Chapter 55
I am not a survivor if I am not a fighter. Name a certain disaster and I'll tell you how I survived.
"This is Lieutenant Behati Azalea Monzanto! Reporting for duty sir!" I announced with salute.
Nauna akong dumating kay Pedro, Graham Bell at Jensen. Pinatawag na kami ni Chairman, Flight admiral, Engr. Wrights at Commander Mitts.
Everything is all settled.
We're inside a glass meeting room on the second floor, where all we can see are busy UASA officers connecting each system to every possible surviving country all over the world.
Pilit silang umaalalay at gumagabay sa bawat ahensiyang konektado sa aming larangan na siyang higit na kailangan sa oras na ito.
Running officers here and there from different country divisions, halos nagkakabanggaan na ang ilan sa kanila dahil sa matinding pagmamadali. At isa lang ang nakikita ko sa mga oras na ito.
Kakulangan, bilang lamang kami na maaaring tumulong.
Even Pedro, Jensen and Graham Bell can't even utter a single word while watching the whole UASA control room.
We're blind about the situation or they just did this on purpose to let us focus with our one and only mission. Kahit si Pedro ay nagulat bago kami tuluyang pumasok sa UASA kagabi, hindi namin akalain na ganito na ang sitwasyon ng ibang parte ng mundo.
The pressure of human extinction fueled and fired up those people possessing the eyes of reality.
Ang ahensiyang aking pinaglilingkurang siyang tanging may mga mata sa mundong unti-unti nang nawawasak.
Hindi pa nagsisimula ang meeting, we're still waiting for the intelligence team. Nasabing hindi lang pala si Engr. Wright ang humawak ng ilang eroplano dahil tumulong rin ang grupo ni Professor Wilson.
It's not just the UASA control room, but also the scattered hologram from different sides of the planet. Mga lugar kung saan kasalukuyang hinahagupit na iba't-ibang klase kalamidad.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang bawat bansang naghihirap sa mga oras na ito.
May parte sa kalooban ko na pinagsisihan ang tatlong araw na pagtawa at pagsasaya habang may mga taong walang tigil na lumuluha at nangangailangan ng tulong.
If I could just run there and do something, if I could just fly and multiply myself to help each daughter, son to reach their parent's hands. If I could just help them all. Isang bagay na alam kong imposible.
Kumuyom ang aking mga kamay habang nakatitig ako sa isang partikular na lugar kung saan hinahagupit ng matinding bagyo. The wild moving water, the destruction of houses, the ruined trees, the wrecked cars and people hopelessly waving their hands to each choppers.
Siguro kahit anong tapang ko, mga mahihirap na karanasang nalampasan hindi pa rin mawawala sa isip at puso ko na minsan akong natalo, minsan akong walang nagawa, minsan akong hindi nakatulong at ang masakit, ito ang buong pamilya ko. Isang matinding dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Sa sulok ng aking mga mata ay alam kong nakatitig sa akin ang lalaking aking minamahal. Gusto kong yakapin niya ako at pagaanin ang loob ko sa mga oras na ito.
Pero pinanatili namin ang distansya sa isa't-isa. I knew that he's also fighting the urge to hug me. Nang pansin ko na humakbang na siya patungo sa akin, agad kong nakita si Jensen at Graham Bell na humawak sa balikat ni Pedro.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.