(Marco's POV)
"Ayos ah. good samaritan naman pala hahahaha!" natatawang sabi ni stephen.
"Ayos ah."
"Di ko akalaing magpapautang ka pre. Kami ngang mga kaibigan mo di mo pinapautang tas yung babaeng yun pinautang mo. eh hindi mo nga siya kilala." natatawang sabi ni marvin
"Eh sa naawa ako sa kanya." Sagot ko.
"Naaawa raw." pangaasar sakin ni stephen.
Magsasalita pa sana ako nang biglang sumabat si zander.
"Naks mukhang may ipapalit kana kay athena ah?"
Natahimk kaming lahat sa sinabing yon ni zander. tsk! pinaaala nya pa ang babaeng yun.
"Ano ba yang pinagsasabi mo zander?!" awat sa kanya ni christian
Nawala na naman tuloy ako sa mood. takte!
"Pre, sorry natuwa lang naman ako." hindi ko nalang sya pinansin at nagearphones nalang.
***
Athena was my ex girlfriend, ako ang nakipagbreak sa kanya dahil nakita ko siyang may kahalikang ibang lalaki. galing nga eh matapos kong makipagbreak pumunta parin ako sa bahay nila para magsorry, diko alam kung tanga bako o talagang masokista lang ako eh.
Pero pagpunta ko sa kanila doon ko nalaman na wala pala talaga akong silbi sa kanya, nakita ko siya sa pinto ng bahay nila kasama niya yung lalaking kahalikan niya. Sa sobrang galit ko nilapitan ko sila at sinuntok ko ang lalaking kasama niya.
Flashback
"Tarantado ka bakit mo kasama ang girlfriend ko ha?! hindi kita pinatulan kanina nung hinalikan mo siya pero sumusobra kana hanggang dito sa bahay nila nandito ka paring ungas ka!"
"Bitawan mo nga ako! girlfriend mo? diba nakipagbreak kana sa kanya kanina?!" sabi niya at sya naman ang sumuntok sakin. tsk! sinusura talaga ako ng gagong to eh!
Susuntukin ko na sana uli siya nang awatin kami ni athena.
"TAMA NA!!" Akala ko sa akin siya lalapit, pero nagulat ako dahil mas pinili niya pa ang lalaking yun kesa sakin.
"Marco ano bang ginagawa mo dito?"
"Ako ang dapat nagtatanong sayo athena, Anong ginagawa nang lalaking yan dito!"
"Pinapunta ko siya dito!"
"Umamin ka nga sakin, may relasyon ba kayo?" Inis na tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako nang diretso sa mata at sinabi ang salitang hindi ko inaasahan.
"Oo, may relasyon kame." susuntukin ko na sana uli ang lalaking yun nang bigla akong itulak ni athena na ikinagulat ko.
"Bakit athena? bakit mo nagawa sakin to?!""Busy ka lagi, masisisi mo ba na naghanap ako nang iba?! palagi ka nalang walang time sa akin, hindi ko na nararamdang girlfriend mo ko eh!" Sabi niya sa garalgal na tono.
"Tanginang paliwanag naman yan athena!" bigla naman akong tinulak ni gago. "Wag mo ngang mamura mura ang girlfriend ko!" Sabi nito, sa sobrang inis ko hindi ko napigilang suntukin na naman ang mukha ng hayup na yun. Agad namang pumagitna saamin si athena.
"Tama na nga sabi eh! ano ba marco?! umalis ka na nga! Ano ba talaga ang ipinunta mo rito?!!"
"Pumunta ako dito dahil magsosorry ako sa nagawa ko kanina! balak ko pa ngang makipagbalikan sayo, Mali pala ako ng desisyon sa pagpunta rito sinayang ko lang ang oras ko." sabi ko at tinalikuran sila. wala na rin naman ako magagawa kung ipaglalaban ko pa siya. siguro nga duwag ako, dahil binigay ko lang agad sa iba ang babaeng mahal na mahal ko
Ganito pala ang feeling nang naloko, ngayon alam ko na kung bakit cold na siya tuwing magkasama kaming dalawa, dahil meron na palang bagong nagpapasaya sa kanya.
End of flashback
***
"Yan kase zander ang daldal mo talaga."
"Pre okay ka lang?" tanong sakin ng kaibigan kong si marvin. tinanguan ko lang siya bilang sagot at kinuha na ang bag ko.
"O san punta mo?" tanong sa akin ni stephen.
"Uuwi nako" walang emosyong sabi ko.
"Huh? bat naman? ikaw kase!" sabi ni angelo at hinampas si zander.
Natawa nalang ako sa kanila dahil lahat sila sinisisi si zander.
"Haha wag nyo na ngang sisihin si zander okay lang, una nako." sabi ko at tuluyan nang umalis.
A/N: Nainspire akong mag UD dahil sa la salle hahaha! nakita ko pa si Ricci kaya ayan. enjoy reading :*
Kaway kaway mga fan ni ricci dyan! loveyou all.
BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Novela JuvenilWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...