17

1.3K 17 0
                                    

Umalis na si Leslie at nangako syang hindi malalaman ni Vince kung nasaan ako ngayon, sinabi ko rin na ipaalam nya kila mama na Okay lang ako dito, ayoko kasing nagaalala sila sakin, lalo na si Kuya Lester. Hindi pa syang ganun ka galing. Baka ma paano pa sya, o di kaya sila mama, atakihin.. Nadama na sila sa kawalang hiyaan ni Vince.

............... 

Nakatanggap ako ng text mula kay Vince na kung hindi ako magpapakita at magpapakasal sakanya ay gagawin nyang miserable ang buhay ko at nila mama... Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako dahil baka kung ano pang kahayupan ang gawin nya kila mama.  Ayokong madamay sila mama dito. Gulo ko to at ni Vince, hindi na dapat madamay dito sila mama, ang kinakatakot ko ay baka buhay ni Russel ay guluhin nya din.. Hindi ko kayang may mga tahimik na buhay pa ang magulo nang dahil sa akin. Nagtext ako kay Vince at sinabing magpapakita na ako sakanya at handa akong pakasalan sya basta wag guguluhin ang pamilya nila mama... Iiwasan ko na rin siguro si Russel para hindi na sya madamay sa ka letchehan ng buhay ko.

To: Vince Walang Kwenta, Gagong Ang Sarap Bigwasan

Makikipagkita na ako sayo, papayag akong magpakasal sayo, wag mong gugustuhin sila mama, ibigay mo muna ang buong araw sakin bukas, at sa isang araw, at mga susunod pa ay sayong sayo na ako... Wag mong guguluhin sila mama kasi tangina Vince, hindi ko alam gagawin ko sayo!

Hindi na sumagot pa si Vince sa text ko. Humiga ako sa tabi ni Russel at hinalikan sya sa noo. Pababa sa ilong.... Sa labi.

Dumilat si Russel at tumugon sa halik ko. Bakit tuwing hinahalikan ko ang lalaking to, lahat ng mali pakiramdam ko ay tama, ganun talaga pag nag mamahal no?

Naging mapusok ang paghahalikan namin ni Russel hanggang sa dumating nanaman kami sa point na hindi namin pakawalan ang isa't isa. Huli na ito, huli na. Sa isang bukas sasama na ako kay Vince at hindi na magpapakita sa lalaking ito... Sa lalaking mahal na mahal na mahal ko. Higit sa kahit ano, papayag akong magpakasal sa iba, alang-alang sakanya... Sa kaligtasan nya..

May pumatak ng luha sa aking mata, pinunasan nya ito gamit ang kamay nya, tuloy na tuloy parin kami sa paghahalikan ni Russel, iniisip ko kung makakaya ko bang ma ikasal sa lalaking hindi ko mahal, makipagtanan nalang kaya ako sa Lalaking to. Pero paano sila mama, sila kuya? Paano sila..

I'm really sorry, Russel.. Mahal ko sila mama at papa, kuya Lester at Leslie... Hindi ko hahayaang may mangyari sakanila..

Alam nyo na kung saan napunta ang mariin naming paghahalikan ni Russel. Dahan dahan nyang tinanggal ang hoodie na suot ko, ang shirt ko, ang pants ko.... Pati ang underwear ko.. Ibibigay ko na lahat sakanya ngayong gabi.. Dahil sya naman talaga ang mahal ko, at nagmamay-ari sa buong pagkatao ko, siya lang, si Russel.

God knows how much I love Russel, that I am more than willing to let him go than to see him suffer..

Nangyari na ang huling pinakamagandang gabi ng buhay ko.... Ang gabing kasama ko si Russel, sa kama at walang damit....

...........

Maaga akong nagising ag ipinagluto sya ng almusal. Bigla syang lumabas ng kwarto ng tanging boxers lang ang suot kaya napalunok ako agad, ang yummy ng katawan ni Russel! Pak na pak! Nanlalaki ang mata ko sa biyayang nakikita ko ngayong umaga.

"Lex, alam ko naman na Hot ako pero wag ka mag laway para kang asong ulol. Hahaha" sabi nya. Namula ako sa sinabi nya nakakahiya naglalaway pala ako, pinunasan ko yung laway sa gilid ng lips ko atsaka nagsalita.

"Good morning! Kumain kana" masayang bati ko kay Russel, pero medyo awkward dahil tulo laway scene, ew.

Agad naman syang umupo at nagumpisa nang kumain.

"Luto mo to? Wow ang sarap" tuwang tuwa na sabi ni Russel.

"Tukmol ka, hindi, hindi ako nag luto nyan, tsinelas ko nagluto nyan! Ano kaba, syempre ako nagluto, sarap diba!" pamimilosop ko pa sakanya at saka ako tumawa.

"pero may mas masarap pa dito eh, kagabi, diba." agad naman aking na mula sa sinabi ni Russel.

"tulok ka kumain ka na nga jan." sabi ko sakanya sabay irap. Nakakahiya bakit ba ako namumula ano ba yan.

"sus, ayaw pa aminin, masarap diba?" pang aasa pa nya, Tukmol Tong lalaki na to, pag ako di nakapag pigi at hinubaran kita ng wala sa oras, makikita mo talaga.

"oo na, masarap nga, pero mas masarap luto ko-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita syang muli.

"mas masarap ka" ewww lalo akong namumula sa pangaasar nya, titig na titig pa sya sa akin habang sumusubo ng kanin.

"sapakin kaya kita" sabi ko sakanya. 

"masarap din ako diba" at kumindat pa sya. Aba aba sarap al bigwasan ng lalaking to ah.

"ewan ko sayo, kumain kana jan" sagot ko.

Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam ng mga ganitong asaran namin ni Russel, kahit araw araw ganito Okay na Okay lang, basta sya ang kasama ko, pero hindi pwede... Wala akong magagawa... Kundi iwan nalang sya. Habang buhay...

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon