Chapter 18
War and cruelty, I considered these two as the worst words ever created. These are words that can make people suffer, shatter a family, and could tear millions of hearts.
There is always a war between nations, different beliefs and the never ending war for the position. Ang bagay na kailanman ay hindi na nawawala sa mga tao. Hanggang sa mabulag sila sa kapangyarihan at hindi na magawang tingnan ang mga taong nasa ibaba na siyang naapektuhan nito.
At ito ang pilit na isinasampal ng sitwasyon ngayon. A war against leaders, kung sino ang gustong umangat, ang gustong mamuno at mananatiling nasa tuktok.
If leaders nowadays will continue to this kind of perspective, solving conflicts through wars I wonder if this world will soon be surrounded by smoke and fires, instead of rainbows and sunshines.
A shattered nation will always start with a foolish leader.
What can be the future of this country?
Terorista na naghahangad ng bansang pamumunuan at presidenteng na walang matatag na paninindigan. Kung sa umpisa pa lamang ay itinatak na ng presidente sa nasyon ang kanyang personalidad na hindi kailanman matitinag, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga teroristang itong manghimasok sa sarili nilang bansa.
I am not against the democratic way for electing a leader, pero kung iisipin hindi basehan ang dami ng mga taong may gusto sa 'yo para masabing naaangkop ka sa posisyon. Dahil sa pagdating ng ganitong klase ng kalamidad at giyera kahit kailan hindi mo magagamit ang mga taong pumili sa 'yo para samahan ka na ilaban ang bansang winawasak na ng mga kalaban. Dahil sa huli ikaw pa ang sisihin sa lahat.
Being a leader, you should not ask your people to fight for you, instead, you should be in the front, fighting for them.
Dito nagkulang ang presidente ng bansang ito, masyado siyang umasa sa militar at hindi siya lumaban kasama ng mga ito. Instead, he hide out of fear, asking for protection. Hindi niya nalalaman na ito ang nagpapataas ng kompeyansa ng mga kalaban.
Kaya sinisiguro ko na sa tuwing lilipad akong may kasama, sinisikap kong manatili sa unahan. Not to emphasize my power, but to act as a leader who knows her responsibility.
Wala akong tigil sa pagbusina sa pamilya para mas mapabilis ang kilos nila habang matalim na ang titig ko sa side mirror ng sasakyan.
Two to three cars of the terrorists were approaching us!
Mabilis kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. I need a quick analysis with my surrounding, dahil sa sandaling paharurutin ko nang muli ang sasakyang ito alam ko na kung saan ako dapat magtungo.
Hindi na nag aksaya pa ng oras ang pamilyang tinulungan ko. Agad inalalayan ng padre de pamilya ang kanyang mga anak at asawa para mabilis ang mga itong makasakay.
We can't waste a minute in this kind of situation. Buhay ang kapalit ng isang nasayang na minuto, buhay ang kapalit ng isang maling kilos at lalong buhay ang kapalit kung tuluyan ka nang magpapalamon sa takot.
No bullets, bombs, not even a highly advanced aircraft or any armored man could ever shake my knees out of fear. There is no time to get scared or think of the word surrender in this situation.
Panay ang sunud-sunod na pag busina ko, napansin ko na may tama pala sa kanyang balikat ang ama ng pamilya.
"Hurry!" malakas na sigaw ko.
Sorry, but I can't be gentle in this situation.
Muli akong sumulyap sa side mirror at nakikita kong mas papalapit na ang mga kalaban sa amin. Halos kabila't kanan ay mayroong usok, apoy at gumuguhong mga gusali, putok ng kanyon at palitan ng putok ng mga baril.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.