Chapter 16
Anong pangarap ang hindi kayang sirain ng bomba? Anong pangarap ang hindi kayang hadlangan ng putok ng mga baril? Anong pangarap ang mananalo sa kahit anong klase ng karahasan?
Anong klaseng kalikasan pa ang kayang humawak sa dumaraming bilang ng mga taong handang yakapin ang karahasan para sa kanilang pansariling kaligayahan?
Bumibigay na ito at kusa nang bumibitaw sa bulok na sistema ng tao.
Ito ang patuloy na tumatakbo sa aking isipan habang yumayanig ang lupa, lumalakas na ingay mula sa mga eroplanong nagliliparan, malakas na sirenang naghuhudyat ng kasalukuyang kalamidad at mga pagsabog ng bomba mula sa iba't ibang lugar.
Nanatili akong nakatitig sa mga mulat na mata ng babaeng binawian na ng buhay, isa na siyang halimbawa ng isang taong inagawan ng karahasan ng pangarap.
Napakadali ng buhay para sayangin lamang sa mga baluktot na paniniwala at mga gawain.
"Behati.."
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa aking pangalan sa halip ay itinaas ko ang aking kanang kamay na parang inaabot ang mga bituin na unti unting tinatakpan ng mga eroplanong nagliliparan.
Ang ganda ng kalikasan, ang liwanag ng mga bituin at ang inaasam na katahimikan sa gabi ay patuloy nang inaagaw ng mga tao. Hindi kalamidad, hindi kalikasan kundi tao, resulta lamang ang lahat ng gawi ng tao.
"Baby..we need to go.." nawala ang paningin ko sa kalangitan. Sa halip humarang ang mga bughaw na mga mata lalaking unti unting kinikilala ng mga tibok ng aking mga puso.
Staring his deep blue eyes, melting my heart little by little.
Nanatili akong nakahiga sa lupa habang nakadungaw siya akin sa kanyang mga kamay na nakasuporta sa aking magkabila.
Sa gitna ng yumayanig na lupa, ingay mula sa sirena ng kalamidad, mga eroplano at mga tao hindi ko maiwasang humanga sa lalaking nakatitig sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.
"I thought I was still looking at the stars, but I was wrong. It was your eyes, it's so beautiful..it's so beautiful Pedro.." natigilan siya sa sinabi ko.
Kahit ako ay hindi ko inaasahang masasabi ko ito sa gitna ng ganitong klase ng sitwasyon.
Mabilis niyang inagaw ang kamay ko at agad niya itong itinapat ang sa kanyang dibdib.
"Kumikirot..sumisikip baby ang dibdib ko baby.. What are you doing to me?" nangatal ang mga kamay ko nang dahan dahang bumaba ang mukha niya sa akin.
At natagpuan ko na lamang ang mga noo naming magkapatong habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"How can you be so beautiful and strong baby?"
"How can be so sweet in a calamity? Sasabog ang puso ko..sasabog ang puso baby.."
Sa unang pagkakataong nagtaka siyang lumapit nang ganito sa akin, hindi ko natagpuan ang sarili kong itinutulak siya.
Hindi lang puso mo Pedro..hindi lang sa'yo..
"Will..will you fight with me?"
Nang muling magbukas ang kanyang mga mata ay tuluyan nang natunaw ang puso ko nang ngumiti ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang mga labi.
"If you are born for survival, baby.. I am born to survive for you."
"We fight, I'll fight with you Lieutenant.."
BINABASA MO ANG
Taste of Sky (EL Girls Series #1)
Science FictionMost women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover is not mine. Credits to the rightful owner.