Chapter 37

547K 25.8K 10.8K
                                    


Chapter 37

Tahimik kami ni Pedro buong biyahe at umaga na kami nakarating sa Tacloban. Sa isang apartment na malapit na lamang kami tumigil dahil hindi rin naman kami magtatagal.

Mabuti na lamang at kilala ako ng bagong kapitan na siyang may-ari ng apartment. Buong akala ko ay maghahanap pa kami ng tutuluyan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa iniisip na muling magpatayo ng bahay dito sa Tacloban dahil wala rin naman titira dito dahil mas matagal ang inilalagi ko sa ibang bansa.

Kasalukyan kaming kumakain ngayon at kanina pang sumusulyap sa akin si Pedro.

"Are we good Behati?"

"Yes," tipid na sagot ko.

I don't know what to say. Papaano nalaman ng UASA? This is serious, mainit na ang mata ng mga ito sa amin ni Pedro dahil sa nangyari sa Myanmar.

We're too careful, alam kong tama ang distansya ko kay Pedro nang bumalik kami sa UASA. But what happened?

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor na hawak ko.

Tulad ni Pedro ay hindi rin biro sa akin kung papaano ako nakapasok sa UASA, matagal ko na itong pangarap. Ang dami ko nang pinagdaanan para marating ang kinalalagyan ko ngayon.

Yes, during the Myanmar disaster ilang beses kong isinangla ang lisensiya ko, ang karapatan ko para mapabilang sa ahensiyang tinitingala ko. Pero ibang usapan ang bagay na ito.

I can't j-just—sumulyap ako kay Pedro dahilan kung bakit nagsalubong ang aming mga mata.

"You are not planning to break up with me, right baby?" pakiramdam ko ay gusto kong masamid sa tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot ko. Kumuha ako ng baso at uminom ako ng tubig.

"Behati, I am asking you." Seryosong tanong nito.

"Can we just finish our foods?" pag-iiba ko ng usapan.

"It was just yes or no, baby."

"Who do you think reported our relationship?" kumunot ang noo nito sa isinagot ko sa kanya.

He knows that I am purposely diverting the topic. Ayoko munang pag-usapan ang bagay na ito. Ayokong makipagtalo sa kanya.

"Jensen, may gusto rin sa'yo ang gagong 'yon. Sino pa?"

"Do you think Chloe will also—"

"She won't do that. She might be quite bitchy, but she knows how to respect. I talked to her and I told her that I am serious about you. She was happy for us." Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan.

Pedro and Chloe's words are contradicting with one another. Nagpahayag na ng hindi pagsang-ayon si Chloe sa harap namin ng Mama niya, ano naman ang sinabi niya kay Pedro?

Gracious woman.

"Oh, okay." Sagot ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain pero habang tumatagal ay lalong tumitindi ang paninitig ni Pedro sa akin. Kahit ako ay gusto ko na rin magsalita tungkol sa email na natanggap namin.

It is serious at nakasalalay dito ang parehong propesyon at pangarap namin sa loob ng napakaraming taon.

Ibinaba ko ang hawak ko kutsara at tinidor. Huminga muna ako ng malalim at sinalubong ang kanyang asul na mata.

"What if we could just—" halos hindi ko na matapos ang sasabihin ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa posible nitong sasabihin.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon