WI (1)

289 7 2
                                    

(Samantha's POV)

"Class dismissed." sabi ng guro ko sa physics at tuluyan ng lumabas.

"Samantha!!" tawag sakin ng kaibigan kong si maria.

"O? makasigaw ka naman, nasa iisang kwarto lang tayo teh. kala mo saken bingi?"

"Hehe sorry na ate girl, tara nang umuwi im so sleepy na!"

"Mauna ka nang umuwi may dadaanan pako may pinabibili kase saken si mama sa national." Pero sa totoo lang alibi ko lang yun gusto ko munang mapagisa, grabe naman kase yung project na pinagagawa samen sa research nakakastress isama mo pa tong si maria na ang sarap sabunutan sa sobrang ingay!

"Ay really? sama nalang me!" excited na sabi niya.

"Wag na! matulog ka nalang sainyo at wag ka na sanang magising." sabi ko pero syempre binulong ko lang yung sinabi ko nung huli.

"Ano nga uli yon yung huli mong sinabi?"

"Sabi ko umuwi ka nalang para makatulog ka ng maaga, alam mo na beauty sleep diba?" nakangiting sabi ko rito.

"Hahahaha! sige na nga babush ingat ka." sabi nito at tumakbo na paalis. Hay salamat!

Pumara nakong jeep papuntang SM. Magbabayad na sana ako nang mapansin kong nawawala yung wallet ko. Okay? asan yun?!
Sam kalma nandyan lang yan hanap ka pa, tiwala lang!

okay *inhale* *exhale* try mo sa bulsa ng bag? wala, Sa bulsa ng palda? wala omg !! nasan na yon!
pano nato! kung magpapara naman ako nakakahiya mga 2mins nakong nakaupo rito sabihin pa ni kuya pinaasa ko siya. kung mangutang kaya ako sa katabi ko.

Napatingin naman ako sa katabi kong matanda. inakopo nakakahiya itu! mukha pa namang masungit si manang. mag 123 nalang kaya ako? Kase naman samantha eh tanga tanga san mo ba naiwanan yun?! Bat kase naisipan mo pang magSM sumabay ka nalang dapat sa maingay mong kaibigan edi sana wala kang problema!

"Ako na miss." nakangiting sabi ng kaharap ko sa jeep. ako ba kausap neto?

tumingin ako sa kaliwat kana ko. sa kaliwa ko wala namang nakaupo sa kanan ko si manang na mukhang masungit, so ako pala talaga yung kausap nya.

"Huh?" tanong ko sa lalaking kaharap ko. Nagulat ako sa biglang pagngiti nito.

Ang gwapo! akala ko puro kamalasan ang mangyayare saken ngayong araw nato eh pero mukhang sinuwerte ako dahil biniyayaan ako ng gwapong kaharap sa jeep!

takte samantha nakalimutan mo bang namomoblema tayo sa pamasahe! puro kalandian mo nanaman inuuna mo eh tsk!

"San kaba ako na magbabayad sayo." nakangiting sabi nito

nuraw? sya na magbabayad? seryoso sya?! God thankyou po sa blessings, dahil wala na rin akong choice.

"S-sa SM lang." natawa sya sa sagot ko. at inabot na kay manong yung 20 pesos na pera nya. nakakahiya takte!

"Manong dalawang SM nga po!!"

"Salamat ah bayaran nalang kita pag nagkita tayo ulit." sabi ko matapos nyang makuha yung sukli nya.

"Hahaha wag na okay lang yun, di naman naten alam kung magkikita parin tayo eh."

Nginitian ko nalang sya bilang sagot. so ano narin palang purpose nang pagpunta ko sa SM kung wala akong pera. Aish!

Luh pano pala ako pauwe?! langya naman talagang buhay to! Tinignan ko uli si kuyang gentleman. nahiya naman ako ng makita ko syang nakatingin din pala saken.

bayern buti di ako natunaw sa tingin ni kuya hahaha!

"Ano k-kase." fushang gala naman wala nang hiyaan to.
"P-pwedeng pautang akong pamasahe pauwe?"

"HAHAHAHAHAHAHAH" nagulat ako nang bigla syang tumawa ng pagkaylakas lakas. napatingin tuloy sakanya yung mga kasama namin sa jeep.

Kainis mas lalo nyang dinagdagan yung kahihiyang nararamdaman ko. tsk!

"Wag ka ngang tumawa! pinapahiya mo naman ako eh." iritang sabi ko. oo na makapal na mukha ko dahil ako na ngang nangugutang sakanya ako pa may ganang magalit pero eto naman kaseng isang to. mahirap din naman sakin to no! huhu

"Hahaha! sorry miss kase pfft! hahahaha." grabe naman kailan ba sya mauubusan ng tawa?!

"Ano? tapos kana ba?" tanong ko nang makita kong pinupunasan nya na yung luha nya sa mata dahil sa kakatawa.

"Sorry, nakakatawa lang kase na pupunta ka sa mall na wala manlang kapera pera. mas natawa pako sayo dahil nakuhang mo pang mangutang sakin ng pamasahe mo pauwe kakaiba ka hahahaha."

Sorry naman hindi ko naman inaasahang mangyayare saken to ngayon. malas !

"Ganito nalang samahan mo nalang akong maglibot sa mall exchange mo manlang sa pagiging mabait ko." ngiting ngiting sabi nya. di naman halatang masiyahin syang tao nu?

"Ayoko nga! pautangin mo nalang akong pamasahe babayaran talaga kita promise!"

"Ayaw mo? bahala ka ayaw ko din." Naman kala nya ba saken bayarang babae?!

"Aish bahala na nga." sabi ko makapaglakad nalang. magpapara na sana ako ng bigla nyang higitin ang kamay ko.

"Hoy! tyansing kana ah!" sigaw ko sabay higit pabalik ng kamay ko.

"Woah! hahahaha sorry na miss. kung dika lang maganda mapaghihinalaan talaga kitang masamang tao eh!"

Grabe ! masamang tao, ako?! tama sya dun sa maganda. pero ako masamang tao?!

"Hoy grabe ka naman saken! bahala ka nga dyan! Para po!!!" nang tumigil si kuya bumaba na agad ako ng jeep.

Alay lakad ang peg ko today ah! pagpalain sana ko ni lord sa gagawen kong to. maglalakad na sana ako ng bigla may kumalabit sakin.

"Uy." Napalingon naman ako agad. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko kung sino ito.

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon