Umahon kami at nag set up ng tent, hindi ko alam kung planado ba to lahat.
"Okay! Spin the bottle tayo! Pag sayo tumapat, I'll put paint on your face, at pag sakin tumapat, ikaw naman ang maglalagay ng paint sa mukha ko, Game?" sabi nya sakin habang nakangiti ng nakakaloko.
"aba aba hinahamon mo ata ako!" sabi ko sabay lapag ng bote sa gitna namin.
"game!" sabi nya naman.
Unang ikot sa akin agad tumapat dahilan para lagyan nya ako ng pintura sa mukha.
Pangalawang ikot sa akin padin ito nakatapat at alam nyo na ang nangyari.
Pangatlo, pang apat, panglimang ikot sakin lahat nakatapat, kaya alam nyo na ang kapalit nun, sandamakmak na pintura sa mukha ko.
"wala weak pala to, hahahaa!" pang aasa nya.
"babawi din ako no, fine, huling ikot! Ibubuhos na yung buong paint pail ha!" matapang kong sabi.
"oh talagang naghahamon ka ha, game!" pagmamayabang nya pa.
Pang anim at huling ikot.
Tumapat ito sakanya at sa wakas makakabawi na ako."aha! Huli ka ngayon! Haha hahahaha!" pag tawa ko sakanya at agad na binuhos ang paint pail sa buong katawan nya.
"madaya ka dapat sa mukha! Halika dito!" sigaw nya sabay habol sakin na mabilis na nakatakbo palayo.
Nahabol nya ako at binuhat kaya nagkaron din ng pintura ang katawan ko. Naupo kami sa campfire na itinayo namin kanina. Nag ihaw kami ng marshmallow habang nakayakap padin sya sakin at medyo nakakandong ako sakanya.
"Pwede ko na bang malaman yung pangalan mo?" sabi nya.
"hindi, mas mahihirapan ka lang eh, it's for the best okay? Kung tayo talaga, magkikita ulit tayo After nito. Hehehe" sabi ko sakanya at hinalikan sya sa pisngi.
Pero ayun, yung sa pisngi na yun napunta na sa labi.
Palalim ng palalim ang gabi at nangyari nga ang hindi inaasahan.
Alam nyo na yun.
Nagising ako na mag isa na lamang dito sa Tent. May Letter din na nakalagay sa tabi ko.
92-100,
Hello,uy sorry hindi na kita ginising, ang sarap kasi ng tulog mo eh, tumutulo pa laway mo! Hahaha, alam mo ang daya mo, huling kita na natin kagabi pero hindi ko manlang alam ang pangalan mo, paano kita hahanapin nyan? Sorry di ko na din nasabi, siguro habang binabasa mo itong sulat ko ay nasa plane na ako papuntang Pilipinas, hindi ko na sinabi kasi ayoko na malungkot ka, kahit alam ko naman na wala kang pake, Hahaha! By the way, nakalimutan ko sabihin sayo na ang ganda mo at sa sandaling nakasama kita ay napamahal ka na sakin, ang bilis no? Ganito kalandi itong puso ko, sayang, kasi paguwi mo sa Pilipinas, magkita man tayo, eh Mrs kana. Sad no? Kala ko pa naman magiging Mrs kita, uy biro lang, alam ko naman na mahal na mahal mo si Vince, sana maging mabuti kang asawa sakanya, at sabihin mo na pag tinuloy nya pa yang paglalandi sa kliyente nya ay susugudin ko sya at sasapakin, ano yun, ipapaubaya kita tapos sasaktan ka nya? Bad yun,sige hanggang dito nalang ang pagdadrama ko kasi baka magising ka na, at hindi ako makaalis. Ayun basta 92-100, hindi ko man alam ang pangalan mo, alam ko naman na mahal kita.
PS- WAG KA KILIGIN, IKAKASAL KANA.
So much love, Russel!
Napangiti ako na naluha sa nabasa ko, at ayun, hanggang dito nalang talaga yung love Story namin ni Russel. Nakakalungkot man isipin na hindi kami nagkatuluyan, at least sinabi nya naman na mahal nya ako, hihihi, kinilig ako pero tapos na ang kalandian ko dito sa Maldives dahil maya maya ay nandito na si Vince.
Tumayo ako at nagbihis, kanina pa ako nag mo-monologue tapos ngayon ko lang naisip na nag churva kami ni Russel kagabi at nakahubad ako ngayon.
Pero sa totoo lang, ang lungkot ko, papasok ba talaga ako sa isang Unwanted Marriage, dahil lang ayokong masaktan ang Best Friend kong si Vince?
Hanggang best friend lang ba talaga ang tingin ko sakanya? Diba sabi nila natututo din ang pusong magmahal.
Tsaka mahal ko talaga si Vince, promise!
Pero mahal ko din ata si Russel.
Ang landi landi naman ng puso ko, dalawa dalawa yung mahal, hays!
Ang landi ko na nga ang gulo ko pa, nung una sabi ko di ko talaga mahal si Vince, tapos ngayon mahal ko sya? Atsaka si Russel? Di ko nga manlang sya kilala masyado tapos mahal ko sya?
O, malandi kong puso, ano kana, bakit dalawa yang mahal mo?
Isa isa lang naman puso, kung si Vince, edi siya lang! Kung si Russel edi sya lang din! Pakshet ka naman! Arghhh.
Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang gulo ng puso't isipan ko.
Napaisip din ako na siguro si Vince yung mahal ko kasi hindi naman alam ni Russel pangalan ko eh.
Atsaka isa pa, si Vince naman yung una kong mahal, so mas matimbang dapat sya.
Tsaka diba ikakasal na din ako paguwi, if I Know pag dating dito ni Vince, yayayain nya na ako magpakasal.
At siguradong oo ang sagot ko.
Oh sige ipagpilitan mong mas matimbang si Vince.