7

1.6K 25 0
                                    

Nag lunch kami sa buffet by the sea, isang malaking bangka sa ibabaw ng dagat.

"Russel, did you ever loved someone that you are so scared of hurting them that they might leave you?and eventually lose your job too?" sabi ko sakanya.

"Alam mo 92-100, in your case, mahal mo talaga siya, maybe you're just scared to admit it kasi alam mong niloloko ka lang nya." sagot nya naman saakin.

"hindi naman mahirap mahalin si Vince, oo siguro mahal ko sya, pero hindi kasi sya yung tipong pang Adventures." sabi ko naman sakanya.

"Ano bang pang Adventures yung sinasabi mo at hindi makapasa pasa yang boyfriend mo?" natatawa nyang tanong.

"Simple lang, yung handa akong samahan sa mga Adventures ko." sabi ko. 

Ang overprotective kasi ng parents ni Vince kaya hindi ko sya makasama sama lagi sa ganito, tsaka ako din naman may gusto nito eh, Less Usap, Less Away. Diba? Pero di ko naman inakalang napasobra na pala kami sa Less dahil sa Phone nalang kami nakakapag usap. 

Minsan mamimiss ko din yung  dating kami ni Vince nung mag Best Friend pa lang kami.  Kasi talagang lagi kaming magkasama, hindi kami mapaghiwalay pero kasi yun talaga paniniwala ko eh, yung Space sa pagitan. 

Alam ko kasi na pag naging magasawa na kami, mawawala na yung Space na yun, kaya as long as hindi pa kami kasal, gusto ko sana yung Space na yun. 

"paguwi ko sa Pilipinas, magpapakasal na kami." sabi ko.

"gusto mo na bang magpakasal?" sabi nya sa akin..

"hindi, hindi pa ako ready." matipid kong sagot sakanya.

"then say no." umid nyang sabi.

"hindi naman ganun kadali yun, mag no no ako, tapos masasaktan ko yung Best Friend ko? Parang hindi ko kaya.  Tapos baka matanggal pa ako sa trabaho, kasi sya may ari ng kompanyang ginagalawan ko. " sabi ko sakanya. 

"diba may babae sya, nasaktan ka nya, bakit hindi mo sya magawang saktan? Tsaka isa pa, labas naman siguro sa relasyon nyo yung trabaho nyo si bakit ka nya tatanggalin dahil naghiwalay kayo?" pagtatanong nya saakin.

Oo nga no.. Nasaktan din ako. Nasaktan nga ba ako?

"hindi porket nasaktan ka, sakit din ang ibabalik mo, minsan kailangan kahit sobrang sakit na, pagmamahal padin ang iba bato mo, ewan ko ba, tsaka knowing Vince? He's taking everything personal, hindi pwedeng mag katrabaho kami pagkatapos ng break up, masyadong awkward ang atmosphere samin." napailing nalang sya sa sinabi ko. 

Tumingin ako ng deretso sa mata nya.

"hindi ko kayang mag no, pero hindi pa ako ready mag yes." at ngumiti nalang ako. 

"bakit mo ba kasi pinipilit na hindi  mo sya mahal?" tanong nya. 

Tumingin ako sa kanya at sinubo sakanya yung hipon na binabalatan ko kanina lang.

"ikaw talaga, ang dami mong tanong" sabi ko sakanya. 

Pagkatapos namin kumain, naglibot libot muna kami sa Alimatha Island.

"Tara pa fish spa muna tayo bago tayo bumalik sa hotel." pag anyaya sakin ni Russel.

"Sure, maggagabi na din, pero pwede bang dito na din tayo mag dinner? Ang sarap ng  Food dito eh." sabi ko sakanya.

"oo naman, Sure." sagot nya.

Pumunta na kami sa parang pool na madaming isda. Nag pa fish spa kami.  Tapos kumain na kami dun bago kami bumaba para sumakay ulit sa motorboat.

"kumapit jang maigi, baka mahulog ka" sabi nya habang nakahawak ako sa bewang nya.

"Naiilang kasi ako Russel" sabi ko. 

"Ano ka ba, gusto mo ba mahulog? O natatakot ka na baka sakin ka mahulog, uyy ikaw ah. Hahaha!" pang aasar nya.

"aray ko!" sigaw nya nung kinurot ko yung tiyan nya.

"ikaw ang manyak mo! Nanghahawak ka ng ABS!" sigaw nya sabay tawa.

"excuse me, hindi yan abs no, tabs yan!" pang aasar ko naman.

Pagdating namin sa hotel hinatid nya na din ako sa kwarto ko para makapag pahinga.

"uy Russel, thank you ulit." sabi ko sakanya..

"Ano ka ba wala yun, bukas ulit?" magiliw

"oo naman, sige, Goodnight."

Nagbihis ako at agad binuksan ang Travel Blog ko. 

Alimatha is a great experience, good ambiance and oh, I loved the aquarium-like snorkeling. Napakaganda, maihahalintulad nga talaga sa isang paraiso ang islang ito. Ang saya Today, readers, I swear you guys should go and visit the very beautiful island of Maldives.

Pinatay ko na yung laptop ko at natulog na.

JOKE, hindi pa ako natulog syempre nag isip isip pa ako, una kung bakit kumakalabog yung dibdib ko kapag kasama ko si Russel na again, kahapon ko lang nakilala. At kung bakit ni minsan, hindi ko naramdaman kay Vince?

Ang gulo gulo diba? Parang may war sa katawan ko, puso laban utak. At laging talo ang utak ko dahil pinasabugan ng isang malaking Nuclear Bomb ito ng puso ko na hindi ko talaga mahal si Vince at posibleng mahulog ako kay Russel na kahapon ko nga lang nakilala. Ang gulo talaga diba?

Pagkatapos sumuko ng utak ko sa puso ko, nakatulog na rin ako. Sumuko utak ko kasi di ko talaga mahal si Vince, mahal ko yung pamilya ko, trabaho ko, siguro?

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon