WI (8)

78 3 0
                                    

(Samantha's POV)

"Bakit ka absent kahapon?" Tanong nang chismosa naming kaklase na si angel.

"Ah kase sumasakit ulo ko kahapon." Sabi ko at umakto na may masakit parin sakin.

"Di nga? Nagpaquiz kaya si Ma'am Ramos." Taena si ma'am ramos lang pala, eh wala namang kwenta yun. Kahit walang ginagawa pasado?! Kaya hindi nako nangangaba sa grades ko dun eh.

"Ay talaga? Sayang naman."

"May nalaman ako kahapon sam. alam mo ba si rico may hd pala sayo yun, narinig ko na usap usapan ng mga katropa ni rico, ang swerte mo sammy." Kaya pala sya ang tinawag na chismosa dito sa room. Maria, nasaan ka na ba?!

"Hd? Syaka sinong rico?"

"Hidden desire teh! Si rico yung top one sa section A, ang gwafu kaya nun, swear!" Tsk! Pake ko sa rico na yun.

"Ah talaga?" Tinanguan nya naman ako bilang sagot nang may bigla namang may kumalabit sakin, paglingon ko si maria na pala.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Nakasalubong ko si rafael kanina! Tapos hinatid nya ko dito sa school." Kinikilig na sabi nya

"Eh?!" Gulat na tanong ko. Aba mukhang pinopormahan na sya nang kupal na yun ah.

"Oo." Nakangiting sabi nito.

"Wag ka nga dun! Sasaktan ka lang nun." Umiiling na sabi ko.

"Hindi no, ramdam ko na eh, sya na talaga ang forever ko." Sabi niya sa maarte na salita. Duh? Mukha kayang playboy ang isang yun.

"Asa ka pa, Walang forever bes."

"Ang bitter mo." Sabi niya at pinalo ako nang pabiro sa braso.

Bigla naman akong napatingin kay angel na nakikinig pala sa usapan namin, tinaasan ko sya nang kilay. Mabuti nalang at nagets nya kaya bumalik na sya sa upuan nya.

"Ang chismosa talaga nun." Inis na sabi ko

"Gusto mo ireto kita kay marco?" Nakaramdam na naman ako nang paro paro sa tyan ko nang marinig ko ang pangalan ni marco. Ano ba to?!

"G-gaga! Ayokong mahawa sa kasungitan nung lalaking yun." Ang sungit naman kase nya hindi naman sya ganun nung nasa jeep kame.

"O bat namumula ka." Pangaasar nya sakin. Bwisit talaga tong babaeng to. "Aray ko naman" daing nya nang paluin ko sya sa braso.

"Ano teh? Ivan ka paren?" Tinignan ko nalang sya at hindi na sumagot.

"Hay nako, hindi ka na iniisip nun, baka nga may gilfriend na yun eh, habang ikaw dito loyal sa kanya." Sarcastic na sabi niya

Sasagot na sana ako nang biglang dumating ang teacher namin sa English.

***

"Kumain ka na teh." Ngumunguyang sabi nya.

"Sa tingin mo makakakain pa ko matapos mong sabihin sakin yung kanina?!" Tinignan nya naman ako nang mapangasar. Ang babaeng to talaga.

"Sammy kase wag mo nang isipin si Ivan, ituon mo nalang sa iba yung atensyon mo. Kagaya nalang ni marco." Sabi niya sabay subo nang fries.

"Pinupush mo talaga ako kay marco no?"

"Bagay kase kayo sammy. Alam mo ba may naikwento sakin si rafa." So binigyan nya na nang nickname ang lalaking yun? Tsk!

"Ano naman?"

"Kapag daw ikaw ang napapagusapan nang tropa nila sumasaya daw ang mood ni marco, Nuks naman."

What If (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon