16

1.2K 17 0
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa condo ni Vince, ayoko nang bumalik doon kahit kailan, ayoko narin syang pakasalan. Galit na galit na galit ako sakanya, grabeng pinagtitiisan ko yung tulad nya tapos ganito ang ipapalit  nya saakin. Siguro kapalit ito ng hindi ko pagmamahal sakanya nung mga una palang kami, siguro dahil to sa Space, pero teka, bakit ko ba sinisisi yung sarili ko, hindi ko kasalanan na nambabae sya, hindi ko kasalanan na ni Rape nya ako hindi ko kasalanan lahat ng nangyari saakin ngayon! Arghh! Nakakainis ang Baboy ni Vince! Binaboy nya ako!

Habang mabilis yung pagtakbo ko ay nabangga ko yung isang lalaki. Naka hood ako kaya hindi ko maaninag kung sino yung lalaki.  Tinabig nya yung hood ko kaya napasigaw ako

"Ano ba!" pagbulyaw ko sakanya. Hindi ako tumingin at tumalikod ako.

"92-100??" gulat na gulat nyang sabi sa akin.

"bakit ganyan ang itsura mo? Sinong gumawa nyan??" sabi nya habang tinitingnan ang mga sugat ko sa mukha. 

Hindi ko alam pero bigla ko syang niyakap ng sobrang higpit. Umiyak ako sa bisig nya. Niyakap nya rin ako pabalik.

"Russel.. Help me.." sabi ko sakanya.

"ilayo mo na ako dito Russel, please" pag iyak ko sakanya.

"ayoko na syang pakasalan PLEASE save me, Russel, save me please." sabi ko habang lalo kong hinihigpitan ang paghawak ko sakanya.

"Tara, dun ka muna sa bahay namin, wag ka mag alala safe ka dun, makakasama mo si Rea dun, yung Sister ko"

Ewan ko pero nung sinabi nya yun, I felt safer. Dinala nya ako sa Mansion nila, agad na sumalubong sa amin ang Sister nyang si Rea, 6 years old pa lang sya kaya madali namin syang napakiusapan na dun muna sa kwarto nya dahil may pag-usapan kaming mahalaga ng kuya Russel nya. Nang makarating kami sa kwarto nya, agad kaming naupo sa kama at nagumpisa akong mag kwento.

"Vince, Vince did this, umuwi syang lasing Last night, at ginahasa nya ako, sabi nya walang maniniwala saakin pag sinabi kong ginahasa nya ako dahil hindi na ako Virgin, naniniwala ka naman sakin diba.." pag kukwento ko.

"oo naniniwala ako, ano pang nangyari." sabi nya.

"ayun, sinapak ko sya tsaka dinuraan sa mukha, tapos sinampal nya ako at sinapak din, ayun tinali nya ako sa kama, ang tagal bago ako nakaalis ilang oras din. Tapos sabi nya sakin wala akong choice kundi pakasalan sya" pag kukwento ko pa.

Maya maya ay naramdaman kong tumulo ang luha ko at agad nya akong niyakap ng sobrang higpit. Ramdam na Ramdam ko yung pagmamahal nya.

"Hinding hindi kana masasaktan ni Vince, I promise." sabi nya. Hinigpitan ko lalo yung pagyakap ko sakanya.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganito, yung grabeng safe ako sa piling ng isang tao.  Sana pwede akong magtagal sa piling ni Russel. Ayoko nang kumawala pa sa mga yakap nyang ito.

"san ka nga pala papunta nung nakita mo ako kanina?" tanong ko sakanya.

"I followed my heart" sabi nya, bahagya syang tumawa.

"Joke lang 92-100, kasi nakasalubong ko sa Market si Leslie, yung kakambal mo, akala ko nga ikaw yun eh. Pero sinabi nya na hindi daw sya yung kasama ko sa Maldives at naka churba ko" sabi nya sakin habang tumatawa tawa.

"what? Sinabi mo kay Leslie na nag churba tayo sa Maldives????" gulat na gulat kong tanong, natawa din ako ng sobrang lakas na parang wala akong sakit na nararamdaman.

"Oo, akala ko kasi ikaw yun, tapos sinend nya yung Address mo saakin, sinabi nya na din yung pangalan mo.  Hehehe" kumindat sya saakin.

"sus, sige nga, anong pangalan ko?" sabi ko sakanya.

"Lexciana Villa Vega" sabay ngiti.

"ew ang baduy ng pangalan ko wag mo nga banggitin! Kaasar ka!" sabay hampas ko sakanya.

"Hahaha! Oo nga eh, Okay na yung 92-100, para kang robot model. Hahaha!" pagtawa nya.

Nakakainis talaga Tong Leslie na to, sinabi yung pangalan ko! Naiirita ako talaga, parang pangalan ng lalaking aso! Bakit nga ba kasi Lexciana ang pangalan ko san bang lupalop galing  yung pangalan na yun!

Nagulat kami ni Russel nang biglang tumunog yung Phone nya, tumatawag daw si Leslie

"Russel, kasama mo ba si Lex?" tanong nya

"hinahanap sya ni Vince dito sa bahay galit na galit anong nangyari?" dagdag nya pa.

"sis,ako to, nandito ako sa bahay ni Russel, wag mo sabihin kay Vince, punta ka dito wag ka magsama ng iba." sabi ko at agad kong pinatay.

Kabang kaba ako na baka mahanap ako ni Vince, ayoko nang magpakita sakanya kahit kailan. Nanginginig ako ng biglang may mag doorbell. Si Leslie na ata yun. Agad lumabas si Russel para pag buksan sya ng pinto. Dumi Reason sya sa kwarto kung nasaan ako. Agad nya akong niyakap ng sobrang higpit ng makita ang kahabag habag kong sitwasyon.

"Oh my God, si Vince ba ang may gawa nito Sis?" sabi nya sa akin. 

"oo Sis.." matipid kong sagot.  Si Russel na ang nag kuwento ng buong pangyayari.

"I can't believe this, paano nya to nagawa sayo?" sabi nya habang naiiyak.

Sa aming tatlong magkakapatid kasi, si Leslie ang pinaka maka kapatid, marahil samin ay sya ang bunso kaya mahal na mahal nya kami ni Kuya Lester. Nauna kasi akong ipanganak kaya sya ang bunso, gets nyo? Basta yun.

"no idea" matipid kong sabi.

Kinukwento nga din ni Leslie na nagwala daw sa bahay si Vince dahil hinahanap ako, galit na galit daw si Vince. Natakot nga daw sila mama sakanya eh naawa ako dahil nadadamay sila sa gulong pinasok ko.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon