18

1.3K 16 0
                                    

Ito ang huling beses na makakasama at makikita ko pa si Russel kaya gusto ko sanang maging memorable ito para sa aming dalawa. Niyaya ko sya sa Movie Room ng bahay nila, gusto ko sama manood ng Romantic Movie ngayon, para kiligin kami, napag-usapan naming Suddenly It's Magic ni Erich Gonzales at Mario Maurer. Nakakakilig kasi ang palabas na yun. Para kasing kami ni Russel yun, nagmahalan sa sandaling panahon lamang, sa huli ay naghiwalay silang dalawa pero naghintay si Erich at bumalik si Mario, kung maghihintay ba si Russel, makakabalik pa ba ako sa piling nya? Pero di naman lahat ng love Story happy ending diba,, wala kaming happy ending ni Russel.. Walang wala..

Nakaakbay lang si Russel sa akin habang nanonood kami, nilalaro nya ang buhok ko.  Bigla akong naiiyak dahil sa palabas, pinunasan ni Russel ang luhang nagbabadyang bumagsak, pero walang nagawa yun dahil tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. 

Sa totoo lang hindi ako umiiyak dahil naghiwalay sila sa palabas, naiiyak ako dahil nakikita ko ang sitwasyon ko na kailangan iwan ang lalaki para sa kapakanan nito. Kung wala lang akong pamilya na malalagay sa panganib pag pinili kita, Russel, ikaw ang pipiliin ko.. Pero wala akong choice, I'm sorry..

Pagkatapos namin manood ni Russel ng Movie lumabas kami ng Movie Room at nag paligo kami ng mga aso nya, apat kasi ang aso nya, dalawang toy poodle isang pomeranian at isang pug. Puro lang kami tawanan ni Russel habang pinapaliguan ang mga aso, nakakatuwa lang na kalalaki nyang tao, sandamakmak na aso ang alaga nya Hahaha.

Nagulat ako ng biglang itapat saakin ni Russel ang hose, nakakainis nabasa tuloy ako.

"Ano ba Russel, ikaw ha basaan ang gusto mo ha" at binuhusan ko sya ng malamig na tubig.

Tumakbo ako paikot sa garahe nila, hinamon nya ako dala dala parin ang hose. Di ko alintana ang lamig dahil masaya ako.

"kala mo uurong ako? Halika ditooo" sigaw ni Russel at tumakbo palapit saakin, naka back hug sya sa akin at itinapat ang hose sa aming mga ulo.

"Nakakamiss sa Maldives no?" sabi ko sakanya.

"pagkatapos ng kasal natin babalik tayo sa Maldives para magpakasal, Lex." sabi nya naman.

Napangiti ako ng mapait sa sinabi nya.. Gusto kong maikasal sakanya. Sya ang mahal ko. Lahat ng pagmamahal kay Vince ay nawala dahil kay Russel.

Pagkatapos ay nagbanlaw na kami, syempre hindi sabay, sana nga sabay nalang kami kaso masyadong maginoo si Russel, oo na ako na maharot na babae ng taon!

Pumunta kami sa mall at nag arcade gaming, naglaro kami ng basketball, pinball, at syempre claw machine!

"Russel, kunin natin to! Ito oh gusto ko Tong Tiger!" pagpilit ko sakanya.

"ayoko nga, Kiss mo muna ako" sabay pout nya saakin.  Aba iba naman to si koya talagang Kiss ang nais.

"bakit naman kita iki Kiss, ayoko nga" umirap ako at lumakad para mag ikot ikot sa arcade. Nang makabalik ako sa kinatatayuan namin ni Russel sa claw machine ay nandun parin sya at desididong desididong makuha yung Tiger. Nagulat ako ng bigla syang magtatalon at mag sisigaw.

"Yes!! Yes! Nakuha ni ko yung Tiger! Yes yes yes!! Ikikiss ako ni Lexciana nito!!!" pagsisigaw nya, nagtinginan tuloy lahat ng tao sakanya.

Napayakap ako sa tuwa sakanya at nagsigawan lahat ng tao marahil ay kinikilig silang lahat, nagsisigawan sila na halikan ko na daw si Russel. Namumula tuloy ako, parang gusto ko nang lumubog sa ilalim ng lupa.

"KISS KISS KISS! Uy ate I Kiss mo na si Kuya kawawa naman sya oh tsaka ang pogi nya pa, kung ayaw mo kami nalang!!!" sigaw ng mga tao sa paligid.

Napairap ako at napatingin kay Russel, hinalikan ko sya sa pisngi pero yung mga tao dito ay parang nanonood ng isang nakakakilig na palabas at mga nakatitig parin, yung iba nagdedemand pa ng Kiss sa lips, nakapout parin si Russel, gosh,, ang Cute nya sobra. 

Hinalikan ko sya pero very very light lang, smack lang. Mahirap na baka mawili ako masyado at hubaran ko sya Right here, right now. 

Pagkatapos umalis ng mga taong nanonood ay umalis narin kami at pumunta sa isang bowling alley, syempre para maiba naman ang gagawin namin no. Kakaibang experience samin to dahil first time namin parehas mag bowling. Tumagal din kami ng ilang Games ay nagdesisyon na kaming magpahinga, umupo kami at umorder ng drinks, syempre wala masyadong tama ang iniinom namin. Mahirap na baka magkalasingan at magkachurbahan nanaman.

Ang saya ko ngayong araw, pakiramdam ko ito ang huling araw na buhay ako, dahil pagsuko ko ng sarili ko kay Vince bukas, siguradong daig pa ako ng namatay. Pero hindi ko na masyadong iniisip yun, masaya ako ngayon, masaya si Russel, yun naman ang mahalaga diba? Yung parehas kaming masaya sa mga ganitong oras.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon