14

1.2K 19 0
                                        

Natulala kaming lahat. Siguro alam nyo naman kung bakit, hindi nyo alam?

SAAN KAMI KUKUHA NG TAO HUNDRED FIFTY THOUSAND???

Problemadong problemado kaming lahat iniisip kung saan kami kukuha ng ganun kalaking halaga, diba? I mean hindi naman kami mayaman, sana pala tinabi ko nalang muna yung pera at hindi ako nag Maldives, kung alam ko lang sana na may mangyayari na ganito. Tumawag na si Leslie sa pinagtatrabahuhan nya na opisina at nanghiram ng konting halaga sa boss nya, nag file na rin kami parehas ng overtime para lumaki kahit papaano yung kita namin, yung pera naman ni kuya hindi namin pwedeng galawin kasi sya lang ang nakakaalam kung anong bangko yun. Pinag-iisipan na tuloy nila mama na baka ihinto muna ang maintenance ni papa at isanla ang bahay namin. Ayaw naman namin ni Leslie na mangyari yun, Oh Diyos, hindi ko na alam ang gagawin ko, tulungan nyo naman kami na malampasan Tong pagsubok na to.

"Babe, papahiramin nalang muna kita Okay? Wag kana mamroblema, kasi pag kasal na tayo, hindi mo na kailangan pang bayaran yun, Okay?" sabi sa akin ni Vince.

Parang hindi Okay sakin yun, pero wala naman akong choice, kung hindi baka mamatay si kuya Lester. Ayoko namang mamatay sya, ayoko namang maging masamang kapatid dahil iniisip ko na parang pinatay ko na yung sarili ko pag natuloy ang kasal, pero I guess kailangan ko nang patayin ang sarili ko, at isuko ang buhay ko kay Vince.

"Salamat talaga Vince." niyakap ko sya ng mahigpit, sa kabila ng pangbababae nya, nandito parin yung side ng bestfriend ko..noon...

Talagang nasa puso ko padin yung pagmamahal ko sa bestfriend ko. Si Vincey Ko... Siguro naman matututo din akong mahalin sya, After all mahal ko naman sya bilang kaibigan. Siguro kahit yun lang.. Pwede na siguro yun.

..............

Lumipas ang ilang araw at bumuti na ang kalagayan ni Kuya Lester, nailabas narin sya ng ICU pero nandito padin kami sa ospital, kailangan pa kasi mabantayan ang health nya. Si Vince naman ang abala sa pagpaplano ng kasal naming dalawa. Alam nya kasi na hindi ko mahaharap ngayon ang kasal dahil sa lagay ng kuya ko.  Pumasok si Leslie sa trabaho habang si mama naman umuwi kasama ni papa, kumuha lang sila ng damit ko at iba pang mga gamit, si mama nagluto narin ng ulam para may makain kami dito.

Nagbabasa lamang ako ng comments sa Last blog ko about Maldives, humingi rin kasi ako ng tulong dun sa mga nagchecheck ng blogs ko. Buti marami rin ang gustong tumulong.

"bunso, gusto mo ba talagang pakasalan si Vince?" nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Kuya, gising pala sya.

"oo naman kuya." ngumiti ako ng pekeng sakanya.

"hindi ka ba napilitan lang dahil binayaran nya yung expenses dito sa ospital?" pagtatanong nya ulit.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot.

"kasi kung hindi Okay sayo, yung savings ko, ibayad na natin sakanya at wag na ituloy ang kasal." dagdag pa nya.

"Ano ka ba kuya, Okay na yun, yung savings mo, ipang umpisa mo na ng negosyo nyo nila mama, buti nga hindi nila sinanla yung bahay natin eh." sabi ko sakanya.

"mahal namin ni Vince yung isa't isa kuya. Sigurado na ako sa pagpapakasal." sabi ko sakanya. Hinawakan ni kuya ang kamay ko.

"sigurado ka bunso?" sabi nya sa akin.

"ayokong makulong ka sa isang relasyong hindi mo gusto at hindi ka magiging masaya" dagdag ni kuya.

"no, hindi, magiging masaya ako nito kuya. Trust me." ngumiti ako sakanya. Im gonna make this work. Bahala na si Batman...

Hindi ko alam kung anong kalalabasan ng married life ko, bahala na. Basta ito ang solusyong nakita ko nung panahong kailangan ko ng solusyon sa mga problema ko. Mahal naman ako ni Vince eh. Ito na din ang tamang gawin sa ngayon. Sana lang hindi ako magkamali sa gagawin kong pagpapakasal sa kanya. Sana rin hindi ako magsisi na pinakasalan ko sya. Dumating na sila mama at nagbihis na ako para pumasok din sa trabaho, padating narin si Leslie maya maya nito, sya naman ang mag aalaga kay Kuya.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon