WI (20)

61 3 0
                                    

(Samantha's POV)

"Argh!" sabi ko at sinabunutan ang sarili

Hindi ko parin maintindihan yung sinabi ni Marco sakin ano bang gusto niyang ipaghiwatig !?!

Bumalik uli ako sa pagkakahiga at nagtaklob ng kumot, dalawang araw nang sumasakit yung ulo kakaisip dun sa sinabi ni Marco at sa dalawang araw na yun puyat ang inabot ko

Bwisit na Marco yun pinapagulo utak ko! Pati na rin yung feelings ko!

Dalawang araw na rin ang nakalipas nung sinabi niya sakin yun, nung umuwi kami galing antipolo hindi na muli kami nagimikan o nagusap siguro pareho kaming nahihiya sa isa't isa mabuti na nga lang at hindi nila kami inaasar na dalawa kung nagkataon bibigyan ko sila nang tig iisang tadyak sa tiyan

Gusto ko pa sanang matulog kaya lang may pasok at baka malate pa ako. Kaya agad na akong naligo at inayos ang aking sarili

Nang makababa nako nadatnan ko naman si Mama na kumaikain kasabay si Yaya Becky.

"Kakain ka ba Nak? Sabay kana samin."

"Hindi na po Ma, malelate na rin po ako e." sagot ko

"Okay sige, ay nga pala anak may bisita ka sa labas, ayaw niyang pumasok dito e hintayin kana lang daw niya diyan sa labas. Kanina pa siya diyan. Pamilyar nga sakin yung mukha e diko lang maalala kung san ko siya nakita" sabi ni Mama

Bisita? Hindi naman pwedeng si Maria yun dahil feel at home naman yun dito bigla bigla nalang papasok dito yun. Sino naman kaya yun??

"Ah sige po Ma, alis napo ako."

"Okay sige ingat ka."

Pagkalabas ko tila gusto ko ulit bumalik sa loob ng bahay at magkulong sa kwarto ko sa hiya, pano ba naman kasi si Marco nakatayo sa labas nang gate namin at nasabi ko na bang ang gwapo niyang tignan sa itsura niya ngayon??!

Ang gwapo niya sa uniform na suot niya ngayon.

"Good morning." nakangiting bati niya

Sa dalawang araw niyang hindi pagpaparamdam sakin heto siya sa harap ko at bumabati ng good morning!!

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sakanya

Napahawak siya sa batok niya at tila nahihiya "Sinusundo ka."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya "Ha? Wag na! Baka malate ka pa sa klase mo." nahihiyang sabi ko

Nginitian nya ako "Mamaya pa naman ang klase ko, ikaw ang lalong malelate kung hindi ka pa sasabay sakin ngayon. Syaka along the way naman ang school mo sa school ko." 

"Okay fine." I said in defeat

Inalalayan niya naman ako papasok ng kotse niya

Nagulat pa ako sa biglang paglapit niya sakin akala ko kung anong gagawin niya nilagay niya lang pala yung seatbelt sakin. Ang assuming ko talaga

Tahimik lang kami buong biyahe. Ayokong mag open ng topic mukhang ganun din naman siya

Nang makarating kami sa school agad akong bumaba ng sasakyan niya "Salamat." 

"Wala yun." sabi niya at ngumiti 

"Ingat ka." hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, agad na akong tumakbo papunta  ng classroom 

***

"Uy bakit ka nalate?" tanong ni Maria pagkaalis ng teacher namin sa english

"Late akong nagising, buti nalang hinatid ako ni Marco." sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon