WI (9)

74 4 2
                                    

(Samantha's POV)

Halos mamaos ako sa kakasigaw dahil sa bilis nang pagmamaneho ni marco ng motor. Grabe akala ko mamatay nako!

Sinipa ko siya sa tuhod
pagkababa na pagkababa namin nang motor. "Gago ka ba? Papatayin mo bako ha?!" Sigaw ko na kinagulat nya naman.

Tinawanan nya ako. "Chill, first time mo sumakay nang motor?" Tanong nya.

"Obvious ba!?" Sigaw ko

"Sorry na, babagalan ko na lang sa susunod." Sabi nya at nginitian ako. Bat kase ang gwapo nang nilalang nato? Gusto kong magalit sa kanya kase first time kong sumakay nang motor, byaheng langit pa ang nangyare sakin. Pero isang ngiti nya lang nawala na yung galit ko. Takte masama nato.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong nya. Shet! Ganun bako katagal tumitig?!

"W-wala." Sabi ko at umiwas nang tingin.

"Hey lovebirds. Tama na muna yang titigan nyo. Tara na rito!" Sigaw ni angelo sa amin ni marco.

"T-tara." Aya ko sa kanya at nauna nang maglakad.

"Kumain muna tayo." Sabi ni marco.

"Sige." sagot naming lahat.

"Saan?" pagtatanong ni maria.

"Dyan nalang sa greenwich, anong oras narin eh."

***

"Kamusta naman ang mala lovers in paris nyong ride ni marco?"

"Mala lovers in paris?!"

"Duh? Nakita ko kanina kung pano mo yakapin si marco no!" Kinikilig na sabi niya.

"Mas malala pa yung sa inyo ni rafael!" Depensa ko.

"Enebe." Sabi niya at naglagay nang ilang strands nang buhok sa tenga nya. Parang timang

"Para kang tanga." Tinawanan nya lang ako at nakipagusap na sya sa katabi nyang si rafael.

"Okay ka na?" Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni marco sa tabi ko. Teka kaharap ko lang sya kanina ah?

"H-huh?"

"Sorry ah, hindi ko naman alam na first time mo palang sumakay nang motor." Feeling ko umakyat lahat nang dugo ko sa katawan sa pisngi ko. Sana hindi nya mahalatang namumula ako dito. Teka bat ang bait nya ata ngayon? grabe naman ang mood swings nito.

"O-okay lang ako. Sorry nasigawan kita kanina." Nahihiyang sabi ko.

Magsasalita pa sana sya nang biglang magtanong si Christian

"Ano palang order nyo?" Tanong sa aming lahat ni christian.

"Piliin nyo nalang yung barkada bundle." alok ni stephen.

Pumayag na kami sa naisip ni stephen kaya agad nang umorder si christian at si zander.

***

"Tara chibog na!" Sabi ni rafael pagkaserve nang mga pagkain. 

Natakam naman ako sa mga pagkaing nakahanda, Kaya kumuha ako nang maraming rice at kumuha nang tigka-kalahati sa mga ulam.

"Kaya mong ubusin lahat yan?" Takang tanong sakin ni zander. Tinanguan ko nalang sya bilang sagot.

Nagulat naman ako sa biglang pagtawa nilang lahat. "Ang cute mo naman sam." Sabi ni stephen na ikinagulat ko.

"Hahaha! Sure ka kaya mong ubusin yan?" Tanong naman ni christian. "O-oo." Sabi ko

"Naks. Yan ang mga tipo ko sa babae, yung malalakas kumain." Sabi ni rafael sabay kindat sakin. Napatingin naman ako kay maria na tahimik na kumakain sa tabi ko.

"Tigilan moko." Mataray na sabi ko kay rafael. Tinawanan nya lang ako at hindi na sumagot pa.

"Haha sige kain pa." Natatawang sabi naman ni marco.

***

"Hay busog, tara maria cr tayo." Sabi ko

"Tara." Sabi niya at kinuha ang bag nya.

"Okay ka lang?"

"Yup."

"Really?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo nga teh." Sasagot na sana ako nang biglang magvibrate ang phone ko.

Pagtingin ko si athena pala nagtext.

[From: 09357******]

Change plans, bukas na ang uwi ko :D

"Bukas na ang uwi ni athena." Masayang sabi ko kay maria.

"Huh? Diba sa 28 pa?" Sabi niya.

"Kakatext nya lang sakin, bukas na raw eh."

"Nakakatampo na ah, bat hindi sya sakin nagtetext." Sabi niya sabay pout.

"Baka wala kang number sa kanya?" Nagshrug lang sya at dina sumagot. "Tara baka inaantay na nila tayo." Sabi ko at lumabas na nang cr.

***

"Anong uunahin natin sakyan na ride?" Tanong ni rafael

"Yung coaster." Sabi ko na nakatingin sa roller coaster. Mukhang masaya, first time ko kase sa ganito. Nung bata kase ako hindi ako pinapayagang pumunta sa mga amusement parks. Ang boring tuloy nang buhay ko nung bata. Hays

"Sige sige." Sabi nila at pumila na.

"Takot ako sa heights." Sabi ni maria

"Eh?" Hays mukhang hindi ako makakasakay ngayon. Next time na lang siguro. "Sige sasamahan nalang kita."

"Wag na sam, sumama ka na dun. Okay lang naman ako dito."
Sabi ni maria. Mas ayaw ko na tuloy iwan sya dito.

"Luka marami pa namang next time."

"Sige na sam sumama ka na dun ako nalang dito kay maria." Sabi ni rafael na ikinagulat ko.

"Sigurado ka?" Tinaguan nya naman ako bilang sagot. Tinignan ko naman si maria na tila nagulat din sa sinabi ni rafael.

"Sige." Sabi ko at pumila na.

"Si maria?" Tanong ni marco sa likod ko. Takte ano ba sya kabute? Bigla bigla nalang sumusulpot eh.

"Kasama ni rafael, takot sa heights eh."

"Seryoso? mukhang pinopormahan na talaga ni rafael si maria ah." Natatawang sabi ni marco

"Oo nga eh." Umiiling na sabi ko.
Magsasalita pa sana sya nang bigla syang tawagin ni stephen.

"Bro, tabi tayo." Nagmamakaawang sabi nya.

Nagtitigan muna sila nang matagal bago magsalita si stephen.

"Ah, tara nga zander tayo nalang magtabe, pumoporma yung isa dyan eh." Sabi ni stephen at kinindatan ako.

"Trip nun?" Tanong ko kay marco.

"E-ewan ko dun, wag mo nalang pansinin." Sabi niya

"Haha okay."

Nangturn na namin para sumakay, uupo na sana ako sa unang seat nang coaster, nang bigla naman akong hawakan sa braso ni marco.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Okay lang ba kung tabihan kita?"

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon