WI (10)

64 3 1
                                    

(Samantha's POV)

"Okay lang ba kung tabihan kita?"
Hindi ko alam kung magugulat ba ako o kung kikiligin ako sa sinabi nya. Pero sa ngayon kinakabahan ako.

"H-ha?" Natatangang tanong ko.

"A-ano tabi na tayo." Sabi nya at umiwas nang tingin sakin.

O-kay? Anong nangyayari kay marco!?

"Okay." Sabi ko at umupo na. Tumabi na rin sya sakin.

"Kaya mo bato?" Tanong niya.

"Ewan, first time ko lang kase dito." Nahihiyang sabi ko.

"Seryoso?"

"Yup." Tumatangong sabi ko.

"Anong klaseng kabataan ba ang mayroon ka?" Natatawang sabi niya.

"Grabe ka, parang sinasabi mo na ang lungkot nang kabataan ko ah."

"Parang ganun na ng-Aray!" Sigaw nya pagkabatok ko sa kanya.

"Sadista." Natatawang sabi nya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla nang magumpisa yung ride.

Sa una mabagal sya. Akala ko ganun nalang sya, pero nagulat ako sa biglang pagbilis nang takbo nito. Ghad! samantha kaya nga roller coaster eh bumibilis talaga to.

"Omg! Im gonna die!!!!" Tili ko Dafq hindi ko inaasahan na ganito katindi to! Feeling ko malalaglag ako.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ko pati nang mga kasabay ko sa coaster.

Nagulat naman ako nang may biglang humawak nang kamay ko pagtingin ko si marco pala.

"Wag kang magalala, hawak kita." Sabi niya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. And just like that, all my fear just disappeared. Napalitan ito nang kilig.

I need mouth to mouth resuscitation! Hindi ako makahinga sa sobrang kaba at kilig na nararamdaman ko nakikisabay pa yung mga mahaharot na paro parong nasa tiyan ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kami nagtitigan ni marco, dahil hindi ko namalayan na natapos na pala yung sinasakyan naming coaster.

***

Agad naman akong inalalayan ni marco para makababa.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

Nakita naman namin sila maria na nagiintay sa exit. Kasama nya na sila rafael at yung iba pa.

"Nakakaenjoy talagang sumakay nang roller coaster." Sabi ni zander "Ikaw ba bro, nagenjoy?" Tanong niya kay marco at inakbayan ito.

Naramdaman ko naman na biglang naginit yung pisngi ko nang maalala ko kung ano yung nangyare sa roller coaster kanina.

"Ewan ko sayo." Sabi niya at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni zander.

"Tara tignan natin yung mga pictures nyo." Nakangiting sabi ni maria at nauna nang maglakad kasama rafael.

***

"Parang timang si zander! Ang laki nang bunganga mo! Parang natataeng ewan naman si Marvin o hahahaha." Tuwang tuwang sabi ni rafael nang ipakita sa amin nung nasa cashier yung mga pictures namin. "Bibilin ko yan, pamblackmail." Pangaasar pa ni rafael.

"Subukan mo lang, hinding hindi na kita patatapakin sa pamamahay ko." Asar na sabi ni zander. Habang si marvin naman ay nakatingin lang nang masama kay rafael.

"Hahaha chill, biro lang bro. Labyu." Sabi ni rafael kay zander.

"Taena angelo hokage ka sa nakatabi mong babae ah!" Sabi ni christian.

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon