(Marco's POV)
"O ayan na pala sila." napatingin naman ako sa pinto. hays mabuti na lang nandito na sila.
"Bat ang tagal nyo?" iritang tanong ko. inakbayan lang ako ni marvin.
"Pare alam kong namiss mo kame, pero hindi kaba nagenjoy kasama si rafael?" Inismidan ko nalang sila at di na sila pinansin. ang mga gago tinawanan lang ako.
"Pre nakakasakit ka na nang dadamin ah!" drama ni rafael.
"Tsk! drama mo!" sabi ko at kinaltukan siya.
"Naman pre masakit yun ah!" sabi niya sabay pout.
"Oy itigil nyo na nga yan! tara nang maglibot! baka magkapikunan pa kayo diyan eh."
Lumabas na kaming pito ng starbucks, Napadaan naman kami sa penshoppe."Tara tingin tayo." sabi ni Angelo ang pinaka matanda saming pito.
Papasok na sana ako sa loob nang bigla akong may nakabungo na babae, Sa lakas ng imapact napahiga ako sa sahig habang sya naman ay nahulog sa akin.
"Ikaw?!" sabi naming pareho.
Takte ano to destiny? Nakita ko na naman tong babaeng to. Sya yung babae sa jeep kahapon, Si Samantha.
Humiwalay naman agad siya sa akin, Habang ako naman ay tinulungan ng mga kaibigan ko para makatayo.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni angelo samen si samantha.
"Oo, okay lang ako." sagot niya sa tanong ni angelo, "s-sorry ah." sabi niya sakin.
"Okay lang ako." sabi ko at nginitian siya.
"Ah, sige una na kame, sorry talaga ah." sabi nito at hinila niya yung babaeng kasama niya.
"Pre sino yun? kilala mo?" tanong ng mga kaibigan ko sakin.
"Si samantha." walang emosyong sabi ko. diko akalaing makikita ko ulit siya. Teka! sabi niya babayaran niya utang niya saken pag nagkita kame ah. yung babaeng yun talaga!
"Samantha who?" takang tanong nilang anim.
"Sya yung babae sa jeep kahapon, Sya yung babaeng nakwento ko sayo kanina." sabi ko kay rafael.
"Seryoso pre? chic ah." Gulat na gulat naman to. hilig talaga sa babae eh.
"Anong kahapon? anong meron sa jeep?" takang tanong ni stephen. pangalawa sa matanda sa aming pito.
"Mahabang storya, kwento ko sainyo maya, tara nang maglibot!"
"Bipolar ka rin no? kanina lang ang sungit mo nakita mo lang yung babaeng yun naging ganyan ka, mas lalo tuloy akong nacurious sa babaeng yun." Natawa na lang ako sa sinabing yon ni Zander.
(Samantha's POV)
"Sino yun ha?" kinikilig na tanong ni maria.
"Sino?" painosenteng tanong ko.
"Wag ka ngang painosente dyan! sino yung gwapo lalaki kanina! kilala mo ba siya?"
"Nakilala ko lang sa jeep yun, kahapon."
"Sa jeep?" ang kulit naman neto.
"Oo, nilibre nya akong pamasahe kahapon." nahihiyang sabi ko.
"Omg seryoso?!" tinanguan ko lang siya.
"Pano nangyare yun? bakit ka nya nilibre?"
"Nawawala kase yung wallet ko kahapon, diko alam kung saan napunta." Damn may usapan nga pala kami na babayaran ko siya pag nagkita kame! nakakahiya naman tinakasan ko siya kanina. >________<
"Wallet mo? hahaha nasa akin ang wallet mo!"
"Huh?"
"Diba pinahawak mo sakin yun kahapon nung nagcr tayo sa school. eh nilagay ko muna sa bulsa nang palda ko. nakalimutan ko nang ibigay sayo naalala ko nalang nung nagpalit na ako ng damit pambahay." sabi niya at inabot saakin yung wallet ko. letche kang wallet ka! pahamak ka!
"Letche nasaiyo lang pala to." sabi ko at kinuha sa kanya yung wallet ko. "Tara na nga kumain nalang tayo." Sabi ko at hinila siya papuntang food court.
A/N: Sorry ulit sa boring update. Keep reading loveyou guys :*
![](https://img.wattpad.com/cover/108193358-288-k926762.jpg)
BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Teen FictionWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...