Pero mukhang iba ang pagkakakilala ko sakanya. Meron pa din pala syang hindi sinasabi saakin.
"Eh kung ganon, Okay lang, siya naman may gusto nun eh, choice nya namang lokohin ako no" natatawa ko pang sabi kay Leslie.
Nakita nya daw kasi na may kahalikan si Vince sa may mall kanina. Hindi nga ako sigurado kung nasasaktan ba ako, hindi ko din kasi alam kung gaano ko sya kamahal.
"oh bakit natatawa ka pa jan, ginagago ka na nga eh" Bored na sabi ni Leslie saakin.
"baka sa sobrang lawak ng Space nyo, nakahanap na sya ng iba, sabi ko naman sayo hindi din maganda yung masyadong malawak yung Space eh" dagdag nya pa.
"well, siguro nga mali yun, napabayaan ko sya, pero diba di parin Reason na mag loko sya, besides malayo ako, wag mo nalang sabihin na alam ko na, pag hinanap nya ako sabihin mo nasa US. Wag mo sabihing nasa Maldives ako. Hahaha!" natatawa ko pa ding sabi.
"para kang baliw, bakit parang masaya ka pa jan?" sabi nya sakin.
"wala lang, siguro kasi sa sobrang takot ko na masaktan sya, Okay lang na masaktan ako, mahal ko si Vince, Leslie. Pero hindi tulad ng pagmamahal nya. Mahal ko sya bilang kaibigan lang. Ayoko lang masira yung friendship namin kaya sinagot ko sya.. Mali ba yun?" sabi ko naman.
Well oo mali diba kasi sinabi kong mahal ko sya kahit hindi naman talaga.
"natatakot ka bang masisira ang friendship nyong dalawa o mawawalan ka ng trabaho After ng break up nyo, ganun ba talaga kahalaga yung trabaho mo? Eh diba hindi naman yung pangarap mo in the very first place?" sagot nya naman saakin.
"Pwede bang both, tsaka teka, hindi mo ba naiisip na pag nawalan ako ng trabaho dedo kayong lahat, excuse me ako kaya ang Bread winner sa pamilya, kung tumatayo ka kasi at naghahanap ng trabaho edi sana hindi ka Bread loser diba hay nako Sis"
"hay ewan ko sayo, hindi ko alam kung magkakambal talaga tayo eh, baliw ka" sabi nya sakin sabay tawa.
"Alam mo kasi ikaw, masyado kang focused sa Career mong hindi ko alam kung ano, at ikaw, wala kang boyfriend." sabi ko.
"Kesa naman itali ko ang sarili ko sa isang unwanted relationship diba." sabi nya naman.
Sabagay oo nga naman, may point naman sya. Pero hindi nya ako naiintindihan.
"o sya sige na, babalik na ako sa hotel, medyo gabi na din eh, may fire dance pa mamayang 10PM sa beach. Basta ikaw start dating someone na, tumatanda kana no. Hahaha! Bye Sis, love you!" sabi ko sakanya ng parang nangaasar pa.
"whatever! Bye! Ingat okay? Love you sis!" sabi nya at pinatay ko na ang Phone ko.
Pumara ako ng Taxi at nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay may kamay na humarang at gusto din buksan ang pinto.
Napatingin ako sa kamay ng lalaki at nakita ko ang kapareha ng bracelet na suot ko.
"Sino--ikaw nanaman?" bulyaw ko sakanya.
"bakit nasayo yang bracelet nayan?" lumaki yung mata nya.
"wala kang pake, sorry ka meant to be na mapasakin Tong bracelet na to" pagtataray ko sakanya.
"inanod ba yan sayo.. Sa beach." mahina nyang sabi.
"Oo, teka nga, bakit ba ako nakikipag-usap sayo, aalis na ako!" binuksan ko ang pinto ng Taxi at agad na sumakay.
Lumingon pa ako sa lalaki na nakatingin parin saakin.
Pero bakit kaya alam nya kung san ko to nakuha. Hindi kaya... Sya ang nagtapon nito????
Pero bakit nya binili kung itatapon nya din, abnormal talaga yung lalaking yun no.
Pero ang mahalaga nasa akin to, at iingatan ko, hindi ko itatapon Hmp.
Hindi na ako nag dinner tutal kakakain ko lang naman din kanina.
Nag shower ako ng mabilis at agad bumaba para manood ng fire Dance sa beach.
Pero na amaze ako lalo dito sa Maldives dahil naging mistulang glow in the dark yung tubig sa dagat. Sobrang ganda.
There is only one word to describe this place, Paradise!
Pumunta ako sa Bar para umorder ng drink.
"um one glass of vodka please" sabi ko sa waiter.
"make it two, drinks on me." sabi naman ng isang lalaking sumulpot sa tabi ko.
"Okay sir" sagot ng waiter at hinanda ang inumin namin.
"um excuse me, what are you doing?" nagtataka kong sabi.
"well, ang Maldives just like Paris, City of Lovers, bakit ka magisa?" sabi nya saakin.
"do you even care?" pagmamataray ko sakanya.
At ano namang pake ng lalaking to kung mag isa ako, eh mag isa din naman sya, masyadong papansin, di nalang sya maggala mag isa at pabayaan akong magisa, di ko kailangan ng kasama at kausap.
Joke, ang tumal pag wala akong kasama dito.
"I'm Russel." sabay ngiti nya sa akin.
"Hi" sabay ngiti ko.