Chapter 49
Hindi na ako nasanay kay Pedro. Bakit nga ba ako magugulat sa mga sinasabi niya?
Hindi ko nalaman na naging girlfriend niya na pala ako sa gitna ng labanan, ngayon ay nakakabiglang fiancé na pala ako. Ano pa ang susunod?
The announcement will be tomorrow. According to Commander Mitts, the board needs time to decide, they need to read the important details, the possible outcomes and the procedure of every alternatives.
Dahil ngayong araw ay meeting lamang, nabigyan ng pagkakataong magpahinga ang lahat ng mga taga UASA o tama ba na posibleng binibigyan lamang ang mga ito ng sapat na lakas?
Magkakasama kami ngayon ni Commander Mitts, Engr. Wright, Graham Bell, Jensen at ni Pedro sa isang chez sa loob ng base.
We need a proper meal.
Sabay kaming napamura ni Commander Mitts nang makita si Shiela sa loob at kumakain na rin ito kasama ang kapwa niya mga proposer na siyang dapat matagal nang nilindol, binigyan ng tsunami o kung anumang kalamidad.
Katulad namin ay matindi rin ang galit nila sa grupo namin.
Maybe because we got Engr. Wright? Mawawalan na sila ng saysay. There are a lots of great researchers inside the UASA, hindi lang grupo ni Wilson.
Dahil minamalas kami ang pinakamalapit na lamesa ay sa grupo nila, wala kaming pinagpilian.
Hindi ako makalma ni Pedro dahil magiging alas lamang ito ni Wilson at baka isumbong kami sa nakatataas. Sa halip ay si Commander Mitts ang tumabi sa akin.
"Maybe we need to find a better a place?" nag-aalalang sumulyap sa akin si Pedro.
May mga tao talagang makikita mo lang ang mukha, kumukuyom na agad ang kamao mo.
But I know this is normal, siguro ay galit lang talaga ako sa mga taong nagmamarunong katulad niya. O tamang sabihin na galit ako sa taong nakikita ko na ang itim na budhi, nagmamalinis pa rin.
Inabutan ako ni Pedro ng tubig na mabilis kong ininom, pinili nilang talikuran ko si Shiela. Lalo na't may bread knife na nakahanda sa lamesa.
Hindi ko nga nabasag ang mukha niya kanina, lumipad naman ang bread knife sa leeg niya. Damn it, Shiela Wilson can turn me into evil.
"Baby.." bulong na tawag sa akin ni Pedro sa aking unahan. Ilang beses itong umiling sa akin.
Nag-order na kami ng pagkain pero lalong umiinit ang ulo ko sa tuwing nagtatawanan sila.
"You'll get the project, you're greater."
Walang nagsasalita sa amin at nagpatuloy kami sa pagkain. Nakailang basong tubig yata ako habang ikinukwento ni Shiela ang lahat ng accomplishment niya.
Mayabang.
Naunang natapos ang grupo ni Shiela sa pagkain, buong akala ko ay tahimik ang mga itong aalis pero hindi, dahil malakas ang loob nitong tumigil sa aming lamesa.
"Once that my proposal got the approval, there's no way that I'll let you—" hindi ko siya pinatapos.
"Then go, fly your own plane, your satellites and all of your masterpieces. Mag-isa ka sa Mars, sambahin mo ang sarili mo." Agad nagusot ang mukha niya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"W-What?! You rat Filipina!"
"A rat can slaughter a face, wanna bet?" hinayaan kong maglaro sa mga daliri ko ang bread knife na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.