AN/ Unang una hindi ko po isinulat ang story na ito para muling iparanas ang sakit sa mga taong naranasan na ang kung anong sitwasyon ng aking bida sa kwentong ito. This story is an awareness sa anumang pwedeng mangyari. Again, please don't expect too much angels. I am new to this genre pero paninindigan ko ito hanggang sa huli katulad mga nauna kong mga stories. Thank you so much!
Chapter 1
Tuwang tuwa si Mama habang ipinapake na niya ang aking mga gamit sa aking maleta. Maging buong pamilya ko ay nagdiwang nang ipakita ko sa kanila ang matataas kong marka.
Ngayon ang huling araw ng aking bakasyon dito sa aming probinsya, lilipad na akong muli pabalik sa Manila at may mahaba pa ang akong biyahe para makarating sa kilalang unibersidad na akala ko noon ay tanging sa telebisyon ko lamang makikita.
Buong akala ko pa naman ay isa sa matataas na unibersidad mula sa Manila ang kukuha sa akin bilang iskolar pero mukhang mali ang inakala ko.
Pero hindi ko pinagsisihan na mapabilang sa eskwelahan na tumawag sa akin dahil maganda ang kalidad ng edukasyon dito. Nalaman ko rin na mataas ang prayoridad ng paaralan nito sa mga iskolar kaya isa ako sa napabilang dito.
"Behati, anak alam kong ikaw ang mag aahon sa atin sa hirap. Huwag na huwag mong sasayangin ang talino mo anak dahil 'yan lamang ang maipapamana namin sa'yo ng tatay mo." Napangiti na lang ako nang bitawan ni nanay ang inaayos niyang gamit ko at tinulungan niya akong pusudin ang magulo kong buhok.
Nanunuod lang sa amin si Tatay, ang dalawa kong kuya, ang dalawa kong kapatid na babae na mas bata sa akin at ang bunso kong kapatid na lalaki. Mahirap lamang ang pamilya namin at tanging ako na lamang ang pinalad makaabot sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Malaki ang pasasalamat ko sa kakaibang talinong mayroon ako na higit na angat sa isang normal na estudyante.
Sa mundong ito, hindi ako naniniwala na kapag matalino ka madali na sa'yong abutin ang mga oportunidad sa buhay. It is always no, bakit? Dahil kailangan mong masusuportahan ang katalinuhan mo ng pera, kahit balikbaliktarin ang mundo laging may kaakibat na pera ang bawat kilos ng tao. At tanging mga inutil lamang ang hindi maniniwala dito.
How can finish your subject requirements without using any cents for paper? How can you go to school without your travel fare? What about your foods? The urgent projects? Unexpected activities? Papaano mo mapaninindigan ang katalinuhan mo kung wala kang perang susuporta sa'yo? It was always the money.
Ilang sponsor man ang applyan ko, sasapat ba ito sa pang araw araw kong gastusin? Well that's life. Hindi talaga perpekto ang mga tao, I was given a powerful brain but I lacked in resources.
Dahil hindi kayang abutin ng financial assistance ko ang gusto kong kurso ay napilitan na lamang akong kuhanin ang kursong kahit kailan ay hindi ko pinangarap. Sa halip na BS Aeronautical Engineering ay BS Accountancy ang kinuha ko. How I hate accounts pero wala akong magagawa. I still need to excel and make my family proud.
"Siguro ay sa susunod na limang buwan na ulit ang balik ko. Huwag na kayong magpakapagod ni tatay, sigurado akong maluwag na ang schedule ko ngayong sem. I can find a part time job, huwag na kayong magpadala na pera sa akin. I am fine." Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Napakaswerte ko talaga sa anak kong ito." Tuwang tuwa na sabi ni tatay habang gigil akong niyayapos.
"Behati, huwag ka munang magboboyfriend. Magagalit kami sa'yo.." sabi ni kuya. Mabilis tumango ang mga kapatid ko bilang pagsang ayon sa sinabi nito.
"How can I find a boyfriend? Busy na ako masyado. Come here everyone, give me a hug. Aalis na ako." Hindi naman ako naghintay ng ilang segundo dahil nakatanggap ako ng mahigpit na yakap sa kanila.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.