Chapter 54
Today is our second day of vacation. Pedro and I decided to go on fishing.
Wala na sa edad namin ni Pedro ang mahihilig sa mall, manunuod ng sine at magkahawak kamay na maglalakad sa daan.
Not even the famous scene where the guy will go all the way to get a certain stuff toy inside a toy booth and the woman will go and cheer for him.
Having these thoughts is just giving me damn goosebumps. I can't even imagine myself doing those shits. Siguro nga ay matatanda na kami sa mga ganitong bagay.
"What are you thinking, Lieutenant?"
"Some cheesy stuffs," I lazily answered him.
Abala na ito sa paghahanda ng aming fishing rod na gagamitin. Nakaupo lamang ako habang kumakain ng mansanas.
"Like?"
"We're doing normal things,"
"What do mean normal?"
"Date in malls, holding hands while walking and so on." Muli akong kumagat sa mansanas.
"You like that? We can do it tomorrow."
"Do I like that, Peter?" ibinalik ko sa kanya ang tanong ko.
"Ofcourse no, ikaw pa. You liked something extreme." Nagpatuloy siya sa pag-aayos.
"You're eating apple, hindi na masakit ang labi mo?" We just kissed too much yesterday.
"Hindi na,"
"Should I make it swollen again?" he asked me with his signature grin in his face.
"Mamaya," tipid na sagot ko.
Muntik na niyang mabitawan ang fishing rod na hawak niya.
"Minsan nagugulat ako sa isinasagot mo sa akin, Behati."
"Nagugulat naman ako sa mga ginagawa mo,"
"So we're even," ngising sagot niya sa akin.
Nang matapos siya sa pag-aayos ay lumapit na ito sa akin at tumabi. Ibinigay niya sa akin ang fishing rod at sabay namin itong inihagis sa tubig.
Ayokong buksan ang usapan tungkol sa muntik nang mangyari kagabi. I was too carried away, may kung anong hipnotismo sa ganda ng boses ni Pedro na may kasamang titig ng kanyang asul na mata na sinasayawan ng kislpa ng apoy.
"Hmm so what is your plan baby?"
"Plan?"
"Today, tomorrow?"
"Hindi ba at nangingisda tayo, are you bored?" lumingon ako rito. Umiling siya.
"I just didn't expect that we'll experience this, less pressure, no problems and just the two of us." Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Yes, masyado tayong nasanay sa trabaho. That's why these normal things became unusual." Tumango siya sa sinabi ko.
Nabalot kaming dalawa ng katahimikan pero ramdam kong nakatitig lang sa akin si Pedro.
Kung dati ay iniiwas niya ang tingin niya sa akin kapag lilingunin ko siya sa tuwing ramdam kong tumititig siya sa akin, ngayon ay wala na siyang pakialam kung mahuli ko siya.
"Ang ganda mo pala Behati, kapag bagong gising."
"Seriously Pedro," bahagya kong iginalaw ang fishing rod. Wala pa rin akong nahuhuli.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.