Chapter 30
Maaga pa lamang ay nakaligo na si Pedro. He also prepared a red wine on our side table.
Siya lamang ang hinayaan kong mag-isa sa kama habang nakailang sulyap na ito sa akin na parang hinihintay niya na kung ano pa ang sunod kong gagawin.
Kanina niya pa ring hawak ang remote at pinalilipat-lipat ang channel, nagtataka na nga ako kung nanunuod pa ba ito o hindi. Habang ang isa niya namang kamay ay may hawak na baso ng wine. Inalok niya naman ako pero tinanggihan ko.
The silly commander is just wearing his boxers while sitting on our bed with his bored look.
I knew him too well, he's imagining things again. Masyadong malawak ang imagination ni Pedro, nakakapagtaka na naging piloto at astronaut siya.
Mas pinili ko munang maupo sa couch. I used my phone to entertain myself. Everything is fine, safe and sound. Well, except him.
Hindi na yata siya mapakali.
"Behati, hindi ka pa ba maliligo?" nakailang beses na niya itong itinanong sa akin.
I am damn annoyed. Yes, nasa plano ko ang maligo ngayong gabi. Pero hindi na niya kailangang i-monitor.
"Pang-ilan na 'yan, Pedro?"
"So we can sleep? Papatayin ko na ang ilaw. I can't sleep with lights, baby. We need to rest."
Pinagmasdan ko muna siya nang ilang segundo para malaman kung totoo ba ang sinasabi niya. Nakipagtitigan ang asul niyang mata sa akin at hindi ito magpatalo.
Until I let out a deep sigh.
"Alright, you won Commander Armstrong."
"Good, I'm quite sleepy. I'll wait for you." I rolled my eyes.
Hindi ko na pinatagal ang panliligo ko, siguro ay walang kalahating oras ay tapos na ako.
I prepared a soft jogging pants and a white coton sando. Dahil katabi ko si Pedro ngayong gabi wala akong pinagpilian kundi magsuot ng bra sa pagtulog.
Commander Armstrong's blue eye has a night vision. Lalo na at ngayong may alak sa sistema niya. I can't underestimate an astronaut with blue eyes.
Pinupunasan ko ang basa kong buhok nang lumabas ako. Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya agad nakita, where is he?
Lumabas?
I was about to call his name when he called me first. Nakaupo pala ito sa ibaba ng kama, salubong ang kilay nitong nakatitig sa akin at mukhang dismayado sa hitsura ko.
"Baby naman.." sinabi niya ito na parang nalugi siya.
"What? Are you imagining that I'll come out with nighties, Pedro?" ngumuso ito at pinagpatuloy ang pagsandal sa kama at tinalikuran ako.
Nagpatuloy siya sa paghahanap ng channel.
"Yeah, that there will be a spaghetti strap that will slide from your shoulder. Damn this imagination, hindi na tumama."
"Pity," sumampa na ako sa kama.
Basta na lamang inihagis ni Pedro sa isang parte ng kama ang remote at humarap ulit ito sa akin.
"Come here unromantic woman, I'll dry your hair." Nagkibit balikat lamang ako.
Inihagis ko sa kanya ang towel ko na agad niya namang nasambot. Inabot ko muna ang remote bago ako bumaba sa kama.
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.