Chapter 53

540K 24.9K 11.6K
                                    

Chapter 53


I agreed with Pedro. Hindi na namin itinuloy ang hiking, we just decided to have a camp if we're going to sleep.

Right now we have our all day road trip. And we just discovered that the pick-up truck that we're using was another creation made by our very own Engr. Wrights.

Pedro even called the engineer for the confirmation and gladly, he explained everything for our convenience.

We activated the artificial intelligence of the car. Halos sabay kaming napamura ni Pedro, if we're just informed earlier hindi na mapapagod si Pedro sa pagmamaneho.

Since we're used to AIs, it's easy for us to put it under control. Within few minutes, Pedro's biometrics and identification was finally recognized by the AI as its new master.

Pedro gave his first command and he chose a far place where we can easily set our tent. Pedro selected the best route with minimal numbers of car. After setting the artificial intelligence, we went out from car and decided to feel the travel outside.

Nasa likuran kami ng aming sasakyan habang kapwa kami nakatayo. Nakayakap lamang siya mula sa aking likuran habang sabay naming dinadama ang hangin.

"Paano kung may makakita sa atin ngayon, Peter?" I asked him.

Hinawakan ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin at mas humilig ako sa kanyang katawan.

"I don't care, this is just for three days. Huwag nilang sirain ang bakasyon ko. Mag-aAWOL ako at itatanan kita kapag sinira nila ang tatlong araw natin." Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Paano kung hindi ako sumama?" I tried to play with him.

Humigpit ang yakap niya sa akin at marahan niya akong sinilip.

"You told me that you love me more than airplanes. Sasama ka sa akin." Nagkunwari akong suminghap at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"I told you that, Pedro?" kumunot na ang noo niya sa reaksyon ko. Pinipilit kong hindi ngumisi para hindi niya ako mahalata.

"Behati," seryoso na ang titig niya sa akin.

"Y-You're just imagining things, I didn't—" hindi na ako pinatapos magsalita ng lalaking may bughaw na mga mata.

Mabilis nito akong iniharap sa kanya at tanging ang paglapat ng aming mga labi ang huling kong naramdaman.

His kiss starts with gentle movement but later on it turned wilder and dominative, he pinned me against the moving car while deepening his kiss. Nang sandaling sasagot ko na ako ay pilit ko siyang itinulak nang sinadya niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko.

"Pedro!"

Hindi siya nagpatinag, nakayakap pa rin ang mga braso niya sa aking katawan.

"Sinong mas mahal mo, Behati?" inangat niya ang mukha ko para maglapat ang mga noo namin sa isa't-isa.

Diretsong nakatitig ang kanyang asul na mga mata sa akin. He looked so serious, I just realized that Pedro's temper for this matter is quite short.

Hindi ako makasagot, hanggang ngayon ay ramdam ko ang pag-iinit ng labi ko. He never kissed me like that, parang napikon na ito sa pang-aasar ko sa kanya.

"Y-You kissed me too much.." nangangatal na sagot ko.

"I did?" sa pagkakataong ito ay siya naman ngayon ang naglalaro sa akin. His thumb caresses my swollen lower lip.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon