Nagising akong nakangiti dahil sa saya ng lakad namin ni Russel kahapon.
May kumatok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon para buksan yun. Isang mascot ng Care bears na may hawak na boquet ng flowers! Take note, it's a yellow rose!"oh, ang Cute naman!" sabi ko at niyakap yung Bear, dahilan para matanggal yung ulo nito.
"RUSSEL?" nakangiti sya sakin.
"Good morning 92-100" sabi nya sabay ngiti lalo ng malapad.
"breakfast?" sabi ko sakanya.
"Tara pasok ka, magluluto ako ng adobo!" dagdag ko pa, saka sya hinila papasok sa kwarto nya.
Nakangiti lang sya, ang creepy nya bakit sya nakangiti at hindi nagsasalita, jusko papatayin nya na kaya ako? Oh no! Ayoko pa mamatay! Pwera nalang kung mamamatay ako sa sarap hihihi! Ay punyeta ano yun ha? Erase Erase erase!!!! Jsgscsjaowyeiaknaba
"Um, 92-100, tumatawag si Vince." mahina nyang sabi.
Agad kong sinagot yung tawag at kinausap muna si Vince. Medyo bastos to si Vince eh no? Busy pa ako lumandi dito sa Maldives hays. Omayghad ano bang nangyayari sa akin! Nakakainis ha. Nako nako! Hindi porket sumuko na ang utak kong hindi ko talaga mahal si Vince, pwede na ako lumandi dito sa Maldives!
"Vince! Kamusta." sabi ko agad.
"Miss na kita eh, gusto lang sana kita balitaan na pupunta ako jan sa Maldives! On Sunday! Tomorrow! Miss na kita sobra eh!" masayang masaya nyang sabi.
Nakita ko namang lumungkot ang awra ng mukha ni Russel.
"Um, Wow great!" tapos nag fake smile lang ako.
"sige I'll see you soon, I love you." and then the call dropped.
Oh no!!!!! Ayokooo! I don't want him to ruin my first trip abroad. Ayokooooo! Agad kong tinawagan si Leslie para tanungin kung saan nalaman ni Vince na nasa Maldives ako.
"Sis!!!! Pano nalaman ni Vince na nandito ako sa Maldives!!!! Sis naman eh!" alalang alala kong sabi sakanya.
"eh sorry Sis, Mom told him, ang kulit nya kasi nakakainis na, pasensyaaaa" sabi nya.
"hay nako may magagawa pa ba ako!" sabi ko sakanya.
Pinatay ko na at agad akong napatingin kay Russel.
"I guess sira na ang Dream trip kong to." sabi ko atsaka ako nag fake smile sakanya.
"well, we still have a day bago nya sirain Tong trip na to." sabi nya at ngumiti.
Ngumiti lang din ako at naligo na.
"Tara, San ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"sa National Museum ng Maldives." matipid nyang sabi.
Hindi na ako sumagot at sumama nalang sakanya. Sumakay kami sa van ng hotel at agad pumunta sa National Museum.
Nag iikot kami sa loob di ko maiwasan hindi mapatingin kay Russel na tahimik lang na naglalakad.
"Wow, ang ganda ng mga artifacts dito, hindi ko inakala na may igaganda pa pala to, akala ko puro dagat at tubig, ngayon nakikita ko na kung gaano ka swerte ang isla na to, sobrang Rich ng Culture nila. Nakaka amaze" sabi ko habang tinitingnan yung isang malaking frame na nagpapakita ng buhay ng mga taong naninirahan dito.
"Oo, at alam mo, may ipapakita ako sayo, Tara." hinila nya ako hanggang sa napadaan kami sa isang Hall way dito at sa dulo nito, nakita ko ang larawan ng charm bracelet.
"yang bracelet, ito yan diba." sabi ko at inangat ko ang kanang kamay ko para ipakita sakanya yung bracelet na suot ko.
Tumango sya bilang sagot, nakita ko na suot naman nya ang kapareha nung bracelet na suot ko, inangat ko yung kanang kamay nya gamit ang kaliwang kamay ko. Bumibilis nanaman ang puso kong walang pakundangan.
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG!!!!
"At ito, yung ka partner." sabi nya at tumingin sya sa mata ko.
Binasa namin yung description ng Charm Bracelets. Unti unting mas lalong Bumibilis ang tibok ng puso ko.
This bracelet is believe to bring lovers together. Maldivians believes that if you throw the other half of the bracelet to any Maldivian Sea, and whoever finds that, will also find its way back to the one who threw it. So if you find this charm bracelet, lucky for you, it must be fate.
Agad akong napatingin kay Russel ma nakatingin din sa akin. Oh no, bat ganyan yung tingin nya sakin para tuloy akong natutunaw, ramdam ko na yung pamumula ng mukha ko ngayon dahil sa tingin nya.
"Napulot ko to sa tabi ng dagat..." sabi ko sakanya.
"tinapon ko yung ka partner nito sa dagat, After natin pag agawan sa souvenir shop.." matipid nyang sabi.
"at yung dagat na pinagtapunan mo nito, ay sa dagat na malapit sa hotel natin, kung san ko ito napulot?" sabi ko sakanya at nararamdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.
Lumakad na kami palayo at umalis sa National Museum. Kumain muna kami sa isang restaurant para mag Lunch.
Magkahawak pa din kami ng kamay pero grabeng tahimik ng mundo naming dalawa.
Ano ba to, ang tahimik nga ng mundo namin pero sa loob ko agaw eksena yung puso kong tibok ng tibok, ano ba tumigil ka nga kakatibok!!!!!!!