(Marco's POV)
"Athena, will you be my girlfriend?" kinakabahang tanong ko kay Athena.
Nakatingin lang sya sa akin. kaya naman mas lalo pa akong kinabahan. Umoo ka please.
Nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa pisngi ko.
Nginitian nya ko "Oo!" pasigaw nyang sabi.
Binuhat ko sya sa sobrang tuwa "YES! GIRLFRIEND KO NA SI ATHENA!" masayang sabi ko habang sya naman ay natatawa na lang sa ginawa ko.
"I love you." sabi niya nang ibaba ko sya.
"I love you too." sabi ko at unti unting nilapit ang mukha ko para halikan sya.
***
"Pre!" nagulat ako sa biglang pagsigaw sa tenga ko ni Marvin. takte nabingi ata ako dun.
"Ano!?"
"Kanina ka pa namin tinatawag, tulala ka dyan?" sagot naman ni Christian
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Stephen.
"Oo." sagot ko.
Bakit ba naalala ko na naman yun?!
"Dahil kay Athena yan no?" tanong ni Angelo.
"Hindi pre." umiiling sa sabi ko. hindi ko naman kase dapat sya iniisip.
Nagkatinginan silang anim. "Tara magstroll nalang tayo!" aya ni Rafael.
"Oo nga, pampatanggal stress bro!" sabi ni Stephen at inakbayan ako.
"Tara!"
"Sige!"
"Magandang ideya yan!" sabi ni Zander. nakatingin sya sakin nang sabihin nya yun.
Hays. mukhang ginagawa nila to para di ko maisip si Athena. pero takte di sya mawala sa isip ko. gusto ko syang makita! tangna!
"Kayo na lang." walang ganang sabi ko at tinanggal ang pagkakaakbay sakin ni Stephen.
"Ha?"
"Korni."
"Sumama ka na gago." tinignan ko nang masama si Zander.
"Hahaha sumama ka na kase."
"Ayoko."
Nagulat ako nang bigla akong hilahin sa kwelyo ni Christian
"Oy Christian!"
"Huy!"
"Problema mo?" inis na tanong ko.
"Kilala kita pre. may balak kang puntahan mamaya diba!? kaya ayaw mong sumama samin!" nanggigigil na sabi nya.
Umiwas ako nang tingin sa kanya. nabisto ako!
"Kung ano man yang iniisip mo, tigilan mo na pre. akala ko ba okay na? naka move on ka na diba?" napatingin ako sa kanya. kagabi ko pa iniisip ang sagot sa tanong na yan pero hanggang ngayon naguguluhan parin ako.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. hindi ko alam ang isasagot ko. natanga ako sa kinatatayuan ko.
Napailing si Rafael "Tama na Chris." sabi ni Rafael at hinawakan ang braso ni Christian. Unti unti namang tinanggal ni Christian ang pagkakahawak nya sakin.
"Wala tayong magagawa, mahal nya parin eh." seryosong sabi ni Rafael.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan talaga ako. Gusto ko nang suntukin ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/108193358-288-k926762.jpg)
BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Teen FictionWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...