WI (2)

126 7 0
                                    

(Samantha's POV)

"Ikaw na naman?!!"
Tsk! kung wala lang talaga akong utang na loob sakanya masisipa ko na talaga tong taong to.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagpautang ng pamasahe sayo sa jeep?" Natatawang sabi nito.

"Hay edi sorry na, promise ko talaga sayo babayaran kita."

"Ganito nalang ibigay mo nalang number mo." ngiting ngiting sabi nito at may pagtaas baba pa ng kilay. argh! mukhang manyak!

"Para saan naman?!" Sigaw ko rito.

"Para maitetext ko sayo kung kailan tayo magkikita para mabayaran mo sakin yung otso pesos na utang mo, sabi ko naman kase sayo wag monang bayaran, Eh ikaw ang mapilit kaya sige bayaran mo nalang."

Napapout nalang ako sa sinabi nya. Maarte na kung maarte pero hindi naman ako nagbibigay ng number sa stranger no! may pagka maria clara ata to kahit hindi halata! >_____<

"Ayoko!" gigil na sabi ko.

"Hahahaha sabi na nga ba aayaw ka eh. Ako nga pala si Marco." nakangiting sabi nya sabay lahad ng kamay para makipagshake hands.

Tinignan ko lang yung kamay nya. Aarte pa ba ko? May gwapo nang nakikipag kamay sayo ngayon samantha!

Nakipagkamay nalang din ako, at nginitian sya.

"Samantha" sabi ko sakanya. Minsan hindi ko rin gets yung sarili ko eh kanina galit ako, ngayon naman pangitingiti ako. pabebe amp!

"Ayan magkakilala na tayo pwede ko na bang kunin number mo?" I just give him a puzzled look. Yung tipong painosente look hahaha!

"Hahahahahah joke lang sige ingat ka, see you when i see you" sabi nito sakin at umalis na.

Aalis na rin sana ako ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Teka lang sam!" napalingon ako sa tumawag sakin si marco lang pala. Nice close mo samantha?!

"Ano yun?" Tumakbo sya palapit saken pasakay na kase sya ng jeep.

"O ayan sixteen pesos na utang mo saken ah! hahaha babye" nginitian nya ako sabay takbo para sumakay na sa jeep. buti hinintay sya nun.

Tinignan ko lang yung otso pesos na binigay nyang pamasahe saken. ang bait nya kahit hindi nya naman ako gaanong kilala pinautang nya parin ko. sana makita ko ulit sya

***

"Ate!!!" sigaw agad sakin ng kapatid kong si ariel pagkapasok na pagkapasok ko nang bahay.

"O, problema mo?"

"Lagot ka kay mama san kaba nagpunta ha? ala sais na oh!" jusq naman nalate lang naman ako ng kaunti ah.

"Nasan ba si mama?" tanong ko sa kapatid kong si ariel.

"Nandun sa kusina nagluluto, nagtaka nga ako kase nadatnan ko sya dung umiiyak. tinanong ko kung bakit nginingitian lang ako. naabnormal na si mama ate!!"

"Umiiyak?!" Tinanguan lang niya ako bilang sagot, dali dali naman akong pumunta nang kusina. nakita ko si mama na nakatayo malapit sa lababo nung lumapit ako nakita ko siyang naghihiwa ng sibuyas. naknang batang yon pinagtitripan ako!

"Samantha nakauwi kana pala, bat ngayon ka lang?" tanong ni mama ng hindi nakatingin sakin. Masyado namang focus sa paghihiwa ng sibuyas to!

"May tinapos lang po ako sa school." pagsisinungaling ko.

"Ma, grabe nyo namang iyakan yang sibuyas nagbreak ba kayo nyan?" biro ko kay mama.

"Sira! magbihis kana nga para matulungan mo ako rito sa pagluluto!" Tinawanan ko nalang si mama at umalis na. Nakita ko naman si ariel na tinatawanan ako, inirapan ko nalang sya at umakyat na para magbihis.

Bigla ko namang naalala si marco yung lalakeng nakasabay ko sa jeep, dapat pala talaga binigay ko nalang yung number ko edi sana maykatext akong gwapo.

Dafq samantha desperate much?! dali dali nalang akong nagbihis at bumaba na para matulungan na sa pagluluto si mama.

A/N: Yay sorry kung boring hahahahaha. keep on reading lovelots :*

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon