17: Journey to the lost city of Ingrii

26 4 13
                                    

Suga's POV

"Mga dre gising na daw" na alimpungatan ako sa pagyugyug na ginawa ni Vince.

"2 hours na agad?" sambit ni Kean at tinanguan lamang siya ng kapatid niya.

lumabas kami sa dock ng barko para tingnan ang tanawin, halos konti na lang ay nasa dalampasigan na kami ng isla, ito na ba yon? makikilala ko na ba ng lubusan ang sarili ko? ang mga magulang ko ?

namamawis na ang mga kamay ko, sobra ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko eh tutumba ko anumang oras.

"Hoy! kalma nga! mukha kang naubusan ng dugo aba! " biglang lumapit sakin si Red at sinabi yon. Ewan ko kung bakit pero kumalma ko don ah.

"Ano tara na!" ani ni Vince, siya ang nanguna sa paglalakad at siya na din ang may hawak ng mapa, nakasunod lang kaming lahat. dala dala namin yung bag na binigay ni miss Athena noong pumunta kami sa kakahuyan, hindi din namin kasi masasabi ang mangyayari dito.

napansin kong naglalagay sila ng mga marka sa mga punong nadaraanan namin para siguro makabalik kami ng hindi naliligaw.

"Baka makakuha tayo ng piraso ngayon. Feeling ko lang hehehe" ani ni Basti.

Nagkibit balikat ako, tama siya. May posibilidad na makakuha kami ng piraso ngayon.

Patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa makakita kami ng isang mataas na gate na mukhang abandunado na. Para bang gate para sa isang syudad. Marahil ay, ito yung papasok sa lugar na nakita ko sa panaginip ko.

"Naka-lock" ani ni Ian.

"Sus, gate lang yan. Edi akyatin kung naka-lock" ani ni Red.

Medyo may pagka-prangka na ewan tong lalaking toh.

Bumwelo ako at inilabas ang pakpak, narinig ko naman ang singhalan nila.

"Napaka daya! Lilipad ka tapos kami Mag e-exercise dito sa pag-akyat!" singhal ni Kean

Tumawa ako at lumipad na nga sa kabilang bahagi ng gate. Sa paglapag ko ay hinangin ang mga alikabok na naging dahilan ng ilang beses kong pagbahing.

"Bilisan niyo naman!" singhal ko sakanila.

"Tumahimik ka dyan! Porque dali dali mong nakapunta dyan! Ikaw kaya umakyat dito ha!" singhal pabalik ni Avhrie.

Tawa na lamang ang ibinalik ko sakanya. Inilibot ko ang paningin ko parang mga abandunadong mga gusali at kabahayan ang mayroon sa paligid.

Ngunit hindi lahat ng abandunado ay pangit sa paningin, para sa akin, napaka-ganda ng lugar na ito, nababalutan ng mga lumot at baging ang paligid at nagbibigay ng payapang aura ang mga kabahayan dahil sa kulay nitong naglalaro sa puti at asul na disenyo ng mga pakpak.

Kung ito nga ang lugar na kinalakihan ko, matutuwa ako ng lubos, dahil para akong niyayakap ng kapayapaan. Dumagdag pa ang katahimikan dahil nga parang wala nang taong nakatira rito.

Nahagip ng mata ko ang isang bagay na sadyang pamilyar sa akin. Iyong fountain na nakita ko sa panaginip ko, kung saan ako nakita ni Daddy or tatay, hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya.

Hinintay ko munang makababa silang lahat mula sa pagkaka-akyat at nang ayos na ang lahat ay agad akong nagtungo sa fountain na iyon. Ramdam kong sinundan nila ako kaya naman kampante ako.

Nang makalapit ako ay tila ba bumalik sa akin ang panaginip ko. Agad kong hinanap ang eskinitang dinaanan namin. At hindi nagtagal ay nahagip na ito ng mata ko, agad ko iyomg tinungo at tulad kanina ay sinundan lang nila ako ng walang imik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Raven  Academy For specialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon