13

1.2K 14 0
                                        

Kinabukasan nagising ako sa malakas na hagulgol nila mama sa labas. Hay ano nanaman kayang ingay ang meron dito, ang gulo talaga dito sa bahay.

"ma, anong nangyayari?" sabi ko habang pababa ako ng hagdanan. Agad naman nya akong niyakap ng sobrang mahigpit. 

"anak, ang kuya mo" sabi naman ni papa saakin habang nakahawak sya sa ulo nya.

"Ano po bang nangyayari teka nga sabihin nyo, anong nangyari kay kuya? Diba pauwi na sya?" sabi ko kay mama, naluluha na din ako at hindi na alam ang gagawin.

"nag crash ang sinasakyan nya eroplano anak, hindi pa nahahanap ang katawan nya kaya hindi alam kung buhay pa ba sya o... Patay" umiiyak na sabi ni mama habang nakayakap padin saakin.

"Alam na ba to ni Leslie? Teka san daw banda bumagsak may balita na ba?" sabi ko habang umiiyak na din at kumakamot sa ulo.

"hindi pa alam ni Leslie, nak, wag muna sana hangga't hindi sya nahahanap, nasa may Cebu daw bumagsak ang eroplano." sabi ni papa naman saakin. Teka CEBU????

"Cebu?????? Anong ginagawa nya sa Cebu???" gulat na gulat kong tanong sakanila. 

"hindi ko rin alam nak eh. Hindi manlang sya tumawag na uuwi na sya." umiiyak padin si mama. Nagulat kaming lahat ng biglang dumating si Leslie. Ayaw sana sabihin muna sakanya dahil sobrang close sila ni Kuya at baka magwala ang Gaga kong kakambal.

"Anong nangyayari bakit kayo nagiiyakan dito?" nagtatakang tanong ni Leslie sa amin.

"ah, naiiyak lang sila kasi ano,, ikakasal na ako diba, mama talaga eh nandito pa naman si Leslie oh, panigurado tatanda Tong dalaga" pangaasar ko pa kay Leslie para dun mabaling ang atensyon nya.

"ayoko lang mawalay sa aking anak ano ba kayo. Hehehe." sabi naman ni mama atsaka sya tumawa.

"mama talaga, nandito naman ako oh, tsaka FYI sis , hindi ako tatandang dalaga dahil may boyfriend na ako hehe" pagbungisngis nya naman.

Pumasok si Leslie sa kwarto namin at naiwan kami nila papa sa sala. Niyakap ako ni papa at sinamahan si mama pa akyat sa kwarto nila.

"salamat anak." sabi naman ni papa habang pa akyat sila. 

............

Makalipas ang dalawang araw.

"Hello? This is Philippine Airlines ito po ba ang Pamilya ni Lester Villa Vega? Nakita na po sya and nadala na po namin sya dito sa Manila, please do come at St. Celestine Hospital para ma pagusapan ang lagay nya." sabi nung babae at ibinaba nya agad ang telepono kahit hindi pa ako nakakapagsalita. Dahan dahan akong umakyat sa kwarto nila mama para sabihin ang magandang balita.

"ma pupunta akong St. Celestine, nahanap na ang katawan ni kuya buhay sya." sabi ko kay mama para kumalma manlang sya dahil hanggang ngayon umiiyak parin sya.

"sasama kami anak." sagot naman ni papa.

"pero paano si Leslie? Pag nalaman nya yung nangyari kay Kuya Lester?" sabi ko naman kay papa.

"anong nangyari kay kuya Lester? May hindi ba kayo sinasabi saakin?" sabi ni Leslie.

Nagulat kaming lahat sa pagpasok nya sa kwarto nila mama. Kinukwento ni papa ang nangyari kay kuya habang ako pinapatahan parin si mama.

"What? So ako lang hindi nakakaalam? Ikaw Sis alam mo? Ano ba yan? Nasaan na si Kuya ngayon? Puntahan na natin sya!" kita ko ang galit at lungkot sa mata nya. Alalang alala talaga sya kay Kuya Lester.

Bigla namang dumating si Vince at sasamahan nya daw kami sa ospital.

"Babe. Sasamahan ko na kayo, anong nangyari, Okay ka lang ba?" sabi nya sa akin habang nasa kotse kami.

Imbis na kumalma ako at gumaan yung pakiramdam ko kahit konti, eh lalo akong naiinis, nako ikaw wag mo akong kinakausap hinayupak ka baka maiuntog kita sa windshield.

"Okay lang, malamang nakasakay na nga tayo sa kotse mo eh, understood na na sasamahan mo kami." pagtataray ko sakanya.

"Babe naman eh, naiintindihan kita alam kong Bad trip ka sa mga nangyayari ngayon, nandito lang ako." sabi nya sa akin.

Exactly! Kaya ako badtrip kasi nanjan ka! Kaasar Tong lalaki na to! Pero syempre hindi ko sinasabi sakanya yang mga ganyang bagay mahirap na no baka magkahiwalayan pa.

"salamat Vincey" yun lang ang naisagot ko sakanya at natulog ako sa biyahe.

Maya maya ay dumating na kami sa ospital at agad na nahanap ang kinaroroonan ni Kuya Lester. Nakausap namin ang doctor at sinabi nya na malubha talaga ang lalagyan ni kuya, hanggang ngayon ay wala padin syang malay at Coma parin, nasa ICU sya ngayon at hindi kami pwedeng magtagal masyado sa loob.

"Medyo malubha talaga ang lagay ng anak ninyo misis, magpasalamat nalang din tayo at medyo stable na sya sa ngayon, kailangan muna niya ang ating panalangin, pasasaan pa at malalagpasan nyo rin ito." sabi ng doctor na nakausap namin.

"salamat Doc, mga magkano naman po kaya ang magagastos namin dito?" tanong ni Leslie sa doctor.

"hm, let's see, one hundred thousand sa stay nya dito, di na kayo kailangan mag alala dahil binayaran na ng PAL yung fifty thousand kaya kalahati nalang ang kailangan nyong mabayaran, tapos pagkagising nya may mga bibilhin pa kayong gamot para sakanya so baka aabot kayo ng tao hundred fifty thousand. Pwede nyo naman sya ilipat sa mas mura na ospital kaso delikado yun sa lagay nya ngayon." pagpapaliwanag ng doctor sa amin.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon