WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS FOUL WORDS.
***
Suga's POV
Matapos in announce ang mga magiging kalahok ay dumiretso na kami sa, Hippodrome, Isang dome Kung saan gaganapin Ang laro, nasa likod ito ng Casino. Isa itong oval shaped dome, na mayroong embolon o wooden barrier na naghahati ng Racecourse. Kaming mga manonood ay nasa kanluran at silangang bahagi ng Hippodrome. Ang mga kalahok ay kinakailangan umikot simula Hilaga patimog, Kung sino Ang mauunang makakalagpas sa dulong bahagi ng embolon ay Ang siyang tatanghaling kampyon. At sana SI Avhrie yon dahil ikababaliw ko kung matatalo siya.
Hippodrome
"Shit Vince pano kung pumalpak si Avhrie. Pano kung mamatay Siya. Vince di ko kakayanin kung may mawawala sa atin. Tsaka paano kung hindi siya manalo!? Pano kung iba maka kuha ng Prize!? Edi hindi natin makukumpleto yung Arken Stone. Manganganib ang Raven. SHIT VINCE MABABALIW NA KO!!!!!!" mababaliw na nga ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Avhrie. Kaya niya bang labanan ang mga yon? Hay hindi ko alam.
"Shhhh Suga, ang ingay mo ah, ipag dasal mo na lang si Avhrie yun na lang ang magagawa natin. Tsaka kilala ko Yung iba sa mga makakalabas niya." ani ni Vince, pinapakalma lang niya ako,. habang busy sa pag kukwentuhan ang iba.
"Si Laxus Grim,isang shape shifter, mga hayop Ang mga anyo na nagagaya niya. Janus Rei Taglay niya ang kakayahang gumamit ng mga spells, Kung saan tayo hirap. Pero siguro mahihirapan siya dahil mas kailangan niya magfocus sa pagcontrol ng mga kabayo sa Chariot niya. Si Chris Mello, isang earth user tulad ni Kean, mataas Ang tyansa niyang manalo dahil lupa Ang Racecourse, makakaya niya iyong kontrolin,at wag Kang magpapaloko,tandaan mo babae siya. Margielo An, tulad mong isang ice user, pero mas bihasa na siya kumpara sayo. Sila Lang Ang kilala ko." Ani ni Vince sa akin.
Pano niya nakilala Ang mga Yan? "Bakit mo sila kilala?" Tanong ko, napangisi naman siya, "Dati namin silang tauhan." Ani nito at tumawa.
"Hoy mga unggoy, may kilala ba kayo sa mga Yan, para naman aware tayo kung anong pwedeng mangyari Kay Avhrie" Ani ko. "Gasu, ung Kitty Lyn Park at Zaira Lim kilala ko, Si Zaira ay isang manipulator, oo hindi niya kayang manipulahin Ang mga bagay na may buhay, tulad ng hayop at tao. Si Kitty naman ay kayang makagawa ng mga illusion, Kaya ka niyang maitrap sa illusion na gagawin niya, umaabot lang ng kalahating minuto ang mga ilusyon niya, kalahating minuto na ang pinaka tagal. " Sagot ni Red, parang naiisip ko na Kung bakit niya Alam.
"Bakit mo Alam Red ha!" Kantsaw ni Ian, "Well Alam niyo naman na pogi Ang kaibigan niyo, lapitin" sabi na eh. Hambog talaga. "Benson Jermaih at Gil Gias, isang telepath SI Benson, nakababasa siya ng iniisip ng tao at nakagagawa ng force field gamit Ang isip niya, nakapagpapagalaw din siya ng mga bagay. Gil naman ay nakakayang gamitin Ang lightning bilang element niya. Mga kababata ko sila" Ani ni Basti. Buti pa sila maraming kilala.
"Magandang tanghali sainyong lahat!!!! Magsisimula na ang larong hinihintay natin! Charioteer racing! Today's game would be Tethrippon racing!, Each player is now on their Chariots, ready to race! Now everyone! Let the Charioteer BEGIN!"
Lumabas na mula sa hilagang parte ng dome Ang mga kalahom at nagsimula na ding magsigawan ang mga tao na nanonood. Nasa huli ng linya Si Avhrie, suot-suot Ang isang blue polo na vintage style, at Dark blue na pants, at isang black cloak. Sana macontrol niya Ang apat na kabayo, iyon kasi ang ibig sabihin ng Tethrippon racing, apat na kabayo ang gagamitin mo sa iyong Chariot.
Tethrippon
"Mukha siyang kabado, Sana makaya niya. Sana." Ani Ian. Sana talaga. Tumunog na Ang horn, hudyat na nagsimula ang laro.
Bawat isa sa kalahok ay nagsimula ng patakbuhin ang mga Chariot nila, sa awa ng Diyos, nakasabay si Avhrie sa mga kalaban niya.
Nangunguna si Kitty, sumunod ay si Janus, sa kinalalagyan namin ay, tila ba may sinasabi ito, base sa pag galaw ng mga labi niya. Ang sumunod na nangyari Ang dahilan kung bakit kami napatayo mula sa mga kinauupuan namin, bigla na lamang, naglaho ang mga kabayo sa Chariot ni Kitty, dahilan upang mawala na agad siya sa listahan ng mga kalahok.
Nagpatuloy pa rin ang laban, at ilang hindi inaasahang pangyayari ang naganap, Ang sinasakyang chariot ni Gil ay bigla na lamang naglaho, at sigurado kami na Si Zaira Ang may gawa noon.
Tatlo sa mga kalahok ay bigla na lamang napunta sa nagyelo."WHAT THE HELL BAKA MATUNAW SILA! EDI KAMATAYAN NA YON. WADAPAK. BAKA MAGING PULA YUNG YELO GAWA NG DUGO NILA WADAPAK TALAGA" nag tantrums na si Basti. "Hindi sila matutunaw, mananatili lang silang ganyan, siguro ilang oras, pero hindi sila matutunaw, tama ba Gasu?" Peste talaga si Red Hindi ako titigilan. "Oo peste ka WAG MO KONG TAWAGING GASU ANO AKO GASUL!?" Singhal ko sakanya.
Nakipagsagutan pa siya sa akin, at Hindi na namalayan Ang nangyayari, napatigil na lang kami ng iannounce na dalawang kalahok na lamang Ang natitira. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kong SI Avhrie at Chris Ang natira at nangunguna si Avhrie at malapit na siya sa dulo, earth versus water. Anong mangyayari.
"SHIT AVHRIE!" Bigla na lamang sumigaw si Vince sa tabi ko. "SHIT SAN GALING YAN!" at si Ian naman sa kabila. Tiningnan kong mabuti ang dome, may bumubulusok na Alon ng mga buhangin at tila ba lalamunin nito si Avhrie shit. Delikado ito.
Konti na Lang aabutin na nito si Avhrie, ngunit hinarap ni Avhrie Ang bumubulusok na Alon ng lupa, at itinaas ang kanang kamay niya at lumikha din ng alon, nagtama ang dalawang bumubulusok na Alon at Si Chris Ang napuruhan. At nagpatuloy si Avrhie.
Dumagundong ang buong dome dahil sa ingay ng mga tao. Nakisali na din kami sa ingay at bumaba upang salubungin si Avhrie. Putikan na ang itsura niya. Yung tipong napabayaan at walang ligo ng ilang araw.
***
"CHARIOTEER WINNER FOR TODAY! JHON AVHRIE MONTECILLA!!!!"Kitang kita ang ligaya sa mukha ni Avhrie, lalo na noong ibinigay na sakanya ang libro, Ang inaasam naming libro. Nasa Amin na Ang pangatlong piraso at ang sagot sa pagkatao ko.
***
A/N:
Wokay!! Ang konsepto Charioteer racing ay nakuha ko mula sa Greek Game na Chariot Racing. Ang kaibahan lamang ay Ang Normal na Chariot Racing ay, magsisimula east to west. Ibinase ko ang, posisyon ng laro mula sa larawan ng Hippodrome na nakuha ko. Ang mga salita na ginamit ko ay mga Salitang Greece, na ginamit noon sa paglalaro ng Chariot Racing.|UNEDITED|
BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasyThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?