WI (14)

62 3 2
                                    

(Samantha's POV)

"Athena!" sigaw ko at niyakap siya. Hindi ko kase sya nayakap kanina nang matagal dahil sa rebelasyon nila ni rafael.

"C-can't breath." sabi niya kaya naman humiwalay agad ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hehe sarreh."

"Obvious namang namiss moko." Natatawang sabi niya.

Napatitig ako sa mukha ni athena. grabe kung maganda sya noon mas gumanda sya lalo ngayon. Iba talaga pag sa ibang bansa ka namalagi.

"What? is there's a dirt on my face?" sabi niya at kinapa ang mukha nya.

"Wala." umiiling na sabi ko. napatagal pala ang pag titig ko kay athena haha!

"Tara sa loob." nakangiting sabi ni maria. Phew! akala ko di na sya magsasalita eh.

"Sure." sabi niya

Pumunta na rin kaming tatlo sa loob pagkatapos kong isara yung gate.

***

"Manang ikuha mo naman po kami nang makakain dito oh." utos ni maria sa kasambahay nila.

"Sige po." sabi ni manang at dali daling pumunta nang kusina.

"Kamusta ka naman sa america?" nakangiting tanong ko kay athena.

"Im okay." nakangiti ring sagot niya

"Babalik ka pa ba dun?" tanong ni maria.

"Kakauwi ko lang eh yan na agad tanong mo? pinapauwi mona ba ako?" Biro niya

"Hinde ah. nagtatanong lang naman ako. dito ka na ba for good?"

"Yup, nagpromise kase sila daddy na dito na ako pag nakagraduate nako nang highschool."

Natigil kami sa paguusap nang biglang dumating si manang na may dalang tray nang orange juice at cupcakes. Kaya gustong gusto kong tumambay lagi dito kayla maria eh ang dami laging puds.

"Salamat po." sabi ko kay manang. nginitian lang niya ako at nagmartsa na siya pabalik nang kusina.

Argh! gusto ko nang itanong kung ano bang meron sa kanila ni Rafael eh. Curious na curious na kase ako.

"May itatanong pala ako sayo athena." Nagulat ako sa pagiging seryoso ni maria shocks minsan lang to magseryoso. nakakatakot pa naman sya pag ganyan sya.

"What is it?"

"Ano meron sa inyo ni Rafael?"

Uminom muna si athena ng orange juice nya bago siya sumagot.

"Nothing." nakangiting sabi niya. Parang hindi ako kuntento sa isinagot niyang 'Nothing.' nang tignan ko si maria mukhang halata din sa kanyang hindi pa siya kuntento sa sagot ni Athena.

"Okay, Ex ko kase yung kaibigan nya." Diretsong sabi ni athena na ikinagulat ko. Matagal na namin syang kilala pero hindi niya manlang naikekwento sa amin na nagkakaroon na pala sya nang boyfriend! Naglihim sya sa amin!
"Kaibigan ni rafael?" Tanong ni maria.

"Yeah, sorry kung hindi ako nakakapag kwento sa inyo about dun." Tila naman nabunutan nang tinik si maria dahil sa sinabi ni athena.

Ako naman tong kinabahan, kaibigan ni Rafael? Sino kaya sa anim na itlog yung naging ex nitong si athena?

"Wait. kanina ko pa nasesense to eh. Maria may relasyon ba kayo ni Rafael? kanina kase ang sama mo makatingin sakin, and i feel like you're mad at me so spill." natatawang sabi ni athena

Numula naman si maria sa sinabi ni athena. "Hahaha oo nagseselos yan sayo athena!" pangaasar ko kay Maria. sinamaan nya naman ako nang tingin.

"Hahaha sorry, pero may relasyon ba kayo?"

"Wala." nanlulumong sabi ni maria, natawa naman kami ni athena sa isinagot ni Maria.

"Disappointed?" tanong ko kay Maria habang tumatawa.

"Hindi ah!" Depensa ni Maria

"Wushu!" pangaasar ko kay Maria.

"Bakit parang galit sayo si Rafael?" Tanong ko kay Athena.

"Long story." sabi ni Athena at awkward na ngumiti. "Ang liit talaga nang mundo no? Pano nyo nakilala sila Rafael?" sabi niya.

"Dahil dito kay Samantha." sagot ni maria

"How?"

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Maria.

"Isa sa kaibigan ni Rafael ang nakasabay nya sa jeep, hindi lang yun, nilibre pa sya."

"Seriously? Sino?" Takang tanong ni Athena.

"Si -"

*Ring ring ring ring*

"Oops wait lang guys, tumatawag si daddy." sabi ni Athena at sinagot na nya yung tawag.

Tinitigan lang namin si athena habang kausap nya yung daddy niya. Nang ibaba nya na yung call nakangiting tumingin sya sa amin.

"Sorry guys, Kailangan ko nang umuwi. Sila daddy kase nagtatampo kayo daw kase ang una kong pinuntahan imbes na sila." Natatawang sabi ni Athena.

"Haha sure." sagot ko.

"Btw yung mga pasalubong ko sa inyo bukas ko nalang ibibigay."

"It's okeh." sabi ko at niyakap sya. "Ingat ka."

"Yup. thanks."

"Ingat ka." sabi ni Maria at yumakap rin kay Athena.

"Alright."

"Athena sa 28 punta ka sa graduation namin ni Sammy ah." masayang sabi ni maria.

"Sure." Sagot niya "Sige na. bukas na lang ulit." sabi niya at bumeso saming pareho ni Maria.

"Ingat!" Sigaw naming pareho ni Maria pagkaalis nang kotse ni Athena.

"Aray!" angal ko nang batukan ako ni Maria. mahina lang naman pero.. kahit na!

"Pinapahiya mo naman ako kay Athena eh!"

"Heh! pabebe ka kase."

"Enebe." sabi niya

Bwisit nato kanina lang napaseryoso nang aura, ngayon parang timang na. hays may sapak talaga sa ulo tong si Maria eh.

"Tumigil ka nga di bagay sayo." natatawang sabi ko.

"Hahahaha tara na nga sa loob!" aya ni Maria

Papasok na sana kami sa loob nang bahay nila maria nang may napansin kaming wallet sa daan.

"Kanino yan?"

"Baka kay Athena." Sagot ko at dinampot yung wallet.

"Balik nalang natin bukas." sabi ko.

"Patingin nga teh!" sabi ni Maria at hinablot sakin yung wallet.

"Pakielamera ka talaga!"

Nginitian nya muna ako bago niya buksan yung wallet. "Uy daming pera hahaha!"

"Akin na Maria!"

"Wait lang beshie ineexamine ko lang naman. Hindi ko naman sya nanakawan chill ka lang." sabi ni Maria

Inirapan ko sya. "Parang timang." sabi ko.

"Hahaha Sammy hin-" natigilan si Maria sa pagsasalita nang makita namin pareho yung nakalagay na picture sa wallet ni Athena. Kahit ako ay natigilan sa nakita ko.

Hindi ko alam kung anong nangyare sakin pero nakaramdam ako nang kirot sa puso ko. Posible ba yun?

Nakalagay kase rito ang picture ni Athena at ni Marco na magkayakap.

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon