"Hello Maldives!!!" masigla kong sigaw paglabas ko ng airport.
Naglakad lakad ako sa bilihan ng mga pasalubong. Nakita ko yung Cute na bracelet na may araw sa gitna tapos may glitters yung loob ng araw.
Grabeng ganda nung bracelet na yun, at Sakto may ka Pair yung bracelet na yun.
"kung sinuswerte ka nga naman oh, Last Pair na to" akmang kukunin ko na yung bracelet ng biglang hawakan ng isang lalaki at agad kinuha at dinala sa Counter.
"how much is this?" tanong nung lalaki sa kahera.
"just 7 dollars, that is a charm bracelet, who ever wears that will be together for the rest of eternity" masayang sabi nung kahera sakanya.
"I'll take it" sabi nung lalaki.
Bigla akong lumapit sa kanya at tiningnan sya ng masama.
"I do believe that that bracelet belongs to me." pagtataray ko.
"excuse me?" sabi nung lalaki.
"eh ako nauna jan eh, kukunin ko na nga dapat eh!" sabi ko sakanya na para bang naiintindihan nya.
"well miss, may bagay kasi na hindi na dapat pinapakawalan, di ko naman kasalanan na mabagal ka, naunahan tuloy kita hmp" sabi nya sakin.
Woah! Filipino pala to kaya mayabang! Nakakainis!
Agad akong lumabas ng shop na yun at sumakay ng cab papuntang hotel para magpahinga.
From: Vincey
Hey babe, kamusta flight mo? Pahinga ka muna jan Okay?To: Vincey
Yes Vincey, okay lang ako dito, at ang ganda dito Super!From: Vincey
Talaga? Sige na magpahinga kana Okay? I love you so much Babe! Hehehe.To: Vincey
I love you too Vincey.Nahiga ako at nagpahinga muna.
Nagising ako at agad nagbihis ng pang swimming sa napakagandang beach ng Maldives.
Naglakad lakad ako sa beach habang nakatubog ang paa ko sa malamig na tubig ng dagat.
"Hon!" napalingon ako sa lugar kung saan ng gagaling yung pag tawag na yun. Nakita ko ang dalawang mag asawa na ang saya saya.
Agad kong binalik ang tingin ko sa malinaw na tubig ng dagat na sadyang nakakapag kalma ng pakiramdam ko.
Nagulat ako ng mapansin ko yung charm bracelet sa tabi ng kamay ko.
"oh, kanino to?" sabi ko sa sarili ko.
Siguro inanod lang to, ang malas naman ng nakawala nito at ang swerte ko dahil napulot ko.
Since nakita ko to kanina sa souvenir shop, this really had my heart at first sight.
Agad kong sinuot ang charm bracelet sa kamay ko. Ang ganda tingnan.
Binaling ko ang tingin ko ulit sa dagat at nagtampisaw magisa.
Mas masarap siguro kung hindi ako magisa.
Ano ka ba! Diba iniwan mo si Vince! Urgh. Kasi naman... Mahal ko si Vince.. Pero aaminin ko, hindi sya yung inisip ko na makakasama ko sa mga ganitong moment.
I don't even know kung mahal ko ba sya sa gusto nyang paraan, o mahal ko sya sa alam kong paraan, bilang kaibigan.. Lang..
Makalipas ang ilang minutong paglalaro ko magisa, naisipan ko na din bumalik sa hotel.
Pero maaga pa talaga eh. Ang boring dito sa hotel, wala pa akong makausap.
Lumabas ako at naggala gala sa mga malapit na shops dito sa hotel.
Ang ganda ganda dito sa Maldives, parang kahit saan ako tumingin ay puro kulay blue lang ang nakikita ko.
Ang peaceful sobra.
Parang gusto ko nalang tumira dito Forever!
Kumain ako sa isang seafood restaurant. Ang sarap ng mga seafood dito sobrang fresh.
Sobrang pricey din. Pero worth it naman sa sobrang sarap.
Habang kumakain, tahimik akong pinagmamasdan yung charm bracelet.
"Nasaan kaya yung kapartner nito? Sino kayang may hawak, tsaka bakit kaya tinapon to, sayang naman. Ako nga gustong gusto kong bilihin king hindi lang ako inunahan nung mayabang kong kababayan. Hays!!!
Nagising yung diwa ko ng...
Biglang tumawag saakin ang kakambal kong si Leslie.
"Sis!" sigaw niya saakin.
"oh, napatawag ka, anong meron?" nagaalangan kong sabi sakanya.
"may kailangan kang malaman about Vince!" sigaw nya ulit.
Ano naman kayang dapat kong malaman eh sa tagal namin ni Vince, hindi ko pa ba alam lahat tungkol sa kanya eh lahat ng nangyayari sa buhay nya kinukwento nya sa akin araw araw. Kahit nga paulit ulit lang ang scenario ng buhay nya sinasabi nya pa din, siguro nga ganun nya ako ka mahal kaya kahit maliliit na bagay sakanya ay pinapaalam nya sa akin.
