WI (11)

68 4 0
                                    

(Marco's POV)

"Nandito na tayo." Sabi ko pagkarating namin sa bahay ni sam. Pagtingin ko naman sa kanya tulog sya. Tsk!

"Sam." Sabi ko at tinapik ang braso nya. "Samantha." Ulit ko

Takte ang hirap namang gisingin nito.

"Samantha nandito na tayo." Sabi ko at lumapit sa kanya.

"5 minutes." Sabi niya.

"Takte gumising ka na." Inis kong sabi. "Samantha!"

Unti unti nyang dinilat ang mga mata nya. Napatulala ako sa kanya. Hindi lang pala sya maganda sa malayuan, sa malapitan din. Huh? Ano ba tong pinagsasabi ko!?

Nakatingin lang sya saken. Takte nakakailang yung tingin nya.

"Labas na." Utos ko sa kanya.

"Pano ako lalabas?" Tanong nya

"Huh? Edi buksan mo etong pin-" napatigil ako sa pagsasalita dahil yung kamay ko pala ay nasa pinto nya. At yung mukha ko ay sobrang lapit sa kanya. Ano nanaman ba tong ginagawa ko?!

"S-sorry." Sabi ko at umayos na nang pagkakaupo.

"Uhh.. salamat sa paghatid." Sabi niya at lumabas na nang sasakyan.

Lumabas rin ako nang sasakyan. May nakalimutan kase akong itanong sa kanya.

"Samantha!" Sigaw ko.

Papasok na sya nang gate nila nang lingunin nya ko.

"Bakit?"

"Ah.. anong numb-" tinignan nya lang ako nang may pagtataka sa kanyang mukha. Mukhang naiinis na sya. Siguro kase antok  at pagod na siya. Tsk! Di bale na nga.

"Wala, goodnight." Sabi ko at agad pumasok nang sasakyan.

***

"Pare!" Bati sakin nila angelo pagpunta ko sa kanila.

"Musta?" Tanong ni marvin.

"Musta saan?" Takang tanong ko

"Ano nang meron sa inyo ni samantha!"

"Wala!" Depensa ko at hinagis kay angelo ang susi nang kotse nya.

"Nu ba yan! bat mo hinagis." Asar na sabi ni angelo.

"Wala raw. Anong base na? O baka naman na ka second ba- Aray!" Angal nya nang batukan ko siya. "Wag mo nga akong igaya sayo." Inis kong sabi.

"Tara inom." Aya sakin ni stephen.

"Sige pre."

"Si rafael?" Tanong ko nang mapansing wala si rafael.

"Hinatid si maria sa kanila, kayo ah, lumalovelife kayong pareho ni rafael." Sabi ni zander at sinuntok ako nang malakas sa dibdib. Takte napaka sadista talaga! Parang si samantha lang.

"Tangna zander!" Sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha."

Tss mga lasing na amp! Saglit ko lang iniwan na lasing na agad sila.

Umupo na lang ako sa tabi ni chritian. "Shot." Alok niya at binigyan ako nang isang baso nang beer.

"Past muna ako. Magddrive pa ako mamaya eh." Nagshrug lang sya at di na sumagot pa.

"Yow!" Bati samin ni rafael.

"Ano kamusta?" Tanong ni marvin. Ano batong lalaking to kanina pa nangangamusta.

"Huh? Okay lang." Sabi ni rafael at umupo sa tabi ko.

May naisip naman akong itanong kay rafael.

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon