15

1.3K 19 0
                                    

Nakalabas na si kuya sa ospital, minabuting iurong muna ang kasal kahit dalawang linggo mula sa napag-usapang araw. Dahil kailangan munang gumaling ni kuya. Pumayag narin ako na sumama at tumira sa condo ni Vince. Magiging mag asawa naman na daw kami kaya bakit ko pa patatagalin ang pag iisa ko, Like Hello, never naman ako naging mag isa dahil may kakambal nga ako diba? Ang saya tuloy ng Gaga kong kakambal dahil solo na sya sa kwarto, makakapaguwi na sya ng lalaki sa bahay, hay nako.

Alas dose na hindi parin umuuwi si Vince, sabi nya sa akin kanina nasa meeting with a client daw sya kaya male Late ng uwi. Tindi naman talaga ng kupal na yun, nagsasama na kami nambababae pa. Nakaupo ako sa sofa at hinihintay sya, gusto ko syang awayin paguwi nya, pero syempre di ako magagalit dahil alam kong  may babae sya, kunwari mag tatampo ako dahil wala akong kasabay mag dinner kaasar.

Knock Knock Knock!!

Sya na ata to. Lumakad ako sa pinto at agad na binuksan ang pinto. Tumambad saakin ang nag iisa at lasing na lasing na si Vince. Inakay ko sya papasok at nilinisan sya ng katawan. Pag higa nya ay agad nya akong hinila at hinalikan. Tinulak ko sya at sinampal.

"Hoy, ano bang inaarte mo, diba asawa naman na kita, pagbigyan mo na ako" sabi nya habang tinatanggal ang sinturon nya.

"Vince ano ba, hindi pa tayo kasal!" sigaw ko at naglakad paalis sakanya.

"halika dito" hinila nya ako at inibabawan ako, mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin at kahit anong piglas ko ay wala akong magawa.

Hinalikan nya ako ng marahas at pinilit gawin ang gusto nyang gawin sakin. Hindi ko Lubos maisip na magagawa to sakin ni Vince, ng bestfriend ko. Nasasaktan ako sa ginagawa nya, dahil hindi ko gusto... Hindi ko gusto ang pangbababoy na ginagawa nya saakin ngayon,  diring diri ako sa sarili ko.

................

Kinabukasan,maaga akong nagising, masamang masama ang timpla ko ngayong araw dahil sa ginawa nya kagabi. Nakasimangot akong bumangon at nagbihis, pinulot ang damit kong nakakalat sa sahig. Tulog pa sya hanggang ngayon kaya dahan dahan ako sa pagkilos, balak ko nang umuwi at wag nalang sabihin kila mama yung nangyari. Ngunit ng akmang lalabas na ako ng pintuan ay biglang nagsalita si Vince.

"Babe." pagtawag nya saakin.

"Wag mo akong ma-babe Babe jan, tapos na tayo, yung utang ko sayo, babayaran ko." lalabas na sana ako nang magsalita sya ulit.

"galit ka ba dahil sa nangyari sa atin kagabi?" tanong nya saakin. Nagdilim bigla ang paningin ko sa sinabi nya.

"Ano kamo? May nangyari sa atin? Sa pagkakaalam ko kasi ikaw ang may ginawa sa akin eh, walang nangyari dahil pinagsamantalahan mo akong  hayop ka" lumapit ako at binigwasan sya sa Panga.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong sampalin ng napakalakas, dahilan para matumba ako at bumagsak sa sahig.

"Wag kang maarte! Akala ko hindi ko alam? Hoy, hindi ka na dinugo kagabi at alam mo ang ibig sabihin nun? Hindi kana Virgin! Kaya wag kang magmaarte jan, tingin mo maniniwala silang ginahasa kita? Walang maniniwala sayo!" sigaw nya sabay tawa nya ng malakas.

Natigil ang pagtawa nya ng duraan ko sya sa mukha..

"Ang Baboy mong hayop ka, hindi na kita kilala!" sigaw ko sakanya.

Nakatanggap naman ako ng isnag malakas na sapat bilang sagot, dahilan para magkaroon ako ng isang malaking Black eye. Agad nyang tinali ang kamay ko sa paanan ng kama, pumasok na sa trabaho. Sinabi nya pang papakasalan ko sya sa ayaw at sa gusto nya dahil kaya nyang baliktarin ang nangyari kagabi.

Hindi ko talaga inakalang magagawa ni Vince ito sa akin. Best Friend ko sya simula pa nung bata kamo dahil yaya nya si mama dati, nakakainis isipin na sa ganitong tao pala ako magpapakasal.

Umiyak lang ako ng umiyak ng umiyak maghapon, wala akong magawa dahil hindi ko abot ang cellphone ko. Nakakainis talaga!!! Nakatulog na ako sa pag iyak, ni hindi pa rin ako kumakain hanggang ngayon. Nagising ako sa pag ring ng Phone ko. Pinipilit kong abutin ang Phone ko sa kabilang dulo ng kama pero wala hindi ko talaga ito abot.

Pinilit kong tanggalin ang buhol ng tali pero masyado itong mahigpit. Kinagat ko ng Kinagat ang tali hanggang maputol ito.  Nakawala ako sa pagkakatali ko at agad isinuot ang hoodie ko, nag pantalon din ako at sinuot ang sapatos ko, I grabbed my bag at umalis na ako.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon