EPILOGUE

1.6K 30 1
                                    

Wedding of the Century

Ang sarap sa tenga ng wedding bells, ito na nga ang pinakamasayang araw ng buhay ko, ang araw ng kasal ko. Bumukas ang pinto ng simbahan at mula dito sa malayo, kitang kita ko na kung gaano kalapad ang ngiti ng Groom ko na mamaya lang ay Husband kona.  Eto nanaman yung puso ko na ang lakas lakas ng kalabog.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!!!!

Talagang sa isang lalaki ko lang naramdaman to, nagmahal nga ako ng iba, may nauna akong minahal bago sya, pero sa lalaking to ko na realize na we can't only love once, because we tend to fall in love in the most unexpected way...

Ang lalaking yun ay walang iba kundi si Russel Garcia.

Teka teka, naguguluhan siguro kayo no? Sige rewind rewind rewind.

Flashback~¿

Ito na ang araw ng pinaka ayokong dumating. Nakakainis dahil suot na suot ko na ang trahe de boda ko, kinakati ako sa damit na to, nakakainis, nakakairita! Naglalakad na ako papuntang altar, lahat sila nakatingin sa akin. Ang pait pait ng ngiti ko, halata sa mukha ko na sukang suka ako sa pagpapakasal ko kay Vince.

Hinihintay ko nalang ang cue at...

Ding Dong ding dong ding Dong!!!!!

Tumunog ang kampana. Nag-umpisa na. 

Tumayo si mama at papa "Ano yun? Di pa nag-umpisa yung kasal may kampana na? Teka titingnan ko lang"  sabi ni papa.

"ako na" pagpiprisinta ni kuya Lester.

"kami nalang ng papa mo, Lester dito ka nalang" sabi naman ni mama.

"Ano ba naman yan, Ma, Pa, Kuya, kasal na oh? Hello? Ang gulo nyo" sabi naman ni Leslie.

"Ssshhh!" sabay sabay na sabi ni mama, papa at Kuya Lester.

"i-check nyo na! Magsama sama na kayo sa pag papahinto ng napakaingay na kampana na yan, at matuloy na ang kasal namin ni Babes ko!!" galit na pagsigaw ni Vince kila mama Tong tulok na to ang sarap batukan eh no sinisigawan pamilya ko hayop talaga!

[PLAY YOU GOT SOMETHING I NEED BY PROLOGUE PASCUAL AND MORISETTE AMON] 


Sabay sabay sila mama pumunta sa may kampana.. Nang tumigil ang Bell nagumpisa na mag misa ang pari. Natigil lang ang pagsasalita nya ng biglang bumukas ang malaking pintuan sa simbahan..

Nandun si Russel at tila tinatawag ako.  Mabilis akong tumakbo papalapit sakanya hinabol ako ni Vince pero wala akong pake, sumakay kami ni Russel sa malaking van nya kung nasaan sila mama. Ang matigas at bwisit na si Vince naman dali daling sumakay sa sasakyan nya pero laking gulat nya ng hindi ito umandar dahil tinanggal nila kuya ang dalawang gulong. Pero syempre hindi sya magpapatalo dahil hinayupak sya. Sumakay sya kotse ng Daddy nya at sinundan kami. Nagulantang kami ng biglang magpaputok ng baril si Vince. Naharangan kami ng kotse ni Vince dahil sa tulin nya magpatakbo ng kotse.

"Lexciana bumaba ka jan!" galit na galit nya pag sigaw.

"isa! Dalawa! Tatlo!" pagbibilang nya.

Lumabas si Russel at inagaw ang baril kay Vince agawan sila ng agawan sa baril hindi nila namalayang lumabas na ako ng kotse, pinigilan akong lumabas nila papa pero sadyang matigas yung ulo ko at lumabas ako agad ng aksidenteng makawit ni Vince ang baril at matamaan ako sa tiyan. Lumapit sa akin si Russel at yakapin ako.  Napaupo naman sa sahig si Vince, lumapit sya sa akin pero sinuntok sya ni papa at ni Kuya Lester. Dumating na rin ang mga pulis para hulihin si Vince at ang ambulansya para dalahin ako sa ospital.

"I love you so much, Russel." sabi ko sakanya.

"I love you too, hold on padating na ang ambulansya Okay?" sagot nya habang naiiyak.

Si mama, papa at Kuya Lester sumama sa presinto para ikwento ang kagaguhan ni Vince.

"ikaw na bahala kila mama Okay, mahal na mahal ko sila, mahal din kita,  sobra Russel." at nawalan na ako ng malay.

................

Pero syempre hindi ako namatay, medyo na coma lang ako ng ilang araw pero syempre kailangan kumembot ng lola nyong bebot!

"Do you, Lexciana Villa Vega, take Russel Garcia as your lawfully wedded husband?" ika ng pari.

"I do, Father." sagot ko

"Do you, Russel Garcia, take Lexciana Villa Vega as your lawfully wedded wife?" sabi ni Father.

"ito pa bang babaeng to? Hindi ko pa pakasalan?" sabi ni Russel.

"sasagot ka ba ng i do, o hindi ko kayo ikakasal" pagtataray ng pari, dahilan para magtawanan lahat.

"ito naman si father--" naputol ang sinasabi nya nang muling magsalita si Father.

"hindi ko binibinyagan ang kasal na ito--" naputol rin ang pari ng mag salita si Russel.

"I do father, may I now kiss my bride?" sabi ni Russel.

"you do, sige." sabi ng pari.

Hinalikan ako ni Russel and tadah!  Welcome Mr and Mrs Garcia!!

.................

Paglipas ng isang taon, bumalik kami kung saan nag umpisa ang lahat, sa Maldives. Honeymoon trip namin, isang taon pa ang lumipas bago ang Honeymoon dahil inayos muna namin ang kaso laban kay Vince and luckily nakakulong na sya ngayon at ako, eto masayang masaya kasama ang pinakamamahal kong lalaki, si Russel.  Dito sa Maldives nagumpisa ang lahat, kaya dito din kami gagawa ng mga bago pang alaala ng magkasama.  You Only Love Once nga, dahil sa ngayon, masasabi kong hindi ko minahal si Vince kagaya ng pagmamahal ko sa tukmol na to.




THE END

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon