Samantha's POV
"Ano ba yung kanina? HAHAHAHA."
Nandito kami ngayon ni Maria sa SM. Hinila nya kase ako paalis mula kila Marco, Parang timang daw kase yung ginawa ko. -_____-
Tinignan ko nang masama si Maria, kanina nya pa ako inaasar dahil dun sa nangyari kanina. "Batuhin kita dyan, tumigil kana." sabi ko at inirapan sya.
"Sungit ah? meron ka teh? hahahaha!"
"Punyemas tigilan mo nga ako." sabi ko at binato sa kanya yung chichiryang hawak ko.
"Huy masama magtapon ng pagkain!" natatawang sabi nya. "Abnu ka talaga, kanina nakita mo lang na kayakap ni Athena si Marco tila sasabunutan mo si Athena, tas nung nakita mong umiiyak siya sinugod mo si Marco, Anmeron? bipolar mo." dagdag pa niya.
"HIndi ko din alam. Nagselos ako na ewan nung nakita ko silang dalawa, pero nung nakita kong umiiyak si Athena nainis ako bigla ewan ko ba." nalilitong sabi ko.
"NAGSELOS KA?" tanong niya
Binatukan ko sya "Wag mokong panlakihan ng mata, pangit mo." natatawang sabi ko.
"SAKIT NUN AH!? pero seryoso teh, nagselos ka?" nakangiting sabi niya.
Inirapan ko sya "Oo nga."
"OMG!!! Hmppff" tinakpan ko yung bunganga nya punyemas ang lakas ng boses di manlang nahiya nasa mall kami eh!
"Wala tayo sa bahay gaga." sabi ko
"HAHAHA natuwa lang akes." sabi niya at nagpeace sign pa. "Nakakagulat mga pinaggagawa mo teh! hahahaha hindi ko mga inaasahan!"
Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot pa pati rin naman ako nagulat sa pinaggagagawa ko eh.
***
Marco's POV
Bakit may feeling ako na gusto kong sundan si Samantha at magpaliwanag sa kanya? taena ano bang nangyayari sakin? nababaliw na nga siguro ako!
"M-marco?"
"Ha?" gulat na tanong ko kay Athena.
"Bu-buti naman at naisipan mong dalawin ako dito." nakangiting sabi niya at niyakap akong mahigpit na ikinabigla ko.
Tinanggal ko muna ang pagkakayakap nya sakin bago ko sya sagutin "Napadaan lang ako, na mali kase ako ng baba ng jeep, naligaw ako eh, kila Samantha talaga ang punta ko." tangna ano batong pinagsasabi ko!?!! takte maniwala kaya sya sa paliwanag kong to!?? eh ang layo nito papunta kila Samantha.
"Kilala mo si Samantha?" takang tanong niya "Bat ka naman pupunta sa kanila? anong gagawin mo dun? May realasyon ba kayong dalawa?!"
"Oo kilala ko sya, pati ng tropa. Dadalawin ko lang sana sya." maikling paliwanag ko sa kanya
"Bakit mo naman sya dadalawin?"
Dami naman niya tanong! "Gusto ko lang."
"W-what?" tanong niya
Magsasalita pa sana ako ng bigla may humawak sa balikat ko. Paglingon ko sila Rafael pala. Ginagawa nila dito?!!
"Pre." tawag sakin ni Rafael
"Talagang pumunta ka dito no!?" asar na tanong ni Zander
"Anong ginagawa mo dito pre?" bulong sakin ni Stephen. Sila nga dapat ang tinatanong ko nun kala ko nagsstroll sila?
"Athena iuuwi na namin to ah? sa susunod nalang kayo magkamustahan may kailangan lang kaming pagusapan ng batang to." sabi ni Angelo kay Athena.
"Naguusap pa kami Angelo." inis na sabi ni Athena
![](https://img.wattpad.com/cover/108193358-288-k926762.jpg)
BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Teen FictionWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...