Chapter 26

631K 31.2K 14.7K
                                    


Chapter 26


Buong akala ko ay tanging sa mga eroplano lamang ako hahanga, sa mga eroplano lamang ako matutulala at sa mga eroplano lamang lubos na maapektuhan ang puso at buong pagkatao ko.

Ngayon ko napatunayan na nagkamali ko.

Ang makita ko ang napakaraming taong nakatitig sa akin, mga taong hindi lamang pisikal na sugatan maging sa kanilang puso at isipan, ang mapagmasdan ang kanilang repleksyon sa bawat apoy na nagliliyab mula sa kahoy na kanilang hawak kasabay ng ngiti sa kanilang mga labi at luha sa kanilang mga mata ay masasabi kong isa sa pinakamagandang tanawing aking nasaksihan sa aking buhay.

One of the best images in life is hope, light and new beginnings.

Isang pag-asang hindi ko nakamit noon, pag-asang pilit kong hinanap ng mga panahong ako ang hinagupit ng ganitong klase ng kalamidad.

Pag-asang ngayong aking ipinaglalabang dahil sa kakayahang aking tinataglay ngayon.

Nanay, tatay.. mga kapatid ko, sana ay pinapanuod nyo ako sa mga oras na ito. Tumulong ako sa kanila, ginagawa ko ang lahat ng aking kaalaman at kakayahan para ipaglaban ang karapatan ng buhay at pag-asa.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na ito, dapat ba ay magsalita ako? Salubungin sila? Ngumiti? Walang akong ideya kung ano ang sunod kong dapat ikilos. Dahil nasanay akong walang kahit sino ang sumasalubong sa bawat tagumpay ko.

Gusto kong yakapin ang sarili ko dahil sa panlalamig ng katawan ko, hanggang ngayon ay hindi bumababa ang nagtitindigan kong balahibo habang pinagmamasdan sila.

Mula sa napakaraming tao ay wala rin nagsasalita, lahat lamang sila ay nakatitig sa akin na may mga matang lulusaw sa puso ng kahit sinong tao.

I really hate crowds and attentions. Kahit kailan ay hindi ko hiniling ito, pero sa pagkakataong ito hindi sumalungat ang puso ko sa atensyong natatanggap ko.

"Behati.."

Bumalik ang atensyon ko sa lalaking may bughaw na mga mata. Ang lalaking bumuwag ng paniniwala ko at aking nakasanayan.

Ang kauna-unahang lalaking sumalubong sa aking tagumpay. Tumigil ito sa paglalakad at hinayaan niyang magkaroon kami ng kaunting distansya sa isa't isa.

"I knew that you'll never like to be hailed baby. Because for me.. you deserved more.."

Ibinagsak ni Pedro ang hawak niyang kahoy na siyang ipinagtaka ko. Pero nanatili itong nakatitig sa akin at hindi man lang minsang iniwanan ang aking mga mata.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko, hindi dahil sa sakit kundi sa tindi ng emosyong ipinararating sa akin ng bawat kilos ng mga taong nakapalibot sa akin.

Napansin kong isa-isa na rin binibitawan ng mga sundalo at mga piloto, sugatan man o hindi ang kanilang mga kahoy. Halos napahakbang ako paatras nang makitang dahan-dahang umaalis mula sa kumpulan ng mga tao ang mga ito para samahan si Pedro sa kanyang posisyon.

"Being hailed won't give you a justice, baby..."

Until I saw a straight line of those soldiers and pilot who did fight with me to win this battle.

The commander and his burning blue eyes darting on me, standing in the middle of soldiers shouted his toughest voice echoing the large crowd.

"PRESENT ARMS!"

Lahat ng sundalo at maging mga piloto ay taas noong sumaludo sa akin kasabay ng lalaking may asul na mga matang mariing nakatitig sa akin.

"You can't be hailed, you deserved a salute. A salute of respect Flight Lieutenant Monzanto."

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon