Chapter 57
"Tayo na Behati, umuulan na. Baka magkasakit pa tayo." Nanatili akong nakaluhod sa lupa habang pinapayungan ako ni Alys.
Kalilibing lamang ng aking buong pamilya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.
"Why Alys? Bakit tayo? Life isn't fair at all."
"Nothing is fair in this world, alam mo 'yan."
"How can I continue life without them? How can I be motivated without them? How can I claim my achievements without them? Who would congratulate me? Papaano pa magkakaroon ng silbi ang magiging tagumpay ko kung walang sasalubong sa akin?"
"Behati, tama na. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, nawalan rin ako."
"Life isn't life without family."
Nabitawan na ni Alys ang kanyang payong at dinaluhan niya ako. Kapwa kami nagyakapan sa aming sarili.
"May natitira ka pang pamilya, Behati. Nandito ako at hindi ako magsasawa na suportahan ka sa lahat ng magiging kagustuhan mo. Are you thinking about our graduation? I'll be there clapping for you! My greatest Magna Cumlaude!"
I pulled her hair. Natawa ako sa sinabi niya.
"It was not about that, you idiot Alys."
"Seryoso ako Behati, kahit tayo na lang dalawa. Hindi natin dapat iparamdam sa isa't-isa na may kulang sa atin. Our love for each other won't ever surpass by anyone, not even your future boyfriend!"
I laughed.
"Hindi pa 'yan pumapasok sa isip ko."
Time flies, I passed the CPA board exam. Have my first job and enjoyed my life for while. Pero sa bawat paggising ko sa umaga, parang may hinahanap ako, may bagay na dapat akong gawin.
"Ayoko talaga ng sundalo, hinding-hindi ako mag-aasawa ng sundalo! No way!" Lumingon ako kay Alys.
"Why? Being a soldier is honourable." Sagot ko.
Inilipat ni Alys ang channel dahil kwento ito ng isang sundalo.
"Death isn't honourable, pain that you'll leave to someone isn't honourable. That's my opinion." She grinned.
"Oh," tipid na sagot ko.
Umuwi ako ng tanghali galing sa opisina dahil masama ang pakiramdam ko, nang tumigil ang dyip ay may napansin akong grupo ng mga sundalo sa gilid ng daan.
They're on their training. Mga bagong pasok na may dalang malalaking bag at baril habang minamanduhan ng kanilang superior. May ilan rin akong babae na nakikita. Kahit kita sa hitsura nila ang pagod mas lamang pa rin ang kagustuhan nilang magpatuloy.
Biglang bumalik sa alaala ko ang mga sundalong halos wala nang tulog para tumulong sa amin noon nang panahon ng Yolanda.
Their dedication and hardship can give light and hope to those people who are losing their grip on the future.
Iniwas ko ang mga mata ko sa bintana ngunit tumigil ito sa may bintana sa aking harapan na siyang nagpapakita ng aking repleksyon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sarili kong nakasuot ng uniporme ng mga sundalo.
A small smile formed on my red lips.
Maybe I wasn't destined to be in white long sleeves, pencil cut skirt, high heels and make-up as an armour. But I woman with a gun and a face with the dust of the battlefield as a sign of a whole day's work.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.