5

1.7K 21 0
                                    

Maaga akong nagising at nagbihis. Bumaba ako agad hindi para mag breakfast, dumiretso ako sa pool at naglangoy ng sobrang aga. Stressed swimming ang ginagawa ko ngayon, sa sobrang Stressed ko kung pano ako magiging malaya, gusto ko nalang malunod, tutal kamatayan lang ang tanging daan para makaalis ako dito sa kulungan ko, si Vince.

Sumisisid ako ng marahan at dinadama ang malamig na tubig sa aking mukha.

Pero pag angat ko ng mukha ko..

"good morning 92-100!"

"breakfast?" masayang bati ni Russel. Ang Aga Aga nandito si Russel, I wonder paano nya nalaman na nandito ako. Stalker ko ata to eh.

"Russel, good morning, pano mo nalaman na nandito ako?" sabi ko sa kanya.

"i followed my heart" tumingin sya sa mata ko.

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil palapit ng palapit yung mukha nya sa mukha ko. Ano ba yan bakit ganito nararamdaman ko parang lalabas yung puso ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Ewan ko baka naririnig na to ni Russel tapos isipin nya na My pagnanasa ako sakanya.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!!!!!

"boom! Eksdi! Got that from Twitter! Hahahahahahaha!" bigla syang tumawa ng malakas.

Aba shet, akala ko naman talaga, hopia Queen naman ako, kala ko naman nilalaman ako ng puso nya! Ay joke nakakulong nga pala ako sa puso ni Vince so paano ako mapupunta sa puso nya, ano yun, dalawa ako?

"Gago ka din eh no, Tara breakfast, dami mo pang sinasabi." sabi ko sakanya at kumain ng dala nyang breakfast.

"uy, samahan mo ako gumala, San pa ba pwedeng pumunta dito?" sabi ko sakanya.

"i Know the right place where I can take you!"  masaya nyang sabi. 

"talaga? San yun?" sabi ko naman sakanya.

"basta, you'll see" sabay kindat nya.

"ay pakindat kindat pa, dukutin ko mata mo eh" pagtataray ko sakanya.

Biglang nag ring yung Phone ko. Tumatawag si Vince.

"oh, Vince? Napatawag ka?" sabi ko sakanya. 

"wala, namiss lang kita. Hehehe. Kamusta jan" sabi nya sa akin. 

"Okay lang naman." matipid kong sagot. 

"Ahh, okay, ingat ka jan, Bye na may meeting kami eh" pagpapaalam nya.

"i love you" dagdag pa nya.

Pero pinatay ko lang.

"sino yun?" nakataas ang kilay na tanong ni Russel.

"boyfriend kong may babae" sabi ko sabay tawa.

"oh? Bakit kayo padin may babae pala, mahal mo no?" pangaasar nya.

"hindi no, mag best friend kasi kami dati, ayoko sana masira friendship namin kaya sinagot ko sya,tsaka takot ko lang na tanggalin nya ko sa trabaho at bawiin ang condo at kotse ko, nagiipon pa ako para bayaran yun, pagkatapos siguro pwede na akong lumaya, pero ganun talaga, buti may isang malaking dahilan na para makawala sakanya, yung hindi ko sya masasaktan hahaha" pagdedepensa ko.

"So hindi mo sya mahal pero ayaw mo syang masaktan? Edi mahal mo nga." sabi nya ulit.

"oo, mahal ko, pero bilang kaibigan lang, sa isang taon na naging  boyfriend ko sya lagi ko sinasabi na kailangan lagi kaming may Space.  Mahal ko sya, kala ko nga sya na eh, pero you know may mga bagay talaga na kahit ipilit hindi pwede, tingnan mo, tadhana na gumawa ng rason para maghiwalay kami. Kasi hindi meant to be." sabi ko sakanya.

"malay mo di mo palang na re realize na mahal mo talaga sya" sabi nya.

"hindi, matagal ko na na realize na hindi ko talaga sya mahal gaya nung gusto nya, hindi sya yung lalaking naiisip ko na gusto kong makasama sa lahat ng Adventures ko" sabi ko sakanya.

"malay mo naman, ako pala yung sinasabi mo" sabi nya sabay higop sa iniinom nyang kape. 

"ewan ko sayo" sabay irap ko sakanya.

Ano ba yan bakit kinikilig si ako? Dapat kay Vince lang ako kiligin!!!!

"bakit ka nag ba blush, hopia Queen! Hahaha! Tara na nga magbihis kana may pupuntahan pa tayo." sabi nya sabay tawa.

"nakakainis ka, sige na maliligo nako at magaayos" sabi ko sabay walk out. 

Bumalik ako sa kwarto ko at nagbihis, naka short lang ako at swim Bra tapos naka cardigans lang ako na hanggang tuhod. Dinala ko din yung sling bag ko at nilagay dun yung Pink lipstick ko at phone ko. Dinala ko din yung Polaroid Camera ko.

Bigla mong may kumatok sa pinto, must be Russel.

"oh, ready kana?" bungad nya saakin.

"yup, Tara?" sagot ko naman sakanya. 

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila palabas ng hotel. Eto nanaman yung puso kong nagwawala dahil nakita si Russel na kahapon ko lang nakilala.

Sumakay kami sa isang motorboat. So wala akong choice kundi ang yakapin sya.... Eto nanaman yung puso ko!

Jusko, puso kalma!

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!!!!

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon