WI (3)

115 9 0
                                    

(Marco's POV)

"Seryoso pre? ginawa mo yun?"

"Oo naman kala mo saken?" Sabi ko sa kaibigan kong si Rafael.

"Grabe pre hindi ako makapaniwalang kayang mong maging ganon. Ikaw magpapakagentleman? Bago yun ah." tsk ginawa ko lang naman yun kase mukhang iiyak na sa kahihiyan yung babaeng yon. kunsensya kopa kung hindi ko ililibre diba?

Pero takte ano ba iniisip ko kahapon, Binalak ko pa talagang hingin yung number niya, inaya ko pang magmall. Nakakaloko!

"Oy pre tulala ka na, nakikinig kaba?"

"Huh ano nga uli yon?" tanong ko.

"Tsk! lutang ka dyan? iniisip mo yung babae no?" sabi nito, sabay ngiting pangasar

"Hinde no tss." hindi ko nalang sya pinansin at ininom ko nalang yung natititrang iced tea sa baso ko.

"Hahahaha nakuha mo number pre? Eh yung pangalan? Maganda ba? Chic ba?"

"Dami mo namang tanong ubusin mo na nga lang yang inumin mo!" Mahirap talagang magsabi ng kwento sa isang to, lalo na pag babae ang usapan.

"Nagtatanong lang naman ako, maganda ba? baka pwede mo kong ipakilala sa kanya."

"Alam mo ikaw puro babae nasa utak mo eh! kaya ka ganyan eh. di nako magtataka kung isang araw may aids kana." Iritang sabi ko.

"Tarantado! wag kang ganyan baka magkatotoo!" sabi nito at sinuntok ako ng mahina sa braso. "Kumatok ka!"

"Tss. Asan naba sila Christian?"

Tumingin muna sya sa phone nya bago sya sumagot. "OTW na daw sila, traffic daw sa edsa eh." Sinamaan ko lang sya nang tingin. puro kalokohan nasa isip. tsk!

"Asan na nga?" tanong ko uli sa kanya.

"Chill puso mo! nasa marikina na sila, highblood ka na naman!" Takte bakit ba eto nakasama ko ngayon. dapat sumabay nalang ako kila chris, tahimik pa sana buhay ko. tsk!

"Bat ba ang sungit mong hayup ka, meron ka ba?" dagdag niya pa. Nahayup pako amp!

"Tsk! bat ba ikaw ang nakasama ko rito?" Iritang tanong ko sa kanya. good mood akong dumating dito kanina eh. nasira lang nang dahil sakanya.

"Ang sakit mo namang magsalita marco! wala eh sa malapit ang bahay namin sa inyo." sabi niya at nginitian ako nang nakakaloko. Abnormal tsk!

Hays bilisan nyo na ngang pumunta dito christian!!

(Samantha's POV)

"Sam kamusta project mo sa research natapos mo na?" nagaalalang tanong ni maria.

Fvck sa friday napala pasahan nun. hirap talaga pag graduating ang daming pinagagawa. buti nalang tapos ko na yung akin.

"Oo, pinagpuyatan ko ata yun kagabe, yung iyo?"

"Tinapos ko na siya nung wednesday palang."

"Dapat kase group project nalang ang ginawa ni ma'am eh!" sabi ko at umupo na.

"Jusq mas mahihirapan ako pag group project, baka sakin lang ipagawa ng ipagawa nang mga kagrupo ko yung project." Natatawang sabi nito.

"Wow ah." sarcastic na sabi ko.
Natawa naman sya sa sagot ko.

Natahimik naman ako nang bigla kong maalala ko kung anong date ngayon.

Today is May 2, Ivan's birthday Ivan was my childhood friend and also my childhood crush nakakainis lang na tuwing May 2 ganito nalang ako palagi tahimik, suplada sa mga nakakausap ko. Ito rin kase yung date na iniwan nya akong luhaan sa garden ng bahay namen. tuwing naalala ko yun ang daming what if's ang gumugulo sa utak ko.

Katulad nalang nang What if nung una palang umamin nako sakanya na mahal ko siya. Na What if pinigilan ko siyang umalis? makakatulong kayang mapigilan ko siya sa pagalis niya papuntang korea?

Umamin rin naman syang mahal niya ako pero noon kase indenial pa ako sa nararamdaman ko. nung sinabi niya saking mahal niya ko pinagwalang bahala ko lang siya.

Nung naisipan ko nang umamin tinapat ko ito sa mismong birthday niya para birthday gift sana. pero iyon na pala ang huli naming pagkikitang dalawa.

Nung mismong birthday niya sinabi niya saking aalis na siya papuntang korea at doon na raw siya magaaral hanggang paggraduate niya ng highschool. Iyak lang ako ng iyak wala akong ginawa ni hindi ko nga sya magawang pigilan kahit na sinasabi niya saken na pwede naman daw na wag na siyang hindi tumuloy para saken.

Pero ako tong si tanga sinabi ko na tumuloy siya dahil pagaaral niya ang pinaguusapan dito, tama naman ang desisyon ko diba? Inisip ko lang naman ang future nya. Ayoko naman kaseng maging selfish dahil lang gusto ko siyang magstay dito sa pinas.

Umalis sya na hindi manlang ako nakakapagpaalam nagkulong lang ako sa kwarto ko, nalaman ko nalang kay mama na nakaalis na pala siya.

Inis na inis ako sa sarili ko dahil napaka arte ko! hindi ko manlang sinubukang sabihin yung nararamdaman ko sakanya.

"Samantha!" natauhan ako sa biglang pagsigaw saken ng kaibigan kong si maria.

"Ano?" tanong ko at umayos sa pagkakaupo ko.

"Anong bang nangyayare sayo? Bat tulala ka dyan? okay ka lang ba? Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig."

"Sorry may naalala lang." Aish nakakinis ayoko nang ganito!

"May problema ka ba? nagaalalang tanong niya.

"Wala to, wala." sabi ko at nginitian siya.

"ANDIYAN NA SI MA'AM!!!" sigaw nang kaklase kong si Maynard sabay takbo papuntang upuan niya, nagsibalik na rin sila sa kaniya kanya nilang upuan at saktong pumasok narin ang teacher namin na si ma'am Dela Cruz.

***

"Wag nyong kalimutan yung project nyo saken, pasahan na non sa friday, okay class dismissed" sabi niya at lamabas na ng room.

Hay salamat uwian narin sa wakas! inaayos ko na ang gamit ko nang lapitan ako ni maria.

"Tara magmall napansin ko kaseng stress na stress ka mabuti nalang at tapos na naten ang project natin sa research tara magliwaliw naman tayo." Aayaw na sana ako kaso naisip ko kesa naman magdrama ako sa bahay mabuti pang aliwin ko nalang ang sarili ko sa mall.

"Sige tara." natuwa naman si maria sa sagot ko kaya minadali na niya ang pagaayos nang mga gamit nya.

***

"Bagay ba?" tanong ni maria pagkatapos niyang isukat ang isang dress. nandito kami ngayon sa penshoppe, actually si maria lang ang natutuwa rito. wala naman kase akong hilig sa damit! Pagkain kase ang hilig ko at pagbabasa nang mga fiction books. Speaking of food, Gutom nako :(

"Oo, bagay sayo." bored na sabi ko.

"Really? sige babayaran ko na itu!" sabi niya at dali dali  pumunta ng cashier para bayaran yung dress.

Kung tutuusin wala akong kwentang kaibigan. ang boring ko kayang kasama diko nga alam kung paano ako natatagalan niyang si maria.

"San na tayo?"

"Foodcourt teh gutom nako eh." sabi ko sabay peace sign.

"Sige, teka ikaw ba wala kang bibilhin?"

"Wala naman. tara na!" hinila ko na siya, kaso paglakad ko may nakabunggo akong lalaki sa lakas ng impact nahulog ako sakanya sya naman ay napahiga sa sahig.

"Ikaw?!"

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon