Samantha's POV
"Marco / Samantha." Sabay naming sabi
Lord!? Bakit sa lahat nang pwede kong makita bakit sya pa!? Okay pa yung psycho na may gusto sakin sa school ang makita ko. Bakit si Marco pa!?
Leche! Leche talaga! Nananadya kaba tadhana!?
"Yow Sam!" tawag sakin ni Rafael "Ginagawa mo rito? Syaka sino tong kasama mo huh?" tanong niya at tinignan ng masama yung kapatid kong si Ariel. Problema nya!?
"Naglilibot lang. Ang boring sa bahay e" maikling sabi ko "Kayo?" tanong ko. Tanging si Rafael lang tinitignan ko nahihiya akong tignan si Marco e.
"Ganun din. Stress kase masyado tong si Marco e hahaha." sabi niya sabay akbay kay Marco.
"Ahh ganun ba? Haha sige una na kami sainyo ah? May pupuntahan pa kase kame." sabi ko sakanila
"Ayy sige Sam, ingat kayo." sabi niya at kinindatan ako habang yung kapatid ko naman ay tingnan nya uli ng masama. Anong trip ni Rafael!?
Tinignan ko saglit si Marco at nakita ko syang nakatingin rin sakin kaya umiwas agad ako ng tingin.
Nang makalayo kami kila Marco nagpunta na lang kami ng DQ ng kapatid ko. Kailangan ko ng ice cream ngayon!
"Sino yung mga yon?" tanong niya "Syaka sino yung lalaking ansama ng tingin sakin? Buset yun dukutin ko mata nun! Grabe makatingin amp! Inaano ko ba sya? Tahimik nga lang ako kanina!"
Natawa ako "Mga kaibigan ko sila, Si Rafael yon! Siguro kase iniisip nun boyfriend kita eww ha!"
"Yack! Manliligaw mo ba yun? Lintik yon di sya pasado!" inis na sabi niya
"Hindi no!" umiiling na sabi ko
"Mabuti naman! O baka yung kasama nya yung manliligaw mo? Di ka makatingin sakanya kanina e. Yun ba yon ate?" sabi niya at kiniliti ako sa tagiliran
"Leche mas lalong hindi! Alam mo ikaw ang chismoso mo no? Ubusin mo na nga lang yang kinakain mo!"
"Wushu!" pangaasar nya. Inirapan ko nalang siya at di na sumagot pa
***
Marco's POV
Sino kaya yung kasama niyang lalaki kanina, boyfriend nya kaya yun? Takte ano naman sayo Marco kung sakaling boyfriend nya nga yon!? Lintik namang buhay to o!
"Lalim ah! Si Samantha ba yang iniisip mo?" natatawang sabi ni Rafael. Lakas talaga maka amoy nito oh. May lahing aso ba to!?
"Hindi no." pagsisinungaling ko
"LOL, wag ako bro." sabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko "Mas okay nang si Samantha isipin mo kesa kay Athena."
Tinanggal ko yung pagkakakapit nya "Oo na." iritang sabi ko
"Sino kaya yung kasama ni Sam?" tanong ni Rafael
"Oo nga e." bulong ko
"Ano sabi mo?"
"Wala, wala." umiiling na sabi ko "Tara pumunta na tayo kila Angelo."
"Oo nga, nagtext na rin sakin eh. Bat daw ang tagal natin." natatawang sabi niya
"Haha! Tara na."
***
"Buti naman nandito na yung mga late." pagpaparinig ni Angelo samin
"Dumaan pa kasi kami ng mall eto kaseng si Marco di napigilan yung pagiging patay gutom niya."
"Di manlang kayo nagdala ng puds dito! Mga sakim kayo sakim!" daing ni Zander
BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Teen FictionWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...