Ilang araw na mula nang makauwi ako ng Pilipinas kasama ang aking boyfriend, kilala nyo kung sino, edi ang magaling at babaerong si Vince! Okay, ang Aga Aga beastmode ako, paano ba naman kasi, kagabi, narinig ko si Vince may kausap sa Phone, ang sabi nya sa akin client lang daw, lintik na client yan! Ginagawa akong tanga! Rinig na rinig ko pa pumunta daw sa convo nya mag dala daw ng foods papakainin daw sya ng Gaga, ano naman kayang ipapakain nya kay Vince! Kadiri naman! Argh! Bat kasi hindi pa ako kumalas ngayon pa lang naiirita ako sa kasinungalingan ng punyetang si Vince! Isipin mo kausap nya yung client nya sa gitna ng date namin? Talaga ba? Harap harapan? Pa ngiti ngiti pa sakin kala naman nya hindi ko alam. Ang Panget Panget tuloy ng gising ko! Mahuli ko lang talagang may kasamang iba to si Vince di Bale nang mawalan ng trabaho basta kakalas ako punyeta kaya ko naman tiisin panloloko nya ng palihim pero yung harapan aba nakakababae na ang gago.
Lumabas ako ng kwarto dahil sa pagtawag saakin ni Leslie, nandito na daw ang parents ni Vince, kasama sya. Oo nga pala, dahil sa badtrip ko sa tukmol na yun, nakalimutan kong mamamanhikan sila ngayon. Agad agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto, eto ako pairap irap sa gago habang sya pakindat kindat, hindi na sya yung bestfriend na nakilala ko noon, nagbago na talaga sya, bakit naging babaero na to. Tango lang ako ng Tango habang nagpaplano sila kasal, oo lang ako ng oo, wala akong pake sa pinag uusapan nila. Isang buwan pa ang kasal at may oras pa ako para pag isipang mabuti ang lahat. Kung kaya ko bang maikasal sakanya, at kung kaya ko bang masikmura na makasama sya habang buhay, tsaka bakit kaya hindi sya magpakasal sa babae nya, siguro mas mahal nya ako kahit konti, pero kahit na naiinis ako sakanya gusto kong ibuhos sakanya Tong kape na iniinom ko sa sobrang inis ko.
"iha, are you with us? So ano bang gusto mo, beach wedding? Church wedding? Kahit ano wag lang civil wedding, kailangan bongga ang kasal nyong dalawa ng uniko iho namin" sabi ng mama ni Vince saakin.
"tita, masakit po talaga ulo ko, will you excuse me po?" at agad akong bumalik sa kwarto ko. Sumunod saakin si Vince, at hinila ang kamay ko.
"Babe, may problema ba, galit kaba saakin?" tanong nya sa akin, kita ko ang pagaalala sa mata nya. Pero ulol hindi ako naniniwala sa mga tingin na yan. Atsaka oo, galit na galit ako sayo, sa sobrang galit ko sayo gusto kitang sapakin at ihagis palabas ng planet earth!!!
"hmm, no, bakit naman ako magagalit, masakit lang ulo ko, sige matutulog muna ako ha." at ngumiti ako ng peke sakanya.
"ahh, ganun ba Babe, sige pala, aalis na muna kami nila mama next time nalang natin planuhin ang kasal, Okay?" humalik sya sa pisngi ko, ngumiti lang ako at tumalikod na at umirap ng palihim, kagigil!
Pagpasok ko sa kwarto ko nag blog ako ulit syempre tungkol sa Maldives parin, hindi na kasi ako nakapag blog nung pagdating ni Vince, naiinis ako sa mukha nya eh.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko sa Maldives, it's been two days simula nang makauwi ako dito, pero hindi mawala wala sa utak ko yung kakaibang experience na naramdaman ko. Hindi ko inakala na pwede tayong makakilala ng mga taong pwedeng maging PART ng buhay natin, pero syempre di din sila habang buhay para ng buhay mo, dinala nya ako sa iba't ibang lugar sa Maldives, pwedeng ilang araw lang syang parte ng buhay mo, pero pwede ring panghabambuhay na syang parte ng puso mo.
Inoff ko ang laptop ko at natulog akong muli. Dalawang araw na pero parang may jetlag padin ako hanggang ngayon.
..........
Nagising ako sa tili ng kakambal kong si Leslie.
"aaaah! Waaaah! Sis!!! Omayghad, bakit ba natutulog ka padin wake up!!!" pagsisigaw ng kakambal ko.
"Ano ba yun! Panira ka naman ng tulog eh, bakit ba sigaw ka ng sigaw?" iritang sabi ko sakanya.
"kasi may nangliligaw na saakin, and for your information, Grabeng hot nya!" sigaw nya habang hinahampas ako at niyuyugyog.
"Alam mo Leslie, maganda ka naman. Pero bakit para kang bakla? Ngayon lang may nanligaw? Sus ano bayan!" iritang irita kong sabi sakanya. Nahiga ako at nagtakip ng unan sa mukha.
"grabe ka naman, basta naka kakilig kaya!" sigaw nya at humiga sa kama nya, nasa iisang kwarto lang kasi kami ni Leslie, tapos sa kabilang kwarto yung kuya naman namin tsaka dun sa isa pang kwarto, si mama at papa naman, hindi kasi kami ganun kayamanan, sapat lang siguro para mabuhay kami, kaya nga ingat na ingat ko yung trabaho ko eh, kasi pag natanggal ako, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
"kailan ba uuwi dito si Kuya? Nakausap mo na ba sya?" sabi ni Leslie saakin.
"ewan ko nga eh. Hindi pa kami naguusap." matipid kong sagot.
OFW kasi si kuya, limang taon na syang hindi umuuwi, at ngayon uuwi na sya dito for Good, tapos na kasi yung kontrata nya at balak na sana naming magtayo ng business dito kahit maliit lang.