1

4K 61 0
                                    

"Sis, gaano ba kalaking Space ang dapat meron kayo ni Vince at nagiimpake ka nanaman papuntang tralala ha?" sabi ng kakambal ko na si Leslie

"Alam mo Sis, sabi nila mas nagtatagal daw ang relationship na ganito, less usap, less arguments" sagot ko naman sakanya.

Nagiimpake nanaman kasi ako for out of town, mahilig kasi ako mag Travel.

"Ang sabihin mo hindi ka talaga naniniwala sa love, If i Know sinagot mo lang si Vince kasi you two were friends before at ayaw mong ma break yung Heart nya no, in short it's not love, it's sympathy, hay nako" sabay irap nya sakin.

Sa sinabi nya, napaisip ako, siguro mahal ko si Vince dahil hindi ko kayang mawala sya. Siguro pagmamahal nga iyon.

Mahal ko sya.

Wala na akong mamahalin pang iba, because I believe that your first shall be your last. You only love once.

"Ano ka ba Les, mahal ko si Vince no, and besides kilala nya ako, mahal ko ang travelling, sinusuportahan nya ako dito. Tsaka alam ko naiintindihan nya ako, at kailangan talaga ng space" pagdedepensa ko sakanya.

"kung talagang mahal mo yung travelling, why not travel together, ano ka ba, lagi mo nalang iniiwan dito si Vince, San ka pupunta nyan?" sabi nya naman sa akin habang naka cross arms pa.

"I want to see the world Les, alam mo yan, and sometimes kailangan natin umalis at lumayo ng very very light para mag grow.  I need to see the world myself." sagot ko sakanya.

Handang handa na akong umalis nang biglang tumawag si Vince.

"Babe, what time yung flight mo? Hatid na kita" masayang bati nya sa phone.

"um Babe, diba may 9AM meeting ka pa, tsaka don't worry ah nasa airport nako, (all passengers go to your designated planes now, flight no. 112 is now flying to USA.) sige Babe Bye!"

"I--"

Binaba ko na agad at lumabas ako ng bahay namin.

"bakit ayaw mo magpahatid kay Vince, may pa plane 112, 112 ka pang nalalaman jan, tsaka really, USA, sis? Akala ko ba Maldives?" nakairap na sabi ni Leslie.

"eh kasi--ah-may 9AM meeting sya" masigla kong  sagot

"hay nako bruha ka talaga, sige na baka maiwan ka ng plane 112 mo. Bye Sis, ingat ha, enjoy" sabay kiss nya sa cheeks ko.

Yung totoo? Ayoko magpahatid kay Vince kasi laging ready yun eh, the last time hinatid nya ako sa airport dala yung passport nya and guess what, pumunta kaming Davao together. Ayun medyo hindi naging  masaya kasi tawag ng tawag sa amin yung parents nyang over protective sakanya, kesho baka daw makidnap kami dun at pagitan ng ulo ng mga rebelde, o di kaya marahil ng naglalabang militar at yung mga basta yung kalaban nila, o di kaya mag pa bomb attack daw tapos masabugan kami as in almost every trips na napuntahan namin Together laging ganun. Kaya hindi ko din talaga nakikita si Vince as my Partner in Adventure. Kasi yang parents nya akala mo naman 7 Years old lang Tong lalaking to eh Hello 23 na kaya sya, Legal and free! Hay nako. Kaya minsan minamabuti kong wag nalang sya isama tuwing umaalis ako.

Ang ganda ganda siguro sa Maldives, excited na talaga ako.  Sabi nila masarap pumunta dun pag may love life, meron naman ako eh, iiwan ko lang dito sa Pilipinas.

Nag text na ako kay Vince para i update sya.

To: Vincey
Babe, ingat ka sa Pilipinas, I love you so much! Exciting Tong adventure kong tooooo

From: Vincey
Oo nga Babe eh, sana kasama mo ako ngayon sa Adventure na yan.

To: Vincey
Ano ka ba, cheer up, papasalubungan nalang kita!

From: Vincey
Okay na ako sa oo.

To: Vincey
Huh? Oo?

From: Vincey
Paguwi mo dito papakasalan na kita Okay? I love you sige na may meeting pa ako with a client, enjoy Jan, ingat ha.

To: Vincey
Ah, hehe. Sige. I love you too Vince.

KASAL????

Hinding hindi pa ako handa! Gusto ko pang makita ang mundo, isang beses lang ako mabubuhay, dapat ma enjoy ko muna bago ako magpatali halaaaa.

Nakatulog na ako sa biyahe.




Pagkagising ko maglaland na yung plano kaya lalo akong natuwa.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon