HIS POV
Eto, pauwi na ako, alam kong hinihintay na ako ni Lex sa bahay, Miss na ako nun eh, pumunta akong trabaho dahil nag file ako ng leave para masamahan muna si Lex sa bahay namin hanggang maging Okay sya.
Hinahanap ko sa bag ko ang susi ng kotse ko hanggang sa makapa ko ang isang sobre sa bag ko.. Ano to..
Napaluha ako agad sa nakasulat sa papel...
Russel, buntis ako ikaw ang ama..
Syempre hindi yun ang laman ng sulat, eto na talaga...
Russel,
Salamat sa pagsama saakin sa Maldives ha, alam mo nung una, inis na inis ako sayo, kasi inagaw mo saakin yung charm bracelet, pero ang galing, kasi saakin parin napunta yung kapareha. Nakakainis ka kasi ginawan mo pa ako ng nickname, 92-100, nung una hindi ko gets yung logic nun, ang tanga lang diba. Salamat sa pagsama sa akin sa Maldives, naniniwala akong ikaw na talaga yung lalaking pang Adventure ko...
Itinupi ko ang Letter at agad na umuwi dun ko na sana babasahin sa harapan nya at balak ko na syang yayain magpakasal, kasi sinabi nya nang ako ang lalaking pang Adventure nya.. Tuwang tuwa ako, umuwi ako ng punong puno ng saya. Dumaan muna ako sa bilihan ng singsing, saktong Sakto dahil nakita ko yung singsing na bagay na bagay sakanya, yung singsing na may bato na parang araw, dahil sya ang araw ko, ang nagbibigay liwanag sa buhay ko, at ang pag-asa ko na lahat ng bagay positibo.
Pero nagulat ako nang makauwi ako sa bahay, wala na sya.... Agad kong binuksan ang sulat at muli itong binasa.
Habang binabasa mo to sana pumunta ka sa Blog ko, www.yolo.com/adventuristas shinare ko dito ang lahat ng Adventures nating dalawa sa Maldives. Thankful ako sa lahat ng Adventures natin kaya lahat nilagay ko dun, kahit yung mga palihim na pagkuha ko ng litrato mo.
Naluha ako sa binabasa ko, hinanap ko ang blog na sinasabi nya. Nakita ko yung mga Pictures na nakalagay don.
Russel, mahal na mahal kita kaya gagawin ko to, ayokong madamay ka pa sa kaletchehan ng buhay ko, lagi kong isusuot ang bracelet na galing sayo, tanda nang pagmamahal natin sa isa't isa at hinding hindi ko malilimutan na minsan kong nakilala at minahal ang tulad mo. Ayoko sanang kalimutan mo ako pero please Russel, palayain mo ang sarili mo sa pagmamahal saakin, papakasalan ko si Vince, dahil ayokong may mangyari pang hindi maganda sayo..
Basa ang papel ng luha, nagsama na ang luha naming dalawa sa papel na to, sya habang nagsusulat nito, at ako naman habang binabasa ko..
You'll always be my Love at First Adventure, Russel. And you'll always have a special place in my heart, Mahal na mahal kita Russel, paalam.
Love, 92-100, Lexciana.
Napasuntok ako sa pader ng malakas, sinuntok ko ng sinuntok ang pader.. Dumugo din ng dumugo ang kamay ko.
..............
Lumipas ang ilang araw, hindi na ako kumakain, hindi na din ako lumalabas sa kwarto. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at suntukin ang pader, nawala sakin si Lex at wala manlang akong nagawa...
Nagliwanag ang lahat ng pumasok sa kwarto si Leslie, may sasabihin daw syang importante.
HER POV
Isang linggo nalang ikakasal na ako, lugmok na lugmok parin ako sa kwarto, umiiyak, at nagdadasal na sana panaginip lang lahat ng ito. Nagbabakasakaling magising ako na kasama si Russel sa Maldives, malaya at walang hinaharap na problema kagaya nito. Busy si Vince ngayong araw dahil malapit na ang kasal. Mahal ko si Russel at sana mapatawad nya ako.. At sana makita ko syang ulit para makapag sorry ako sakanya..
Biglang pumasok si Leslie sa kwarto at hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Para akong nag dilang anghel dahil kasama nya si Russel, naiyak ako sa saya at niyakap sya ng sobrang higpit.
"Russel, I'm sorry, sorry iniwan kita, please forgive me sorry please, I'm sorry Russel..." iyak ako ng iyak habang yakap yakap sya.
"shhh, it's okay.. It's okay.." pagpapatahan nya saakin.
Lumabas si Leslie at sinabing magbabantay sya dahil baka biglang dumating si Vince.
"Anong ginagawa mo dito Russel.." sabi ko sakanya.
"Pinuntahan ako ni Leslie sa bahay, gaya ko daw, hindi ka kumakain at lumalabas ng kwarto, puro ako daw ang bukang bibig mo, ikaw ah, mahal mo talaga ako" pang aasar nya saakin pero kitang kita ko sa mukha niya na malungkot talaga sya.
"syempre mahal talaga kitang tukmol ka" sabi ko sakanya.
Nagusap kami ng Nagusap, ang dami naming na pagusapan, mga plano. Sinabi ni Russel na kailangan masiguradong alam nila papa yun kaya nang makaalis si Russel ay agad kong sinabi kila mama ang dapat nilang gawin. Alam na din nila mama ang kahayupang ginawa saakin ni Vince, galit na galit sila pero dala ng takot wala kaming nagawa lahat kundi pumayag na pakasalan ko si Vince. Ang sabi ko naman kila mama kaya ko na ang sarili ko basta gawin nilang maayos ang PART nila.
