WI (12)

64 3 0
                                    

(Samantha's POV)

"Ate!! Gumising ka na!" Rinig kong sigaw nang kapatid kong si ariel sa pinto nang kwarto ko. Lintik na batang yon. Ang aga aga nambubulabog. Wala namang pasok ngayon!

Napatingin naman ako sa wall clock ko. 7:30 palang naman. Mamayang nine pa naman ang sundo namin kay athena.

"Ate!" Aish sumasakit ulo ko dito kay ariel.

"Ano?!" Inis na tanong ko kay ariel nang pagbuksan ko siya ang pinto.

"Ano bang itsura yan? Ampanget mo! Nasa baba pala si ate maria." Sabi niya at umalis na. Mamaya sakin ang batang yon!

Bumaba na agad ako. Hindi nako naghilamos tural si maria lang naman yun. Sanay na siyang nakikita akong ganito.

Nakita ko naman si maria na umiinom nang kape ata yun kasama si Rafael?! Tarages ginagawa nun sa bahay KO?! Wala pa naman akong suot na bra!

Aakyat na sana uli ako nang mapatingin silang dalawa sakin.

"Morning." Nakangiting bati sakin ni rafael. Awkard na nginitian ko siya. Nakakahiya ang itsura ko! Alam kong buhaghag ang buhok ko ngayon dahil natulog akong basa ang buhok. Plus hindi pako naghihilamos kaya siguradong mukha ang dugyot ko tignan!

"My gosh beshie! Maghilamos ka nga muna may muta ka pa oh!" Natatawang sabi sakin ni maria. Tinignan ko muna sya nang masama at dali daling umakyat sa kwarto ko para makapaghilamos.

***

"Mamaya pa naman tayo pupunta sa airport ah, bat ang aga mong nagpunta rito." Tanong ko kay maria.

"Mas okay nang maaga tayo noh! Matraffic kaya sa pasay!"

"Bat kasama sya!" Sabi ko at tinuro si rafael.

"Ako ang maghahatid sa inyo dun." Nakangiting sabi niya. Umiwas ako nang tingin, masyadong nakakasilaw ang ngiti nya.

"Ganun?"

"Oo ganun! Kaya maligo kana!" Sabi ni maria at tinulak ako paakyat. Tsk!

"May utang ka pa saking kwento!"

"Hahaha oo. Sabihin ko mamaya." Natatawang sabi niya.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko at umakyat na sa taas.

***

Nakakainis! Hindi talaga ako sanay na basa ang buhok pag umaalis eh. Ito kaseng dalawang to! Matapos makitang nakabihis nako hinila na nila ako pababa para umalis.

"Lintik kayo, bat ba gahol na gahol kayong umalis?" Iritang tanong ko.

"Matatraffic nga kase tayo beshie."

"Syaka mas okay nang maaga tayo sa airport diba?" Sagot ni rafael. Pinagkakaisahan nila ako! Kainis!

"Bakit ba kase sumama ka pa? hindi mo naman kilala yung susunduin namin don." Inis na sabi ko kay rafael.

"Driver nyo nga ako sa araw nato." Natatawang sabi niya.

"Mas okay nang kasama natin sya, mas mahirap kaya pag magkocommute tayo." Napairap nalang ako sa sagot nya. Pagbuhulin ko silang dalawa eh.

"Moo, kamusta na pala si marco okay na ba sila ni angelo?" Takte moo? Anong klaseng endearment yun?! Tahimik nalang akong nakinig sa pinaguusapan nila.

"Oo." Maikling sagot ni Rafael

"Mabuti naman, ano bang pinagawayan nila."

Ano bang pinaguusapan nila?! Hindi ako makarelate!

Napansin ko namang tumingin sa akin si rafael sa rear mirror bago siya sumagot.

"Si sam." Kinalaman ko dun?

Napatingin naman sakin si maria at nanlalaking matang ibinalik ang tingin kay rafael.

"Seryoso? Si sam?" Sabi niya at tinuro pa ko.

"Pinagsasabi nyo?" Takang tanong ko sa kanila.

"Haha si sam nga. Moo itetext ko nalang sayo kung bakit si sam ang pinagawayan nila" Sabi niya at kinindatan si maria.

Nagtatakang tinignan ko lang si rafael. Ano bang pinagsasabi niya? Nag away dahil sakin si Marco at si Angelo?!

"Ano nga yun?" Tanong ko.

"Sorry sam. Hindi pwedeng sabihin." Sabi niya.

"Okay lang, hindi naman ako interesado." Pagsisinungaling ko. Pero takte nakucurios talaga ako.

"Sure ka?" Tanong sakin ni maria. tinanguan ko lang sya bilang sagot.

"Hindi daw interesado, halata namang nakucurios ka." Sabi ni rafael at tumawa nang malakas naki sabay pa si maria. Walang duda bagay nga sila. Parehong abnormal.

Nagshrug lang ako at hindi na sumagot. Sigurado naman akong pinagtitripan lang ako nitong si rafael.

***

10:30 na nang makarating kami sa airport. late na kame!
nandito pa kaya si athena?! shemay baka nakauwi na yun.

Dapat pala talaga mas inagahan namin ang alis. hindi ko naman kase alam na sobrang traffic pala sa pasay.

Pag kapark na pag kapark pa lang ni Rafael dali dali kaming nagpaalam ni maria sa kanya at tumakbo papunta sa entrance nang airport.

"Nagtext ba sayo?" hinihingal na tanong ni maria. napatingin naman ako sa phone ko, wala naman syang text o tawag.

"Wala eh."

"Hays baka nakauwi na sya?"

"Baka nga 10:32 na, wala na yun dito." asar kong sabi.

"Girls?!" pamilyar ang boses na yun ah?!

Nilingon namen ni maria yung nagsalita. at hindi nga ako nagkamali. Sya nga, nakabalik na rin sya sa wakas.

"Athena!"

A/N: Anyeong . ^___^ Sorry po sa late UD. Hahaha anyways keep reading :*










What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon