Suga.
Isang linggo nanaman ang lumipas at ginugol namin ito sa pag-Eensayo, sa kabutihang palad ay marami kaming natutunan ngunit wala pa rin si Basti.nabalanse na namin ang kakayanan naming makapagtago sa mga anino sa paligid namin sa tulong iyon ni Miss Rissa.
Madalas Ay umaalis silang tatlo nila miss Athena at naiiwan kaming anim sa mansion, sa dalawang linggo na wala ang isang Jhon Basti Navarro sa paligid ay tila wala na rin kaming kasamang Red Monterial.
Walang nagbabangayan na pinagtatawanan namin, walang nangungulit at walang maingay.Sa totoo Lang ay pabor sakin dahil sa katahimikan ngunit Hindi ko magawang maging masaya dahil alam kong lahat kami ay naapektuhan, tulad ni Red Ay tila hindi rin namin kasama si Kean isa pang taong napakalapit kay Basti, Hindi namin magawang magsaya dahil walang kasiguraduhang ligtas si Basti habang nasa kung saang lupalop siya ng Raven World.
Sa ngayon ay nasa garden sa likuran ng mansion kami at mula rito ay tanaw na tanaw namin ang kagubatang puno ng mga ala-ala, maganda at hindi. Ang kagubatan kung saan namin huling nasilayan ang mga ngiti ni Basti at ganon rin ang kay Red at sa aming natitira pa. Sa kagubatan ding iyon ay natagpuan namin ang ikawalong piraso ng Arken stone.
"Mukhang malalim ang iniisip ninyo, Nais kong ipahayag sa inyo na mag-ayos kayo at Maghanda, pagkatapos ninyo ay dumeretso kayo sa gate" Dumating si Miss Athena, tumango kaming anim at nagtungo na sa aming silid at nang naka ayos na kami ay nagtungo na kami sa gate at nadatnan na namin sila miss Athena at Rissa, umalis ng Mansion si Sir Raven Kahapon ng umaga at Hindi pa ito nakakabalik.
Binabalot kami ng katahimikan simula pa nang makasakay kami ng sasakyan at ng bagtasin namin ang daanan. Wala ni isa sa amin ang nagbabalak na basagin ang katahimikan. Matapos ang ilang minuto ng byahe ay naramdaman ko ang pag galaw ng mga kasama ko.
Nang tingnan ko sila ay mayroong nakaburdang mga ngiti sa mga labi nila. At nakatingin sa bintana ng sasakyan, nang tumingin ako ay hindi ko ring mapigilan ang pagkurba ng mga labi ko ng makita ko na unti-untin ng nagiging pamilyar ang tinatahak naming daan, ang daan patungo sa pinakamamahal naming eskwelahan."Everyone, ayusin na ninyo yang magugulo ninyong buhok at malapit na tayo, alam kong sabik na sabik na Kayo" tugon ni Miss Athena.
Nang huminto ang sasakyan ay agad kaming bumaba at nagtungo sa harapan ng Gate ay para Bang bago ito sa aming paningin ngunit ito ang pinamahal naming eskwelahan.
(A/N: So okeh nosebleed na ko, masyadong puro ang tagalog (✖﹏✖)
"it's seems like we're foreign yet we're here even before puberty hit us" Napatingin kami kay Ian, totoo ang sinabi niya, tila ba bago kami sa lugar na ito. Wala na ang kulay berde na pintura ng naglalakihang gate at napalitan na ng asul, pinapasok kami ng guard Ay tila ba nagulat ito ng makita kaming muli.
Nang pinapasok na kami ay muli kaming napako sa kinatatayuan namin ng makita namin ang napakalaking pagbabago ng eskwelahang minahal namin, Ang mga naglakihang gusali noon ay napalitan na ng mga gusaling luma na tila mahiwaga at para bang tirahan ng mga diyos. Tila ba bawat gusali ay naging tulad ng disenyo ng Olympus.
Naglakad lakad kami papunta sa quadrangle at tulad ng dati ay May bulong bulungan pa rin.
"OMG!! Sila Red!! KYAAHHH!! "
"WAAHH Vince ko!!! I miss chu"
"Their Back! KYAHHHHH!! "ang mga nakaririnding boses ng mga school mate naming babae. "It's good to be back!!" sigaw ni Vince, patuloy pa rin ang mga bulong bulungan ngunit mayroong isa na pumukaw ng interes namin.
"OMG! Kumpleto na silang pito!"
"Yahh oo nga! Bakit kaya nauna si Basti dito? Ang sabi ay dalawang linggo na siyang naririto!"
BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasyThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?