Umakyat kami sa third floor nila kung nasaan naroon ang terrace. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang sariwang hangin na nagmumula rito.
“Ang sarap ng hangin” sambit ko. Agad kong narinig ang pagtawa ni Enzo pero mahina lang “Oo nga, palagi akong nandito kapag trip kong mapag-isa” sabi niya.
“Ganun ba?” tumango naman siya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang langit “Ang ganda pala dito noh?” sabi ko at sumang-ayon naman siya. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa kaya medyo nailang ako. Ano ba yan! I need topic!
“Nga pala, matanong kita. Naalala mo nung una tayong nagkita, bakit mo nga pala ako gustong tulungan nun? I mean is there any deep reasons behind it?” tanong ko.
Tumingin siya sakin sabay tingin sa langit “Ah.. ayun ba? Wala gusto kitang tulungan. Gusto kong pasakitan si Fritzie pati na rin si Jared na ex mo” nagulat ako sa sinabi niya. Alam niyang naging boyfriend ko si Jared? Pero paano? Mukhang nabasa niya ang iniisip ko “Paano ko nalaman? Nakita ko kayong dalawa noong araw na nagbreak kayo. Hindi yun sinasadya, aksidenteng narinig ko kayong dalawa. Pasensiya na” ahh kaya pala.
“Ayos lang”
“Isa pa kaya gusto kitang tulungan, gaya ng sinabi ko. Gusto kong pasakitan si Fritzie. Totoong naging M.U kami, gaya ng nakikita niyo samin noon.”
“Pero bakit ka pumayag na maging ganun na lang ang sitwasyon niyo? Di mo ba siya niligawan?”
Tumawa siya ng mapakla “I tried pero ayaw niya eh. Gusto niya hanggang M.U lang kami. Ayaw niya ng commitment pero dahil mahal ko siya, pumayag ako sa gusto niyang set up. Umabot yun nang 4 months hanggang sa nitong January, itigil na daw namin yung ganun na relasyon. Wala siyang malinaw na rason. Hanggang sa nalaman ko na nililigawan na siya ni Jared”. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Enzo at nainis kay Fritzie. Bakit di siya nagbigay ng rason kay Enzo? Parang lumalabas na iniwan niya sa ere si Enzo.
Tinapik ko na lang yung balikat niya “Pasensiya na”
Ngumiti siya “Ayos lang tsaka bakit ikaw yung nagsosorry? Eh wala ka namang ginawa.”
Bakit nga ba ako nagsosorry? Dahil ba sa wala akong mahanap na right words para i-comfort siya?
“Ayos lang kung wala kang sabihin na makakagaan sa loob ko ang importante eh nakinig ka ng di mo ko hinuhusgahan kaya salamat” ngumiti siya sakin. Isang sincere at mainit na ngiti na bagay na di ko pa nakikita sa kanya. Napayuko na lang ako at nararamdaman ko na namang parang may paru-paro sa tyan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
“Maiba ako, bakit walang nakakaalam na may relasyon pala kayo ni Jared? I mean ba’t ayaw niyong ipaalam?” tanong niya.
“Ayaw niyang sabihin dahil natatakot siyang baka awayin ako ng mga fangirls niya sa school. Ayaw niyang masaktan ako kaya napagdesisyon niyang wag itong sabihin. Ayos lang naman sakin atleast walang mangkukuyog sakin pero may mga times na nalulungkot ako. Feeling ko di siya proud sakin. I mean, usually naman dapat ipinagmamalaki ang boyfriend or girlfriend diba? Pero iniisip ko na lang na as long as mahal niya ako at hindi niya ako niloloko eh walang problema.” Sabi ko.
“Ipagmamalaki kita sa buong mundo bilang girlfriend ko at poprotektahan kita.” Makahulugang sabi niya. Kumunot ang noo ko “A-anong ibig mong sabihin?”
Imbis na sagutin ang tanong ko ay inilabas niya ang cellphone niya at ibinigay sakin. May nakaopen doon na isang English-Korean translator application sa phone niya. Tinignan ko siya “Anong gagawin ko dito?” kinuha niya ang palad ko at inilagay ang isang kapirasong papel na may nakasulat na ‘Joahae/ 조아해’.
Teka ano ba toh? “Translate mo” sabi niya.
Sinunod ko yung sinabi niya. Tinype ko yung word na nakasulat sa papel at tinranslate sa english pero ganun pa din yung lumabas. Tinry kong itype yung pa-hangeul. Medyo maalam akong maghangeul pero di ko maintindihan ang meaning. Pinindot ko ang ‘Translate to English’ na button at ang lumabas ay—
‘I like you’
Napatingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya habang kinakamot yung batok niya. “A-ah? A-ano toh?” nauutal na tanong ko.
Tumingin siya sakin at lumapit “Gusto kita, Celine. Sinabi ko noon na gusto kitang maging rebound para makalimutan ko ang feelings ko para kay Fritzie pero habang unti-unti kitang nakikilala, mas lalo kitang nagugustuhan. Alam kong mabilis masyado para sayo pero ito yung nararamdaman ko ngayon.” Sabi niya.
Nakatingin parin ako sa kanya at ramdam ko yung mabilis na tibok ng puso ko. Gusto kong magtitili at magtatalon kaso nahihiya ako.
“Ahh” yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/12939239-288-k729707.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart String
Roman pour AdolescentsCeline's boyfriend broke up with her before the Valentine's Day because he was fed up. And when the Valentine's Day came up, Jared courted his best friend, Fritzie whom to be happened as the apple of the eye of the notorious playboy, Enzo. Then that...