(Marco's POV)
"Mga bro!" Bati sa amin ni Rafael.
"Bat ngayon ka lang tol?"
"Kala nyo sakin si flash?" natatawang sabi ni Rafael.
"Gago! nang chicks ka lang eh. ikaw ah magisa kang lumakad di mo manlang kami ininform! edi sana sumama kami." sabi ni Zander at kinindatan si Rafael.
Tahimik lang kaming nanunuod ni Christian sa kanila habang inaasar nila si Rafael.
"Parang mga tanga." sabi ni Christian natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Sino ba mga kasama mo kanina pre?"
"Sila Sam." Sabi niya at kumuha nang tubig sa ref.
"Samantha?!" Gulat na tanong ko. lahat naman sila ay napatingin sa direksyon ko.
"Ano kayo naman magaaway ngayon?" natatawang sabi ni Angelo.
"Gulat na gulat?"
"Hahahaha! lagot ka Rafael!"
"Iyan ka na naman Marco."
"Lagot hahahaha!"
"Lul, nagulat lang ako." sabi ko. takte.
"Nagulat?" tanong ni Christian. hindi ko na lang pinansin ang tanong na yun ni Christian.
"Nagpahatid lang sila sa akin sa airport, para makita yung kaibigan nila." seryosong sabi ni Rafael. Psh!
"O tapos?" tanong ko.
"Di halatang nagseselos ka dude." biro ni Stephen
"Pre, seryoso ka gusto mo pang malaman yung mga kasunod na nangyare?" Tanong ni Rafael sa akin. pinagsasabi nito?! Kasunod na nangyare?!
"Ha?!" Sigaw ko.
"Dude, anong nangyare?" tanong ni Angelo
"Wala ka naman sigurong ginawang kabalastugan diba?" Si Marvin.
"Ha? takte syempre wala! I mean gusto nyo bang makilala kung sino yung kaibigan nila ni Moo?" iritang sabi ni Rafael.
"Pake namin dun? syaka sino si moo? si Sam ba yun pre? nako lagot ka kay Marco!" Sabi ni Zander.
Napa facepalm naman si Rafael "Takte si Maria si moo!" namumulang sagot niya. Takte moo?! Anong endearment yun?!
"Moo?! Whahahahaha!!" tawa naming lahat, habang si Rafael naman ay lalo pang namula. Lintik na tawagan yan hahaha!
Nagulat naman ako sa biglang paglapit sakin ni Rafael. Problema nito?
"Pre." mahinahon nyang sabi.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Si Athena, bumalik na siya."
Natahimik kaming lahat sa sinabi na yun ni Rafael.
"A-ano?" nauutal kong tanong. bumalik sya?!
"Pre si athena, nakabalik na." mahinahong sabi ni Rafael.
"Pre, ano ba yang sinasabi mo? uminom ka na nga lang nito." Sabi ni Marvin habang binibigay sa kanya yung isang baso nang alak.
"Pre, seryoso ako." depensa ni Rafael.
"San mo naman nalaman yan?" tanong ni Stephen.
"Kaibigan sya nila moo at Samantha, sya yung ipinunta nila sa airport." pagpapaliwanag ni Rafael.
"Ano!?!" Gulat na tanong naming anim.
"Nagulat din ako kanina na magkakakilala pala silang tatlo." umiiling na sabi ni Rafael.

BINABASA MO ANG
What If (slow update)
Fiksi RemajaWhat if sinabi ko agad sayo nang maaga pa lang na mahal kita? Mababago kaya nun ang lahat? ** What if hindi ako umalis, magiging tayo kaya? ** What If sinabi ko muna sayo ang nararamdaman ko bago ako umalis, may possibility bang sasabihin mo din sa...