Chapter 8

918K 36.6K 19.5K
                                    


Chapter 8


Everyone is located to their designated tasks. From our volunteer team to the research intelligence team.

Masasabi kong tanging kami lamang mga piloto ang magaan ang gawain sa mga oras na ito. We can do whatever we wanted.

May dalawa pa kaming mga kasamahang piloto na pinili na lamang magpahinga sa isa sa mga tent. Gusto ko man magpahinga, hindi ko magawa. Dahil laging nakabuntot sa akin si Commander Armstrong.

Ang isa lang sa ipinagtataka ko bakit sa halip na si Commander Jensen ang kasama ko si Commander Armstrong ang nandito? He is a space commander, not the flight Commander. He should focus himself to any space related trip, not this one.

And another one, I don't really like his words on me. It's damn irritating.

Masyadong abala ang lahat para maipaabot ang tulong nila sa mga tao sa Myanmar.

I can't help but to bitterly smile, it's hard to accept that the unity in this world can only be seen in calamities.

Hindi ba maaaring magtulungan ang bawat bansa nang hindi humahagupit ang kalamidad? The world is full of jealousy and competition, nilalamon na ang mundo sa ganitong sistema. At nakakatakot ang resulta nito, nakakatakot.

Maging sa pagtulong na ito ay nagkakaroon din ng kani kanilang competisyon. Halos mangati ang mga kamao kong hindi lumipad sa mukha ng isang sikat na artista na dumating dito kasama ang ilang media para iparating sa buong mundo na busilak ang puso niya at handa siyang lumipad mula sa malayong bansa para tumulong.

Kinamumuhian ko ang mga taong opportunista, at kung nagsisimula nang maghiganti ang kalikasan sa mundong nagsisimula nang balutin ng mga tanga, gustong gusto kong sila ang unang malunod sa kanilang kahangalan.

You can always help, but you don't need to slap the face of the million people on how great you are.

With my left arms across my stomach with my right elbow leaning on it, my fist is damn burning together with my eyes darting on her.

"Hypocrite," matigas na sa sabi ko.

"Want to punch her? I'll clap for you Lieutenant." Nagulat ako sa sinabi ni Commander Armstrong.

Hindi ba dapat ay pigilan niya ako?

"I think I still have my patience." Pero kaunting kaunti na lang. Lalo pang nag init ang ulo ko nang hindi magawang sundin ng nagmamagaling na artista ang gusto ng mga batang sumabay sa kanilang munting sayawan.

Halos mandiri pa ito at nakailang irap nang nag abot ang mga bata nang hindi kalinisang pamaypay na siyang gagamitin sa pagsasayaw.

Nakita ko pa ang senyasan nila ng cameraman, having this signal like 'Don't include that'

Narinig ko ang pagsipol ni Commander Armstrong. Hindi nagtagal ay lumapit na dito ang Commander ng Airbase na ito at nakipagkamayan dito. Kumislap ang flash ng mga camera.

"How can someone think about her popularity in this kind of situation? People nowadays."

"People nowadays are dumb." Natapos ang pag uusap ng artista at ng Commander.

Nagawa pa nitong ituro ang mga dinala nilang mga pagkain. Gusto kong pumalakpak nang ilang beses. Saang movie ko ba siya napanuod? I regretted watching that movie.

Hindi na muli itong bumalik sa pakikipag usap sa mga bata, lalayo na sana ito nang hawakan ng isang bata ang kanyang damit. Nagpanting na ang tenga ko nang makita kong iritado niyang hinigit ang damit niya sa bata.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon