16: The Angel's Code

41 2 12
                                    

IMPORTANT NOTE AT THE END OF THE CHAPTER.

***

Suga's POV

"Hoy Gasu, baka naman gusto mong magpaliwanag sa amin kung ano yang hawak mo." Ani Red sa akin. "Oo nga Gasu,Ano ba kase yan" pati si Kean nagtanong na din.

Naririto kami sa loob ng kwarto namin, lahat sila ay nakapalibot sa akin habang nasa kamay ko ang libro at hindi manlang binubuklat ito.

Sasabihin ko ba? O sasabihin ko? Aish.

"Suga ano na!?" singhal sa akin ni Ian.

Okay Here goes nothing.

"This book Is the key to my real life."

Napamaang silang anim dahil sa mga binitawan kong salita. I know they can't believe it. Even I can't.

"Remember that time na binangungot ako at sabi ninyo ay sumisigaw ako ng 'tay' at sinabi kong galing ako sa Isang lugar?. Yun ang araw na nalaman ko kung sino ako. I'm not a Monterola. I'm a Demetria, The son of the late Savil and Gabriel Demetria"

Mas lalo ata silang nawalang ng imik.

Napansin kong napakunot ng noo ni Vince at tumingin ng taimtim sa akin.

"Savil at Gabriela? Tama ba ako ng pagkakarinig? At ano ulit ung lugar?"
Tila gulong gulo siya sa mga narinig niya.

"Oo sila nga. At ingri ang lugar, bakit Vince?" ani ko.

"Pamilyar lang ang pangalan, may pupuntahan lang ako saglit" ani nito at lumabas na ng kwarto.

Itinuloy ko na ang kwento.

"Kung mapapansin ninyo na Ingrii rin ang pamagat ng librong hawak hawak ko ngayon. Kaya naman sigurado ako na malalaman ko ang katotohanan sa oras na basahin ko ang mga naka saad sa librong ito."

Wala pa rin silang imik. Masyado ba talagang nakaka-gulantang ang mga impormasyong nalaman nila?

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at sinimulan nang buklatin ang mga pahina.

Ingrii isang salita mula sa ibaba (mundo ng mga tao), ito ay isang griyegong salita na ang ibig sabihin ay "Angels"  Sa mundo ng mga Espers (ESP) o specials ay isa itong kilalang lugar na siyang tinitirahan ng mga angel na mayroong iba't ibang uri ng antas at katungkulan.

Wala pa ring nagsasalita simula ng matapos ko ang unang talata ng pahina, sinuri ko muna ang ibang nakasulat at sa palagay ko ay alam ko na ang mga ito. Inilipat ko ang pahina.

Κώδικας του αγγέλου
(angel's code) 

Seraphim (Se-ra-pim)
Angels of love, light and fire.
Guardians of God's Throne

Cherubim (ke-ru-bim)
Angels of Harmony and wisdom
Guardians of spiritual sanctuaries

Throne
Angels of intuition, leaders
Gives guidance to lower angels

Raven  Academy For specialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon