ang daming arte ng school namin. Pero sa tingin ko ganun din naman sa ibang schools.
Nang sumapit ang Js Prom ay busy ang lahat sa pagpapaganda at pagpapapogi. Since ang Js Prom naming ay 3pm hanggang 11pm kaya 1pm pa lang ay nag-aayos na ako. Inayusan ako ng pinsan kong si Irah dahil mas expert siyang mag-make-up kesa sakin.
“Girl ang ganda ganda mo na. For sure mas lalong maiinlove sayo yung boyfriend mo!” natutuwang sabi niya. Tinignan ko ang sarili ko, nagmukha akong tao sa make up ni Irah at sa ayos ng buhok ko pero yung sinabi niyang maiinlove sa akin si Enzo? Hah! For sure hindi yon mangyayari.
Tumawa na lang ako “Hindi naman. Dahil yan sa make up mo noh? Galing mo kayang mag make up” medyo simple lang yung make up ko pero maganda naman, pati na rin yung buhok ko. Kinulot niya ito.
“Thanks. Osige na magbihis ka na, baka ma late ka na”
Nagbihis ako ng gown na blue na pinahiram ng kaibigan ni mama. Simpleng long gown ito na may pagkasheer at may heart neckline. May dress code kasi sa school namin at bawal mag cocktail dress dahil last year ay na issue ito. Tinernuhan ko ng silver na heels at clutch bag. Saka earrings at bracelet lang.
Si papa na ang maghahatid sa akin kasi sabi ko, di ako susunduin ni Enzo. Ang totoo nyan ayoko lang na sunduin niya ako sa bahay namin, masyado na kasing nakakahiya para sa kanya so sabi ko magkita na lang kami sa school.
Habang nakasakay ako sa sasakyan namin ay tinetext ako ni Enzo.
‘Asan ka na?’ – Enzo.
‘Papunta na. Ikaw?’
‘Andito na sa school. Ano nga palang kulay ng suot mo?’ – Enzo.
‘Secret. Bakit?’
‘Wala lang curious lang’ – Enzo.
“Andito na tayo” sabi ni papa. Bumaba na ako at kumaway ako sa kanya “Basta text mo ako pagsusunduin na kita”
“Opo. Sige po” pumasok na ako sa school at dumiretso sa gymnasium. Malaki yung gym namin kaya kasyang kasya kaming lahat. Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Enzo na nakasuot na white tuxedo. Infairness ah? Ang gwapo niya ngayon. Mas bagay yung white sa kanya kesa sa black. Ngumiti siya sa akin “Ang ganda mo ngayon ah?”
Tumawa lang ako “Syempre. Ikaw din ang gwapo mo ngayon”
Hinawakan niya yung kamay ko “Thanks. Tara pila na tayo” at naglakad na kami papunta sa pila for the entrance. Nagpicture taking muna na pinrovide ng school bago naglakad sa red carpet. Sosyalin diba? Hiwalay ang upuan ng babae sa lalaki kaya naghiwalay kami. Iginiya ako ng waiter sa table na good for 8 persons at kung saan may nakalagay sa gitna yung section namin.
BINABASA MO ANG
Heart String
Teen FictionCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...